Vivienne's POVUnti unti kong iminulat ang mata ko. Medyo malabo yung paningin ko nung una pero naging maayos din at nakita ko na ang paligid. Nasa isang madilim na lugar ako. Napatingin ako sa katabi ko.
"Gising ka na..." sabi nya. Gagalaw sana ako ngunit may naramdaman ako sa kamay ko kaya napatingin ako! Nakatali ito! Inalala ko ang nangyari kanina!
Nasa kotse kami nun tapos biglang nabasag ang bintana ng kotse sa backseat. Tapos biglang may umalingasaw na amoy na hindi ko maexplain tapos bigla nalang akong nahimatay. Nasaan kami?!
"N-asaan t-ayo??" Nanginginig yung boses ko! Natatakot ako! Natatakot ako na baka may mangyari saming masama! Natatakot ako na baka nasa isang delimadong lugar kami! Natatakot ako!!
"Shh.. kalma ka lang... ako ang bahala sayo..."
Hindi ko alam pero parang ngayon eh bumalik yung tiwala ko sa kanya. Sana... sana... wag nyang hayaan na may mangyari saming masama... sana wag nyang hayaang masaktan kami...
"Gising na pala ang bagong biktima..." napatingin kami sa lalaking pumasok. Sa wakas eh lumiwanag din ng konti! Naigaw ko ulit ang katawan ko at nakaramdam ako ng kirot! Pagtingin ko, puro sugat pala ang katawan ko, hindi ko alam kung saan ko to nakuha pero masakit... sobra!!!
"Anong kailangan mo samin..." kalmang sabi ni BOSS
"Kailangan ko? Bukod sa babae sa tabi mo eh pera! Kelangan ko ng pera! HAHAHAHA!!" Tumawa ito ng nakakaloko!
Nakaramdam ako ng takot. Napansin ni BOSS yun. Naiiyak ako. Lord! Tulungan nyo po kami! Wag nyo po hayaan na masaktan nya kami!
"Wag kang matakot... hindi ko hahayaan na saktan ka nyang mga yan..." bulong nya sakin. Hindi ko alam pero napatingin ako sa mga mata nya. Kumikislap ang mga mata nya, sa loob ng napakatagal na panahon eh ngayon ko lang ulit nakita ang mata nyang yan... hindi ko alam pero.... naging kampante ako, ilang beses na nya akong nailigtas at alam kong magagawa nya ulit yun ngayon, dahil nakita ng dalawang mata ko mismo kung gaano sya kalakas... pero hindi ko parin maiwasang matakot sa sinabi nung lalaki kanina, hindi sya makakalaban dahil nakatali ang aming kamay!
"Bulong bulong ka pa Espiritu!!" Nagulat ako ng sapakin nya si BOSS!!!!
O______O!'
Napatingin agad ako sa kanya!! Kitang kita ko abg dugo sa bibig nya! Hindi ko alam pero naiiyak na ako! Hindi... hindi ko kayang makita ang istura nyang ganyan! Hindi ko kaya dahil parang nasasaktan ako!! Hindi ko alam pero hanggang ngayon, ayoko ng nasasaktan sya...
"Hah! Wala ka pala eh!!" Sabi nung lalaki! Tumingin ito sakin kaya lalo akong kinabahan at nag una unahan nang tumulo ang luha ko!
"Napakaganda mo naman miss..." nagulat ako bg hawakan nya ang muka ko! Iniiwas ko ang muka ko sa kanya!
"Napakalikot mo!!" Hinawakan nya ako sa panga kaya lalo akong natakot!! Hindi ko alam ang gagawin ko! Papalapit yung muka nya! Sinipa ko sya!
"Araaaaay!! Tang*na!!" Napahawak sya sa binti nya!!
Sinamaan nya ako ng tingin at...
YOU ARE READING
TNB: The COMEBACK
Teen FictionThis is the second book of my story entitled "The Nerdy Boy". Enjoy Reading!!