Patugtog kayo ng sad song para mas feel! Hahaha! Thanks!Vivienne's PoV
Sobrang sakit ng mata ko! Sa sobrang sakit hindi ko na mamulat! Bakit ba ang liwanag?! Inantay kong mag adjust ang mata ko sa liwanag at saka ako mumulat.
Nasan ako?? Bakit puro puti ang nakikita ko? Bakit ganito?? Wala akong makitang tao ni isa!! Anong nangyayari?! Asan na sina Mikko?? Asan na ang barkada?? Asan na SYA??
"Viv..." napatalikod ako at nakita ko ang nagsalita...
"Tita..."
Sya. Sya ang mama ni Mikko. Pero bakit ko sya nakikita sa lugar na puro puti?
"Tita asan po ako? Bakit po puro puti? Tsaka bakit ko po kayo nakikita? Nananaginip po ba ako? Patay na po kayo diba..?" Derederetso g sabi ko.
"Hahaha. Oo. Patay na ako. Andito ka sa lugar kung saan kita dapat susunduin..."
"Huh? Susunduin nyo ako?" Takang sabi ko. Ano bang nangyayari? Nananaginip ba ako?! Bakit ganito?!
"Oo iha... itatanong ko lang sayo. Gusto mo bang sumama sakin?"
Ano yun? Bakit ganun yung tanong nya?
"Hindi po pwede eh. Hinahanap na po ako ni Mikko sa bahay. Hindi pa po ako nakakauwi. Pwede po bang ibalik nyo na po ako?" Sabi ko. Patay nanamam ako sa isang yon!!
"Gusto mo bang malaman ang nangyari sayo kaya ka nandito?" Tumango ako.
Nagulat ako ng pumitik sya at otomatikong naging black ang paningin ko. Nung lumiwanag na eh andito ako sa isang kalsada ng biglang...
O_______O!!
*BLAG!!!!*!!
Nagulat ako ng may nagkabanggaan. Pero ang ipinagtataka ko eh bakit walang pumapansin sakin? Bakit parang hindi nila ako nakikita? Anong nangyayari?
Agad kong tiningnan yung nagkabanggaan.
O_______O!!
O________O!!
O________O!!
Hindi ako pwedeng magkamali... hindi... bakit ako ang nakahiga dito at duguan?!!
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Anong nangyayari sakin?! Bakit ako nakahiga dyan sa kalsada at duguan?! Bakit ako yung nabangga?! Bakit parang hindi nila ako nakikita?!!!
*peep!!peeep!!!peep!!*
Sa hindi kalayuan eh may bumusina ng bumusina. Mukang na traffic, hindi ko na alam kung paano pa ako magrereact. Bakit ako yung andito? Eh nakatayo lang naman ako? Bakit nakikita ko yung sarili kong katawan na nakahiga at duguan?
"Gusto mo bang malaman ang nangyari sayo kaya ka nandito??"
Ng biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni tita. Narealize ko ang lahat. Eto?! Eto ba ang nangyari bago ako mapunta dun?! Kaya nya pa ako tinatanong kung gusto ko sumama sa kahya?! Kaya ba ako nandun para sunduin nya ako at isama sa langit?!
Ng biglang may dalawang taong sumisingit sa siksikan at kumpulan sa paligid ng duguan kong katawan.
"Joshua..." wala sa sariling sambit ko. Kitang kita ko ang gulat sa muka nya ng makita nya ang katawan ko. Hindi ko marinig ang sinasabi nya. Wala akong naririnig na salita ng mga tao kahit nakikita kong bumubuka ang bibig nila. Tanging mga tunog lang ng sasakyan ang naririnig ko.
YOU ARE READING
TNB: The COMEBACK
Teen FictionThis is the second book of my story entitled "The Nerdy Boy". Enjoy Reading!!