Chapter 54:Why?

1.6K 48 2
                                    




Joshua's PoV

Kagigising ko lang ngayon. At nagtaka ako nung wala nanaman si Viv sa tabi ko! Agad akong napatayo. Pumunta ako sa banyo at nakita ko syang nagsusuka nanaman. Nasapo ko nanaman ang noo ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ilang araw na syang ganyan! Suka ng suka kasa umaga. Iniisip ko nga malas bahay namin eh! Tss.

"Ano ba talagang nangyayari sayo? Ipatingin ba kaya kita? Hindi na normal yan..." sabi ko habang inaalalayan sya papunta sa kama. Hindi naman sya nagsalita.

"Magbihis ka...pupunta tayo sa hospital.." sabi ko. Napatingin naman sya sakin.

"Hindi na kaila—"

"Ako ang masusunod ngayon. Nagbihis ka na! Napakatigas ng ulo mo..." kunot noong sabi ko. Nagdabog naman sya papuntang walk in closet. Natawa naman ako. Para syang bata kapag nagdadabog. Tss.

Nagbihis na din ako bago kami sumakay sa kotse. Hindi nya ako pinapansin. Nung mga nakaraang araw eh napakamoody nya! Tss! Daig pa ang buntis eh!! Sobrang bilis magpalit mood nya! Lalambingin ako tapos mamaya magagalit sakin. Natatawa nalang ako sa ginagawa nya...

"Tss! Bat hindi ka nagsasalita??" Masungit na sabi nya kaya natawa ako. "Bat ka natawa?!" Sigaw nya kaya lalo pa akong natawa! "Kainis ka talaga!" Hinampas nya ako.

"Huy! Baka mabangga tayo!" Natatawang sabi ko.

"Tss! Bat ka ba tumatawa?! Tapos ang tahimik mo kanina??" Inis na tanong nya. Napailing nalang ako habang nakangiti.

"Kase po nag da-drive ako. At hindi ka rin naman po naimik kaya hindi na rin ako nagsasalita, okay na po?.." nakangiting sabi ko bagk ulit tumingin sa daan. Tumahimik nalang sya.

*hospital*

"Baba na mahal na reyna.." nakangiti kong bungad pagbukas ko ng pinto ng kotse sa harap  nya. Napangiti naman sya. Ganan yan eh, konting lambing ngingiti na samantalang noon eh halos hambalusin na nya ako kapag sinasabihan ko sya ng ganyan. Nung highschool days. Hahahaha.

Hinawakan ko ang kamay nya at sabay kaming naglakad. Pagpasok namin ng hospital eh naramdaman kong sumikip yung pagkakahawak nya sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Tss! Takpan mo na kaya muka mo? Pinagtitinginan ka nung mga nurse..." nginuso nya yung direksyon nung mga babaeng nurse. Natawa nalang ako.

"Hahaha. Sayo lang ako..." inakbayan ko sya at saka nagderetso mag lakad.

*****

asa loob ngayon si Viv. Chinecheck up sya nung doctor. Taena, sana naman wala syang sakit oh kung ano man. Sana naman walang masamang nangyari sa kanya kaya sya nagkaganun.

Napatingin ako sa paligid nang biglang pumasok sa isip ko nung nag aagaw buhay si Viv. Dito din yun sa hospital na to. Napangiti ako nung maalala ko yung lola at yung dalawang bata na nag comfort sakin na kaya naming malampasan yun ni Viv. Kapag nakita ko sila, milyong milyong pasasalamat ang sasabihin ko sa kanila, hindi ako nagsasawa kahit paulit ulit dahil hindi din sila nagsawang sabihin sakin na kaya ko to basta magdasal ako sa Diyos...

"Huhuhuh...." agad akong napatingin sa direksyon kung nasan yung umiiyak. Pagtingin ko eh bata ito! Teka nga...

"Hey little girl, why are you crying?.." pinahid ko yung luha nya. I suddenly realized na parang gusto kong magkaanak! Hahahaha!

Nung nakita ko yung muka nya eh...


O______O!!

"Hey! I remember you..." sabi ko sa batang babae. Sya yung kasama nung batang lalaki na lumapit sakin noon!

TNB: The COMEBACKWhere stories live. Discover now