Chapter 11: WHY?

2K 39 0
                                    



Vivienne's POV

Nag hahanda na kaming dalawa ngayon papauwi. Buti naman! Pinagsuot NYA— oo!! Nya!— ako ng pants at t-shirt. Para daw hindi ako mamanyak! Alam ko naman sa sarili ko yun!


"Tara na! Kanina ka pa dyan!" Inis na sabi ko! Kanina pa sya sa harap ng salamin! Ano yun?! Dating gawain nya?! Tss!

"Opo!!" Sarcastic na sabi nya pero hindi ko na yun pinansin! Lumabas na kami ng kwarto at nagbaba na sa lobby.

**

Ang ganda talaga ng kotse nya!! Sabagay! Mayaman nga pala!

"Gusto mo bang kumain?" Tanong nya.

"Malamang! Gutom na ako!" Hindi ko alam pero sumigaw ako! Hahaha!

"Wow! Muka ka ngang gutom! Baka makain mo ko! Easy!" Sinimangutan ko sya at hindi na inimikan! Yuck! Kainin nya sarili nya! Hindi naman masarap abs nya!! Yuck ka Viv! Ano ba yang sinasabi mo!!


Tumingin tingin nalang ako sa paligid habang nag dadrive sya. Ang daming pogi! Hahahaha! Bigla nalang tumunog yung cellphone ko! Tiningnan ko ito! Epal talaga tong si Lance! Nag boboy seeing ako eh!!

"Hello Lance?" Kasama ko nga pala si BOSS! So kailangan kong mag acting? Orayt!!

[tsk! Sumagot ka rin! Nasan ka na?] ni loud speaker ko. Hehehe. Alam kong alam nyang kasama ko si BOSS kaya alam kong aacting sya!

"Sorry! Sinama kasi ako ng BOSS ko! Pauwi na kami..." mukang nagets naman nya at napatikhim pa sya!

[wag kang mag sasama dyan sa BOSS mo! Baka mamaya hindi na trabaho yan!] kita ko ang paghigpit ng hawak ni BOSS sa manibela! Muntik na akong matawa!


"Trabaho lang to..." kunyari eh paawa kong sabi!

[tagala! Hindi ako papayag na magkabalikan kayo ng EX mo dahil AKIN ka na!—tut—tut—tut]


"Ay? Naputol?" Yan lang ang nasabi ko dahil nahihiya ako sa huling sinabi ni Lance! Mapapatay ko yon pagdating sa bahay! Awkward tuloy!!

"Hehehe..." natatawa talaga ako kay Lance! Lahat nalang ng trip ko sinasakyan nya! Kaya naging bestfriend kami e—-



O_______O!!


"ARAY!! Bat ka ba biglang na preno?!" Kainis to!! Naumpog lang naman ako sa harap ng kotse!! Ang sakit!!

"Sh*t! Saan ang masakit?" Nagulat ako ng tinginan nya ang hawak kong parte ng ulo ko. Bigla akong nailang at umupo ng painosente.

"Wala.. wala namang masakit.." umiwas ako ng tingin.

"Tss. Makipaghiwalay ka sa boyfriend mo..."


O______O!!


Agad akong napatingin sa kanya! Wala naman akong boyfriend! Hahahaha! Ang dali nya talagang ma-uto!

"Bakit naman? Mahal ko sya" kunot noo kong sabi na kunyari eh galit ako sa sinabi nya pero ang totoo eh nag eenjoy akong asar asarin sya!

"Tsk!" Hindi na sya sumagot. Bakit pala sya naaasar?

"Tsaka ano namang pakielam mo?" Tanong ko.


"Tss! Wala akong tiwala sa boyfriend mo!" Sabi nya. Kaibigan ko na si Lance since nagsimula yung college life ko!


"Parehas kayo. Wala rin syang tiwala sayo eh..." natatawang sabi ko. Oh diba? Fair sila!



"Tsk! Bahala ka! Wag kang iiyak iyak kapag nasaktan ka nyan!" Sabi nya! Naniniwala talaga sya eh noh? Hahahahaha! Bakit galit na galit ang isang to??


TNB: The COMEBACKWhere stories live. Discover now