Challenge # 15

57.3K 3.5K 522
                                    

I'm so sorry

IYAK lang nang iyak si Aswell habang nakayakap siya sa akin. Wala akong ibang naiisip kundi baka sasabihin na niya sa akin ang tungkol sa kabit niya. Inihahanda ko na ang sarili ko dahil alam kong magiging masakit ang usapang ito. Iyon pa nga lang hindi ko alam, iyon pa nga lang si Eli pa lang ang nakakausap ko, ang sakit – sakit nang loob ko, paano pa kaya ngayong aamin na siya.

Kanina pa nanginginig ang mga balikat niya. Iyong iyak ni Aswell ay parang iyong iyak niya noong unang beses naming sinabi kay Uncle na buntis siya at sakit na sakit si Uncle Ido. Hindi timitigil sa pagsigok si Aswell. Lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. Ayoko ng ganitong pakiramdam – na para bang mawawala na siya sa akin.

I didn't work this hard para lang mawala na naman siya at magsimula na naman ako sa una.

"Bi... what happened? Why are you like this? At isa pa, bakit nandito ka?" Nag-aalalang tanong ko. Dahan-dahan ko siyang inilayo sa akin. Pinahid ko ang mga luha niya. Pagod na pagod ang hitsura ni Aswell. Habag na habag ako. Ayoko siyang nakikitang ganito.

"Bi, natatakot ako." Wika ko sa kanya. Inupo ko siya sa bench na kinauupuan niya kanina. Iyak pa rin siya nang iyak. "Aswell, what happened?"

Muli na naman siyang yumakap sa akin.

"Pet... Pet, h'wag mo akong iiwan." Paulit – ulit niyang sinasabi iyon. "Pet... ayokong iwanan mo ako."

"Hindi naman kita iiwanan. Umayos ka nga." Pinipilit kong maging kalmado kahit sa kaloob-looban ko, takot na takot ako. "Anong nangyayari? Bakit nandito ka?"

She straightened up. Pinahid niya ang mga luha niya pagkatapos ay huminga siya nang malalim. Paulit – ulit niyang ginawa iyon saka siya humawak sa kamay ko.

"P-paano mo muna ako nahanap?"

Napakamot ako sa aking ulo. "Bale... ano... naglagay ako ng tracking device sa phone mo."

Nakatitig lang siya sa akin. "B-bakit?"

"Kasi... kasi, Aswell, gusto kong malaman kung nasaan ka – sa lahat ng oras."

"Bakit hindi mo na lang ako i-text?"

I was taken a back. Oo nga naman. Bakit nga ba naman hindi ko na lang siya i-text? I sighed. Ahh... oo nga pala, hindi ako sigurado ngayo kung kapag tinext ko siya ay magsasabi siya ng totoo sa akin. I don't know what happens in cheating but I know that there's a lot lying involve in it.

"Sasabihin mo ba sa akin kung nasaan ka kapag tinanong kita?" Malumanay akong nagtanong.

"Pet, oo naman. Bakit hindi ko sasabihin?" Napahikbi na naman siya. Naramdaman kong napapaiyak na rin ako. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya pagkatapos ay hinaplos – haplos ko ang mukha niya.


"Aswell, alam mong mahal kita diba? Sobrang mahal kita. Mahal na mahal kita, ibinigay ko sa'yo ang buong buhay ko at kahit na anupaman ang gagawin mo, tatanggapin ko, h'wag ka lang mawala sa buhay ko." I sobbed. "Wala na akong pakialam kung magmukhang tanga ako, basta, akin ka lang. Akin ka lang diba?"

Mukhang hindi kami magkakatapusan ng usapan dahil mag-iiyakan lang kaming dalawa ngayon. Ayoko siyang mawala. Ayokong mahirapan ang mga anak ko. Hindi ako susuko. Hindi kahit kailan.

"But...I don't think I deserve this love anymore..." Napahikbi siya. Parang napunit ang puso ko. I sobbed. Hindi ko mapigilan. Hirap na hirap akong pigilin ang paghikbi ko.

"Hindi." Nanginginig ang boses ko. "Hindi ka dapat nagsasalita ng ganyan. Tang ina naman, dekada na tayong magkasama, dekada na nating hinaharap ang mga problema tapos bigla mong sasabihin na hindi mo deserve iyong pagmamahal ko? Ano bang pakialam mo sa pagmamahal ko? Mahal kita eh. Ikaw iyong gusto kong pagbigyan ng pagmamahal, you don't get to say that! I am the only one to decide what I will do with this love and I want to give it to you." I sobbed again. She keeps on shaking my head. Ayoko nang ganito. Akin siya. Hindi naman siguro ako nagkulang sa kanya ng pagpaparamdam na mahal na mahal ko siya.

CrazierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon