Challenge # 09

60.9K 3.3K 455
                                        

Bunso

Aswell's

NASAAN na kaya iyong putang inang Japet na iyon? Kanina pa ako nangigigil sa kanya. Maaga akong nagising para ipagluto siya ng almusal. Gustong – gusto niya kasi iyong fried rice ko, kaya kagabi, marami talaga akong isinaing para may maisangag ako ngayon. Nagluto rin ako ng tocino, eggs at bacon, nag-toast pa ako ng tinapay at ipinaggawa ko siya ng kape – iyong galing pa talaga ng Batangas because he deserves it.

Akala ko nag-jogging lang ang gago. Pagkagising ko kasi ay wala na siya. Hinintay ko na lang siya pero heto nga at tapos nang kumain ang mga bata, naglalaro na si Castel habang si Caspian ay nanonood nang tv tapos ako nagugutom na pero wala pa rin siya. Ni hindi man lang siya nag-iwan ng note. Ni hind inga niya dinala iyong cellphone niya kaya hindi ko siya ma-contact. Putang ina talaga iyon. Minsan iniisip ko na lang na buti love na love ko siya kundi matagal ko nang binugbog iyon – abugbug Aswell siyang gago siya.

"Mama, nasaan na si Dada?" Narinig ko si Caspian. Sa sobrang inis ko sa tatay niya ay hindi ko napansing nakatayo na siya sa tabi ko. Umabot ng tinapay ang panganay ko at saka naupo sa silya sa tabi ko.

"May inasikaso ang iyon. Pagkatapos ng pinapanood mo maligo ka na ha." Utos ko sa kanya.


"Sige po. Sabi kasi ni Dada maglalaro kami ngayon. Wala naman siya." Malungkot na wika niya. Napangiwi ako. Sasampalin ko talaga ng kaldero si Japet mamaya pag-uwi! Ipagbabato ko sa kanya ang lahat ng gamit dito! Siya na rin ang nagsabi kagabi – lahat ng ito ay sa akin. Hindi ko siya patatabihin mamaya sa kama namin! Bwisit siyang! Supot talaga iyon!

Dahil gutom na gutom na ako ay kumain na lang din ako. Naparami pa nga ang kain ko dahil sa kakaisip sa putang inang iyon. Malaman – laman ko lang talaga na may babae siya, naku! Ikukulong ko siya sa loob ng kwarto tapos iyong babae niya ingungudngod ko sa lupa nang paulit – ulit. Putsa! Hindi ko siya hihiwalayan! Bakit? Una siyang naging akin! Didisiplinahin ko si Japet at ipapaintindi sa kanya na dapat ako lang kasi I am the best he can ever have!

Hello? Have you seen me? I'm so fucking perfect!

Matapos kong kumain ay nagligpit na ako. Lahat inilagay ko sa ref. Bahala siyang magutom. Pinaligo ko na si Castel. Si Caspian, alam naman niya na ang gagawin kaya hinayaan ko na lang siyang manood ng tv. Bakasyon naman, kapag may pasok, hindi siya nakakanood ng tv pag weekdays, every Saturday lang.

Pagkaligo ni Castel ay hinayaan ko na siyang maglaro sa loob ng kwarto namin ni Japet. Kinuha ko ang phone niya at binuksan iyon. Wala naman kasing password ang phone niya kaya madaling i-access. May mga messages siya. Una, galing kay Eli, iyong isa kay Ate Tel, may galing kay Joey – na nagtatanong kung kailan daw mag-site visit si Japet kasi malapit na daw matapos iyong interior ng resort niya.

Wala namang kakaibang text sa kanya. Natawa pa ako dahil iyong messages ko sa kanya kahit ano lang ay naka-favorite pa. Sira ulo talaga.

"Nasaan ka bang putang ina ka?" Gigil na gigil na ako. Natigil lang ako nang mapansin kong nakatingin sa akin si Castel.

"Ma, nandito po si Ninong Eli." Napatingin ako sa pinto. Nakatayo roon si Eli kasamasi Caspian.

"Daddy Eli!" Tumayo agad si Castel at nagpakarga sa Tito niya.

"Hoy, nasaan ang kapatid mo?" Inis na tanong ko.

"Kaya nga ako nagpunta dito kasi hinahanap ko si Japet. Sabi niya kasi sasamahan niya akong maghanap ng place para sa boating business ko."

Huminga ako nang malalim. Mag-aalas onse nang umaga pero wala pa rin siya. Hindi naman siya ganito. Nagsimula na akong mag-alala. Hindi kaya may masamang nangyari kay Japhia? Jusko. H'wag naman sana.

CrazierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon