SPECIAL CHAPTER OF DALE

1.4K 30 1
                                    




Dale's PoV

Andito ako ngayon sa labas ng simabahan. Kasal ngayon ni Mikko at syempre abay ako!! Tss! Tropa ko eh. Hindi nila sinabi sakin kung sinong kapartner ko. Basta ang alam ko eh lalakad ako dun. Bahala na kung sinong makasabay ko. Tss.

"Get ready na! Magsisimula na! Paparating na ang Bride!" Sabi nung organizer kaya pinapasok na kami ng simabahan. Napatingin ako kay Mikko. Masya ako para sa kanya. Buti pa sila may lovelife na! Ako kaya? Kelan kaya ako? Tss!

"Busangot ka kambal?..." napatingin ako kay Francine bago ko sya sinimangutan. Tss. Napaka epal ng kambal ko na to!

"Tss! Dun ka na kay Damon!" Taboy ko sa kanya pero nagtaka ako nung ngumisi sya! The hell?!

"Kilala ko na kung sino kapartner mo!.." binelatan nya ako. Agad namana akong napatingin sa kanya.

"Sino?..." takang sabi ko. Ang tagal ko nang gustong malaman kung sino yung kapartner ko!! Tss. Si Mikko kasi! Ayaw sabihin! Para daw surprise!! Tss. Surprise nila muka nila! Pasalamat sya kasal nya to! Baka gusto nyang tumutol ako!! -__-

"Seeeecrrreeetttr!..." binelatan nya ako! Akmang aalis na sya pero syempre pinigilan ko sya! Tss! Gusto ko malaman!

"Sino nga?..." gigil na sabi ko. Natawa naman sya at inalis ang pagkakahawak ko sa kamay nya. Tss. Kahit naman galit ako eh hindi ko naman sya sasaktan! Kahit gwapo ako eh hindi ko sya sasaktan dahil kapatid ko sya. Mabait ang mga gwapo!

"Si Dyla! Yung kapatid ni Damon!" Nakangising sabi nya at tuluyan nang nanlaki ang mata ko!!

"Whaaaaattt?!!" Gulat na gulat na sabi ko!! Bakit si Dyla pa?!! Pota naman!! (Pronounce as Dayla po yun)

"Hahahaha! Epic ka talaga! Osya pupunta na ako kay Damon! Bye kambal!" Kinawayan pa ako!! Sinimangutan ko nalang sya. Tss. Bakit si Dyla pa?

Bakit sya pa?!! Nagtataka ba kayo kung bakit ayaw ko sa kanya? Kasi naman kahit kelan eh hindi ko sya napansin at ayaw ko syang pansinin dahil may something talaga kapag kausap ko sya! Hindi naman sya pala imik! Kaya nga iwas ako sa kanya.

Pero kahit anong gawin ko eh hindi ko maiwasang tingnan sya o sulyapan man lang. Hindi ko alam pero hindi ko talaga mapigilan. Buti nalang graduate na kami at sila eh kakagraduate lang ng college. Lamang ako sa kanya ng isang taon dahil ka age ko si Damon at mas matanda sa kanya si Damon ng isang taon.

Pumila na kami. Isa isa nang tinawag yung mga abay at katabi ko si Dyla ngayon sa pila. Napatingin ako sa mga tinatawag. Nakasabit yung kamay nung mga babae sa braso ng lalaki. Inaalok nila ito bago sila maglakad papunta sa harap.

"Dale and Dyla..." tinawag na yung pangalan namin. Syempre ang awkward naman kung hindi ko iaalok ang kamay ko sa kanya diba? Kaya inalok ko nalang tapos tinaggap nya naman kaya ayun.

Feeling ko lang hindi ako komportable. Para akong kinukuryente, pota naman!! Habang naglalakad kami eh nakatingin yung ibang tao samin.

"Bagay sila!..."

"Oo nga!!"

"Wahh ang cute nila!..."

Rinig kong bulungan nung mga kaklase ni Mikko dati na inimbita nya ngayon sa kasal nya. Napailing nalang ako, ilang beses na kaming nasabihan na bagay kami.

Pero kahit pa ulit ulitin pa nila yan sa harap namin eh hindi ko sya liligawan, bakit? Simple lang, dahil natatakot akong masaktan ko sya, kapatid pa naman nya si Damon. Hindi sa takot akong mabugbog ni Damon. Sadyang hindi ko lang sya tipo.

Pero bakit ganun? Para akong kinukuryente kapag nakadikit sya sakin? Tss. Baka ginagayuma na ako neto ha! Sabihan nyo ako! Naghiwalay din kami pagdating sa dulo kasi mag kaiba yung upuan nung mga lalaki sa mga babae. Katabi ko pa si Damon. Parang nahiya naman ako.

TNB: The COMEBACKWhere stories live. Discover now