Chapter 44: Sorry

1.6K 29 1
                                    






Vivienne's PoV


Hindi sya nagsasalita. Nakatingin lang sya sakin. Na parang ako pa yung may kasalanan! Eh wala naman akong natatandaan na kasalanan ko ah?!

"Viv..." tawag nya. Hindi ako tumitingin sa kanya. Iniiwasan ko ang mga mata nya dahil ayaw ko na ulit magpauto dun. Kelan ba ako sasaya?

"Papasok na ako..." walang ganang sabi ko at nilampasan sya. Pero nagulat ako nung hawakan nya ang wrist ko, pababa sa kamay ko. Pilit ko itong inalis pero ayaw nya!!

"Ano ba!" Ayaw nya talagang alisin!

"Hindi ako makikipaghiwalay sayo..." mariing sabi nya.

"Pwes edi ako makikipaghiwalay!! Ayaw mo ba nun?! Malaya ka na! Pwede mo nang gawin ang lahat!!" Sobrang sakit sabihin ng mga salitang yan.

"No! Ayoko!" Sabi nya naman!

"Ang kapak naman ng muka mo! Diba sabi mo kinalimutan mo nang may girlfriend ka??! Nag aadjust na ako para pwede ka na makipaglandian sa mga babae mo!..." mariing sabi ko at inalis ang kamay nya saka pumasok sa loob.


Dumeretso ako sa kwarto. Nakakainis sya!! Nakakabadtrip sya!! Bakit ganyan sya ngayon samantalang nung nasa opisina kami eh hindi man lang nya ako mabalingan?! Nag hahawakan pa sila ng muka sa harap ko!! Tapos ayaw namang makipaghiwalay sakin!! Ano yun?! Gusto nya lang akong saktan?!! Well effective!! Nasasaktan nya ako!!


Inis na kinuha ko yung teddy bear at tsaka yun pinagsusuntok!! Dito ko nalang ibubujos lahat ng galit ko sa kanya!!

"Gago ka!! Bakit ayaw mo nakipaghiwalay sakin?!! Sinasaktan mo lang naman ako eh!! Ang sarap mong sakalin!! Nakakainis ka!! Napaka selfish mo!! Ayaw mong makipaghiwalay tapos makikipaglandian ka porket mas maganda sakin?!! Edi dun ka na!! Nakakainis ka!! Hinding hindi na ako magpapaloko sa mga kilos mo!! Akala ko pa naman kapag nabuhay ako eh mamahalin mo ako ng walang hadlang pero bakit parang baliktad yung nangyari?!! Nakikipaglandian ka na nga lang, sa harap ko pa! Nakakainis ka!!" Binugbog ko yung teddy bear. Sorry teddy bear! Wala akong mapaglabasan ng galit ngayon kaya ikaw nalang!!

Matapos ko itong bugbugib eh niyakap ko yung teddy bear...

"Pero bakit ganun? Kahit anong gawin mo eh hindi ko kayang magalit sayo?..." pinisil ko yung teddy bear. Kunyari sya si Joshua. Nakakainis naman kasi!!

"Bakit kasi hindi ko kayang magalit sayo kahit na minura mo ako?! Alam mo bang sobrang sakit nung naramdaman ko nung tawagin mo akong tanga? Sobrang sakit kasi sayo nanggaling, balewala sana kung sa iba kaso sayo eh! Sayo nanggaling!! Sobrang sakit!! Tapos hindi ka man lang nag sorry... pero bakit ganun? Hindi parin ako nagagalit sayo?? Gusto kong magalit pero ayaw talaga..." niyakap ko ng mahigpit yung teddy bear. Ganun ko ba sya kamahal para hindi ko sya kagalitan?



"Viv... sorry kung namura kita.. sorry kung sinaktan kita. Sa sobrang dami ko kasing problema eh hindi ko na napigilan yung sarili ko... sorry..."


O_______O!!



O_______O!!!



"Anong ginagawa mo dyan?!!" Gulat na sabi ko nung nakita ko sya dito sa loob ng kwarto ko!!

"Nilayasan mo kasi ako kaya sinundan kita dito..." napakamot sya ng ulo. "Malay kong bawal na paka ako dito..."

"Malamang!! Bawal ka na dito!! Break na tayo diba?!! Alam mo ba yung break?!! Wala na!! Wala nang tayo kaya pwede ba?! Tigilan mo na ang pananakit sakin dahil hindi ko na kakayanin kapag nagkataon!!" Sabi ko. Kitang kita ko kung paano nagbago ang emosyon sa mata nya. Namamalikmata lang ba ako? Kita ko kasi ang sakit sa mga mata nya... baka namamalikmata lang ako.




TNB: The COMEBACKWhere stories live. Discover now