Aswell's
"PET!"
Umiiyak ako habang sinusundan siyang palabas ng bahay. Karga ko si Caspian, pat inga itong bata ay iyak na rin nang iyak dahil paulit – ulit kong tinatawag si Japet. Katatapos lang naming kausapin si Tatay at Mommy, naulit na naman kasi, buntis na naman ako at siya ulit ang ama. Titigil na naman ako sa pag-aaral, halos kababalik ko pa lang nga ng school.
"Pet! Japet..." Thank God, huminto naman siya sa paglakad. I kept on crying. He faced me. Pati yata siya at galit. Nasapak kasi si ni Tatay. He looked so frustrated.
"Ako na naman iyong mali." Parang pagod na pagod na wika niya sa akin. "Bakit palaging ako, Aswell? Ikaw rin naman ay gusto ito. Sumama ka sa akin noong gabing iyon, sumama ka sa akin sa kama, nasarapan ka rin naman, mahal kita pero bakit sa pagkakataong ito, ako iyong sinisisi ng pamilya mo at ng buong pamilya ko? Dahil ba lalaki ako? Wala namang mangyayari sa atin kung hindi mo rin gusto!" He was hissing. I sobbed.
"Pet... galit pa rin naman talaga sila sa atin... siguro, siguro... ano... tulad ng dati iyong magkasama tayong dalawa.... Tayo na lang ulit..." I sobbed. Sobrang bata ko pa, hindi ko naman dapat nararanasan iyong ganito, dapat nag-eenjoy ako sa buhay pero alam kong dapat kong harapin ang mga ito. Kasalanan ko naman rin kasi, maaga akong lumandi – mahal ko kasi si Japet.
He shook his head.
"Bahala ka na. Magsama kayo ng tatay mo. Maghahanap na lang ako ng ibang babae."
He walked away. I sobbed hard. Si Caspian ay iyak nang iyak rin. Tatlong buwan na akong buntis. Kasasabi lang namin sa mga magulang namin, tapos ngayon, iiwanan na niya ako? Bakit dati, noong kay Caspian, kahit galit si Tatay at Mommy sa amin ay nagawa niya akong alagaan, bakit ngayon, maghahanap na siya ng ibang babae? Iyak ako nang iyak habang sinisigaw ang pangalan niya. Palayo na siya sa akin, at pakiramdam ko, hindi ko na siya makikita pang muli.
"Aseng, pumasok ka na sa loob." Narinig ko si Ate Etang. I was crying still. Gusto ko si Japet. Kailangan ko siya pero bakit umayaw na siya? Hindi ko siya maintindihan. Sabi niya sa akin mahal niya ako, bakit ganito? "Aseng, halika na. Mahahamugan iyong anak mo. Halika na. Hayaan mo na muna si Japet. Mag-iisip lang siguro iyon."
Wala akong nagawa kasi kahit na paulit – ulit ko siyang tawagin ay hindi niya ako pinapansin. Sumunod ako kay Ate. Kinuha niya si Caspian na umiiyak pa rin pagpasok namin sa loob ay kinuha ni Tatay si Caspian pagkatapos ay tiningnan ako nang masama. Hindi ko alam kung paano ko siya pakikiharapan ngayon.
Umakyat ako sa silid ko at doon nag-iiyak. I am three months pregnant and I feel so sad – ayokong ma-depress, kailangan maging masaya ako pero paano ko gagawin iyon? Ang sakit – sakit ng puso ko.
Ang tagal na namin ni Japet pero magagawa niyang maghanap ng ibang babae kasi ganito ang naramdaman niya? Bakit hindi na lang niya ako tulungan ulit tulad noon? Alam kong sa tingin ng lahat ay pagkakamali ito – but I learned from my parents that a baby is always a blessing and this baby – whatever it is – will always be a blessing – but deep inside my heart... I feel like this baby is bad luck.
I cried for days. Hindi ako lumalabas ng bahay. I am also thinking of getting rid of the baby. Aanhin ko pa ito? Wala namang nagmamahal sa akin dahil sa batang ito.
I stood in front of the mirror. May baby bump na ako. Napapaluha ako. Hindi ako masaya kaya pinagsusuntok ko ang tyan ko.
"Umalis ka diyan! Ayoko sa'yo! Alis!"
"Aswell!" Natigil lang ako nang pumasok sa silid ko si Kuya Dondon. He looked at me pagkatapos ay agad niya akong niyakap. "Aswell ano ka ba?"
BINABASA MO ANG
Crazier
General FictionChildhood sweet hearts sina King Japhia at Aswell. Mahal nila ang isa't isa, pero hindi ganoon kadali ang lahat. They have two kids, they love each other but the can never be together because Aswell thinks that it's not the time yet. Naiintindihan n...