Natatakot
Japet's
"Nakausap ko si Joey. Anong nangyari?"
Isang linggo na iyong nakalipas mula nang magwala si Aswell sa resort ko sa Bataan. Nakabaik na ako sa Metro, si Aswell, busy na naman siya sa trabaho niya. Sembreak ng mga bata kaya mas madalas sila sa bahay namin – na ikinagagalit na naman ni Uncle Ido kaya lang hindi na lang ako kumikibo – kahit naman anong pinagdadaanan naming dalawa, nirerespeto ko pa rin siya.
"Iyong dinala ni Joey na interior decorator, nilalandi ako, ayun, nagalit si Aseng." Natawa ako kapag naaalala ko iyong hitsura niya noong nasampal niya ako nang hindi sinasadya. Hindi ko talaga inasahan na makikita ko siya roon, sobrang saya ko kasi nagseselos pa rin ang luka – luka. Ibig sabihin, mahal niya pa rin ako, madalas kasi iniisip kong baka sanay na lang siya sa pagsasabi sa akin ng I love you o baka nasanay na lang siyang kasama niya ako palagi kasi nga ako ang tatay ng mga anak niya – pero noonf halos kalakdkarin niya si Miss Paguio palabas ng resort ko, kilig na kilig ako, hindi lang halata.
"Sinapak ni Aswell?" Tatawa – tawa si Eli habang nakatingin sa akin. Nasa firing range kaming dalawa nang araw na iyon. Naroon na rin si Daddy kasama si Uncle Axel at sigurado akong nandito rin si Uncle Ido, Uncle Jude at si Uncle Azul. Bonding kasi nila ito – nagbo-bonding sila kahit na may namumuong tension sa pagitan ng tatay ko at ng tatay ni Aswell.
"Hindi. Kinaladkad lang. Siyempre, hinayaan ko siya. Siya ang boss ko." Tumawa ako. Naaalala ko iyong mga panahong para akong asong ulol sa kakasunod kay Aswell. Naulol talaga ako noon kasi pakiramdam ko lahat ng kasalanan sa akin isinisisi ng lahat – pati siya – kung bakit nakabuo na naman kami ng bata.
Naranasan kong masampal ni Mommy nang ilang beses. Naranasan kong masigawan ni Daddy at matutukan ng baril na halos pumutok na sa mukha ko courtesy of Uncle Ido dahil sa pangawalang beses na iyon – ang hindi ko lang talaga matanggap noon ay kung bakit pati si Aswell, hindi ako matingnan sa mata. It felt as if she hates me that moment and I hated myself more kaya ang ginawa ko – naghanap ako ng ibang bagay na makakapawi ng kalungkutan ko.
Nag-drugs ako, nag-inom- sa ilang panahong iyon, lahat yata ng bisyo ginawa ko dahil lang sa kagustuhan kong makalimot sa lahat ng nangyayari. Pero sa huli, ako pa rin iyong umuwi sa kanya. Hindi ko naman siya maiwan basta, alam ko kasi na si Aswell na talaga.
Unang beses kong nakita si Aswell noong three years old siya. Mula noon, palagi ko na siyang gustong kalaro. Binakuran ko siya noong Grade 3 siya. May iba siyang crush – lahat ng nagiging crush niya binu-bully ko, kung hindi sila papalipat ng section, umaalis sila sa school na iyon – I made sure na walang ibang lalapit sa kanya and it went on hanggang sa maging Grade 8 na siya. I made a move when she was in Grade 9 and everything is history.
Hindi ko nagawang mambabae – sinabi ko lang iyon sa kanya para masaktan siya pero pinagsisihan ko rin iyon. Iyon rin ang alam niyang dahilan kung bakit ko siya iniwanan noon at hindi ko na itinama iyon – I wanted too pero wala naman nang rason para sabihin pa sa kanya – pinanindigan ko na lang lahat ng sinabi at ginawa ko, I manned up and became what she needed.
All I wanted is to take care of her and our family. Iyon na lang ang gusto kong gawin ngayon."Nandito ka pala." Nagulat ako nang mula sa kung saan ay lumabas si Uncle Ido. May dala siyang baril at ammo. Masama na naman ang tingin niya sa akin. I smiled at him.
"Kamusta po, Uncle?"
"Masama kang impluwensya sa anak ko. Biruin mo, nagpunta sa Mariveles para sundan ka? Ang kapal rin naman ng mukha mo. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nagpapakatanga sa'yo si Aswell. Wala ka namang bayag."
BINABASA MO ANG
Crazier
General FictionChildhood sweet hearts sina King Japhia at Aswell. Mahal nila ang isa't isa, pero hindi ganoon kadali ang lahat. They have two kids, they love each other but the can never be together because Aswell thinks that it's not the time yet. Naiintindihan n...