Challenge # 02

68.7K 3.1K 610
                                    

Aswell Varess – Emilio

"Ikaw na iyong kumausap sa teacher ni Caspian, ako na lang sa Teacher ni Castel."

Pagkatapos naming kumain sa tapsilugan ay dumiretso kaming dalawa ni Japet sa school noong mga bata. PTCA nga kasi at hangga't maaari gusto kong nandito ako tuwing kuhanan ng card para direkta kong nalalaman kung anong problema sa mga anak ko. Si Caspian ay grade 2 na, si Castel ay grade 1. Parehong matalino ang mga anak ko, pero pareho rin silang makulit – lalo na si Castel. Jusko, kung sino ang babae, napakatigas ng ulo. Spoiled na spoiled kasi sa mga lolo niya.

Napapailing ako. Parehong yamot si Tatay at Daddy KD sa isa't isa pero iisa ang likaw ng mga bituka nilang dalawa. Parehong spoiler, pareho tuloy kami ni Japet na hirap idisiplina iyong dalawa dahil kahit saang bahay kami naroon, nakikialam iyong mga lolo kapag pinagagalitan namin ang mga bata.

"Okay, Bi." Wala sa loob iyong sagot niya na iyon kasi naghahanap siya ng parking parking spot. Nagpalit na siya ng sasakyan, pinadala niya sa tao niya iyong kotse niya at pinauwi niya ang motor niya. May sarili bahay si Japet, pero sa bahay nila Mommy Yella siya umuuwi para malapit sa mga bata. Napatingin siya sa akin. "What?"

"You called me Bi."

"So?" Nagtatakang tanong niya. "Iyon naman ang tawag ko sa'yo grade 4 ka pa lang."

"I know..." I bit my lower lip. Wala lang. Kinikilig lang kasi ako.

"Ang weird mo. Para kang si Eli." Natatawang sabi niya.

"Ano nga palang balita kay Eli?"

"Sa IG niya nasa Thailand siya ngayon. Pinauuwi ko na nga at hinahanap na siya ni Mommy hindi naman nagre-reply sa message ko. Uupakan ko iyon pag-uwi eh."

"Sus, love na love mo naman si Eli, diba nga muntik mon ang bugbugin si Kuya Rigor noon." Natatawa ako kapag naaalala ko kung paano siya nagwala noong nalaman niyang kinasal na si Kuya Rigor at V. Akala ko talaga hindi ko siya mapipigilan sa pagsugod doon sa dalawa.

"Chos lang iyon." Tumawa siya. Binatukan ko naman siya. Finally, nakakuha na siya ng parking space. Iniwanan ko na lang iyong bag ko sa loob ng sasakyan niya. Nauna siyang bumaba, susunod na ako sa kanya pero naunahan niya akong buksan iyong pinto ng kotse, inalalayan niya akong bumaba mula roon.

Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng school, pero naghiwalay rin kaming dalawa kasi nga pupunta siya sa Grade 2 department, ako naman sa room ni Castel. When I got there, nakita kong nakaupo siya sa harapan at may kung anong ginagawa. Kumatok ako sa pinto and the teacher opened the door.

"Yes, Ma'am?"

"I'm Castel's mom." Pakilala ko. First time naming magkakilala kasi noong first grading hindi ako nakapunta, nagkasabay kasi sa client – call ko at hindi ko pwedeng hindian iyon, so Japet came without me.

"You are?" Parang hindi siya makapaniwala. "I mean, you are, yes, uhm where's the Dad?"

"He's with Caspian." I smiled. Kitang – kita kong para bang nadismaya siya. I stared at her. The teacher is wearing a red dress, with matching red lipstick, tapos amoy na amoy ko iyong pabango niya. I also noticed na si Castel na lang ang batang nasa loob.

"Pasok ka."

"Where are the others?" I asked her.

"Kanina pa sila tapos. Nag-meeting na kasi kami."

"And Castel is here for the one on one?" Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng kilay ko. "May problema ba sa anak ko?" Tanong ko.

"Ow, wala po, Ma'am. I just..." Hindi na niya naituloy ang sinasabi niya. But I know where this is leading.

CrazierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon