Challenge # 01

85.2K 3K 786
                                    

Libre

King Japhia Sandoval

"Dada, saan si Mama?"

Pupungas-pungas pa si Castel habang palapit siya sa akin. Ginigising ko na kasi si Caspian dahil iuuwi ko na sila ngayon sa bahay ni Uncle Ido. It's Friday and they have school at eight am. Hindi sila pwedeng ma-late kundi mapapagalitan na naman ako.

"Saan si Mama?"

"Sa house ninyo, Baby." I kissed her forehead.

"Sabi mo uuwi na siya dito? Sabi mo family na tayo in one house." Lumabi ang seven years old kong bunso. Si Caspian naman ay nakatingin rin sa aming dalawa ng kapatid niya.

"Ayaw pa rin ba ni Mama?"

"Paglaki ninyo, maiintindihan ninyo na iyon. Lika na. You still have school." I signaled Caspian to stand up. Si Castel ay karga ko na. She's seven at pakiramdam ko, mana sa akin ito paglaki – matangkad. Sabagay, pareho naman sila ni Caspian na mahaba ang mga bi-as.

Bumaba na kaming mag-aama. Bago umalis ng bahay ay humalik pa iyong dalawa kay Mommy at Daddy. Hindi naman na bago sa kanila ang ganitong sitwasyon, we've been doing this for almost nine years now. Noong una ay pahirapan pa kami dahil ayaw ipahiram ni Uncle Ido ang mga bata, mabuti nga nagbago na iyon at kahit paano ay naging sibilisado na siya pagdating sa amin ni Aswell.

Noon, tuwing haharap siya sa akin ay may dala siyang baril, pero ngayon, tinitingnan niya na lang ako nang masama. Pinapapasok na niya ako sa bahay nila, dati kasi hanggang sa gate lang ako.

Karga ko si Castel at hawak ko ang kamay ni Caspian, lumakad kami papunta sa bahay ng mga Emilio. Bukas iyong gate kaya pumasok kami agad. Si Caspian ay nagtatakbo agad papasok ng bahay. Naabutan kong tinakbo niya si Uncle Ido para halikan.

"I miss you, Papa Pogi!"

"I miss you too, Apong Pogi! Kumain ka na ba? Nagluto si Mamita Ganda ng pancake. Diba favorite mo iyon?"

"Opo, Papa Pogi, pero pupuntahan ko muna si Mama."

Ibinaba ni Uncle si Caspian. Napatingin siya sa direksyon ko. Ibinaba ko rin si Castel.

"Good morning po, Uncle." Wika ko habang papalapit sa kanya ang anak ko. Nakangiti siya kay Castel at kinarga niya ito. Tulad ni Caspian ay pupuntahan daw muna ng anak ko ang Mama niya nang kaming dalawa na lang ay biglang nawala ang ngiti ni Uncle Ido. Napalunok ako.

"Walang good sa morning, Putang ina."

That's what he calls me Putang ina. Kung iyong ibang tao tinatawag na gago, ako naman, putang ina. Originality – bars.

"Ido, ano ka ba naman? Taong humarap iyong bata." Narinig ko si Tita Gina. "Kumain ka na ba, Japet? Kumain ka muna, I cooked a lot of pancakes, nandito kasi si Cassie.

I know Cassie. Inaanak ni Uncle Ido iyon. Nandito pala siya. Siguro para magbakasyon.

"Ido, umayos ka." Sabi pa ni Tita Gina.

"Good morning, Japet, alam mo bang putang ina ka?" Wika ni Uncle Ido na ngiting – ngiti pa. Hinampas niya ni Tita Gina sa balikat.

"Ido ha! Iayos mo nga!"

"Hindi na, Tita, okay lang naman po. It's his way of showing me his appreciation." Biro ko pa. Napasinghap ako nang amban ako ni Uncle ng suntok.

"Ido!"


"Nakakabwisit na umaga. Umagang – umaga makakakita ka ng supot!"

"Hindi po ako supot, Uncle, tanong ninyo pa po kay Aswell."

CrazierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon