Chapter 14: True Love Never Dies

1.9K 30 1
                                    




Vivienne's POV

Hindi naman ganun yung meant ko eh!! Ano ba yan!! Nawala ata ang hilo at gutom ko sa kanya eh! Kung ano anong pinagsasasabi nya!


Tumahimik nalang ako. Kita kong nakafocus lang sya sa daan. Ng marating namin ang unit nya eh pumasok na agad kami! Hila hila nya ako. Hindi ko makatanggi dahil wala pa akong nakakain kaya wala pa akong energy.


"May luto na dito..." sabi nya at pinaghain ako. Hindi ko alam pero naguiguilt akong tingnan sya. Bakit nya pinaparamdam sakin to? Para makonsensya ako? Well effective...


"Salamat..." sabi ko. Napatigil naman sya at napatingin sakin. Hindi ko sya matingnan ng diretso. Kita kong ngumiti sya.


"Walang ano man..." sabi nya. Kumain na kami. Tahimik lang kaming kumakain dahil hindi ako makapagsalita dahil sobrang puno ng bibig ko dahil gutom na gutom ako.


"Dahan dahan..." sabi nya.


**

Matapos kumain eh umupo ako sa couch. Magkatabi kami PERO hindi magkadikit! Magkabilang sulok kungbaga.


"Alam mo bang inaantay ko ang sagot mo?" Napatingin ako sa kanya.


"Anong sagot?" Sinasabi neto?


"Patatawarin mo ba ako Viv? Kasi kapag tumagal... baka hindi ko kayanin. Masakit kasi. Tao rin naman ako eh. Nasasaktan..." napaiwas ako ng tingin. Kaya ayokong mag solo kami eh.


Hindi ko alam kung papatawarin ko pa sya. Simula pagkabata palagi na nya akong iniiwan! Paano pa ngayong malaki na kami? Baka nga dumating yung time na umalis sya at hindi na bumalik. Kaya ingat na ingat ako sa nararamdaman ko dahil alam kong posibleng mangyari yun.



"Hindi... hindi ko alam..." sabi ko at tumingin nalang sa TV.


Tumahimik naman sya. Sumulyap ako sa kanya at kita kong nanonood lang sya ng TV. Sobrang awkward na! Shete bakit kasi binibring up nya pa yung topic na yun?! Tsk! Naiilang ako!



Nakita kong may pinindot sya sa cellphone nya bago nya ito ihagis sa sofa. Umupo na sya ng ayos.


"Hindi na kita mahahatid. Pagod na ako. Ipinasundo na kita kay Mikko. Paki lock nalang ng pinto bago ka umalis. Magpapahinga na ako..." sabi nya.



Hindi ko alam pero namanhid ang puso ko ng sabihin nya ang salitang 'pagod na ako'. Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin! Bakit ba ako nagkakaganito?!


Kita kong pumasok sya sa kwarto nya ata. Kaya tumayo ako. Okay na ang pakirandam ko. Tumayo ako at lumabas na ng unit. Ni lock ko na rin. Baka malooban pa sya eh.



"Viv!"

"Lance!" Akala ko ba si Mikko ang susundo sakin? Wala talagang kwenta si Mikko!!


"Tara na..." sabi nya at inakbayan ako. Ang bigat ng kamay nya. Sanay na ako sa pagiging clingy nyan. Wala namang malisya eh.


"Anong ginagawa mo pala dito?" Tanong nya. Mukang wala sya sa mood mang asar.

"Bakit badtrip ka ata?" Tanong ko.

"Aish! Wala!" Sabi nya.

"Ehhhh! Wala daw! Sa kapatid yan ni Damon noh??" Namula naman ang tenga nya kaya natawa naman ako.


"Hahaha! Ang cute mo kiligin Lance!" Kinurot ko pa sya.

"Tss! Kainis kasi!! Wag ka ngang mangurot!" Sabi nya. Ay? Badtrip sya?

TNB: The COMEBACKWhere stories live. Discover now