Challenge # 03

64.4K 2.6K 432
                                    

Malapit na

Aswell's

Hindi na kami lumabas ng hotel room nang hapon na iyon. Kasama ang mga bata, nag-movie marathon na lang kaming mag-anak. We seldom bond over movies like this. Hindi kasi pwede. Kung hindi si Japet lang ang kasama ay ako lang. Hindi kami pwedeng lumabas nang magkasama kasama iyong mga bata kasi magagalit si Tatay, magtatampo siya. Iyong PTCA nga lang na kasama ko si Japet, alam kong dinamdam na niya iyon.

"Dada gusto ko ng milk." Narinig ko si Castel. Napangisi ako nang kaagad na tumayo si Japet para ikuha ng gatas ang anak niya. Castel can make her Dada do things – she has her Dada wrapped around her fingers.

"Ma..." Napatingin naman ako kay Caspian. Nakahiga siya sa may braso ko at nakatingin sa akin. "Thank you. This is the best birthday ever." Sinabayan niya iyon ng halik sa pisngi ko. "Sana Ma, more moments like this. Natutuwa po akong makita kayo ni Dada ng magkasama."

Gusto kong maiyak pero pinigilan ko kasi bakit naman ako iiyak, birthday na ni Caspian bukas, he's nine years old and it's been nine years since I made that mistake and ever since I've been trying to own up and work hard to redeem myself. Malayo na nga ang narrating namin ni Japet sa kakasubok na ma-own up ang mga pagkakamali namin.

Hindi madali ang pinagdaanan naming dalawa. Iyong unang taon namin bilang mga magulang ni Caspian, parang tanga lang ako noon. Hindi ko kasi alam. Akala ko kapag nailuwal ko na siya sa mundo at kapag mahal na siya ni Tatay, okay na, pero hindi pa rin pala.

Ang dami mong isinuko noon. Nag-aaral ako, pero hindi na pwedeng lalabas ako kasama ng mga kaibigan ko. Nagagalit si Mama sa akin kapag ginawa ko iyon. Hindi na nga naman kasi ako dalaga. Si Japet din ay ganoon. Madalas siyang masigawan ni Mommy Yella.

After graduation ng high school, nagdecide akong h'wag nang mag-aral na ikinagalit naman ni Tatay. Hindi daw pwedeng hindi ako mag-aral kasi sayang ang panahon. Pero hindi ko rin naman pwedeng iwanan si Caspian sa kung kanino. Hindi na rin kasi ako komportable sa kaisipan na sa ibang tao lalaki ang anak ko. Sinabi ko noon na kapag two years old na si Caspian, babalik na ako sa pag-aaral. Tatay and I had a deal kaya lang, bago mag-two years old si Caspian, nabuntis na naman ako ni Japet.

Sa pagkakataong iyon ko nakita kung paano nagalit si Tatay sa akin. Hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay, pero damang – dama ko ang sakit ng loob niya at galit. Hindi na niya ako kinakausap at tila ba wala na siyang pakialam. Sa pagkakataong din na iyon, na akala ko dadamayan ako ni Japet, hindi rin niya ginawa.

Ang gago kasi, nambabae noon. Ayaw na daw niya sa akin, ayaw daw pala niya ng responsibilidad. Gagong – gago siya sa akin noon. Iyong binuntis niya ako tapos biglang ayaw niya sa responsibilidad – magdadalawa na iyong anak namin pero iniwanan niya ako at nagpakasarap siya sa ibang babae. Iyak ako nang iyak noon, buti nga hindi naapektuhan ang baby ko noon.

Sa mga panahong iyon ko napagdesisyunan na tumayo sa sarili kong mga paa. Walang tutulong sa akin kundi ang sarili ko.

Pagkapanganak ko kay Castel ay nagpahinga lang ako ng tatlong buwan, pagkatapos ay naghanap na ako ng trabaho. Hirap akong makakita kasi unang – una, wala naman akong college degree. Pero dahil magaling akong mag-English at siyempre dahil na rin sa charms at ganda ko, natanggap ako sa isang call center at doon nagsimula na ako. Madalas GY ang shift ko pero dahil gusto kong kumita ng pera para sa panggatas ng mga bata, ginawa ko ang lahat.

Minsang nasabi ko kay Tatay ang nanging problema namin ni Japet ay kinausap na niya ako. Siniguro niyang wala na daw ba talaga kaming dalawa ni Japet at nang mapatunayan niya nga ay parang bumalik ulit ang tatay ko sa akin. He started talking to me, tapos naramdaman kong inaalagaan na niya ako ulit. Naging magkasundo na kaming dalawa – maybe because of that time, we both hated Japet...

CrazierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon