Play nyo yung nasa media!! Para feel nyo magbasa! Hahaha! Salamat! (Fan ako nung kumakanta! Tagal na nyan! Ka age ko yung bata! SKL)
Joshua's PoV
Isang buwan na ang nakalipas pero andyan ka parin Viv. Nakahiga sa kama ng hospital. Maraming nakakabit na kung ano ano, at nag aagaw buhay. Ang tagal mo namang magising?
"Viv...gising ka na oh... wag mo naman akong paghintayin..." hinawakan ko ang kamay nya at hinalikan ito. Ako lang ngayon ang tao sa kwarto nya. Si Mikko eh may business na pinapatakbo, kumuha muna ako ang assistant ko para sya muna ang magpatakbo.
"Alam mo bang isang buwan ka nang tulog dyan? Pag gising mo wag ka ng tutulog ha? Gusto kong makasama ka magdamag. Labis labis na ang tulog mo eh..." para akong tanga. Kinakausap ko ang taong comatose. Wala akong pakielam! Gusto kong magising sya! Kung pwede nga lang syang buhusan ng tubig. Kaso hindi na biro ang sitwasyon.
"Kapag gising ka na... gagawa na ulit tayo ng memories. Hindi man maulit yung dati eh kaya naman natin yung palitan ng mas maganda...kaya gising ka na please? Hindi ko na kakayanin kapag nagtagal ka pa dyan..." nakayukong sabi ko.
Hindi ko napapagod maging emotional kapag sya ang dahilan. Mahal ko sya at kahit kelan eh hinding hindi ako mapapagod ng sya ang dahilan.
"Kelan ka kaya gigising? Gusto ko na ulit makita ang mga ngiti mo eh. Wala na akong mapagmasdang magandang tanawin kapag tulog ka dyan... ikaw lang kasi yung maganda sa paningin ko ang kaso... tulog ka naman dyan..." sabi ko.
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Sa nakalipas na isang buwan eh wala akong ginawa kundi ang intayin syang gumising. Hindi ako magsasawang maghintay, kahit pa gaano katagal yan.
"Sir, excuse lang po, ituturok ko lang po se dextrose yung gamot..." sabi nung pumasok na doctor kaya tumabi muna ako.
Habang tinututuak sya eh wala akong ginawa kundi titigan ang muka nya. Sobrang putla nya. Yung mapula nyang labi namutla dahil sa nawalang dugo sa kanya. Sana bumalik na sya sa masigla at gising na gising na SYA.
"Ahm..kelan po sya magigising.?." wala sa sariling sabi ko.
"Only God knows..." hindi ko makita yung muka nung doktor!! Pero kaboses ito nung mama ni Mikko! Tabdang tanda ko ang boses ng mama ni Mikko dahil magkakaibigan ang magulang namin!
"Sino po kayo?..." kinikilabutan na sabi ko.
"I am the guardian angel of her's..." humarap ito sakin kaya nagulat ako! Sya nga! Sya nga ang mama ni Mikko! Bakit sya nagpapakita?!! Kinikilabutan na ako!!
"Ah..eh.." wala akong masabi! Tiklop ang bibig ko!!
"Dont worry hindi kita sasaktan... binisita ko lang ang mga alaga ko..sabihin mo sa anak ko mahal na mahal ko sya..." naiiyak ba sabi ni tita bago ito naglaho!!
"Tita!" Wala sa sariling sambit ko. Dinadalaw na sya ng guardian angel nya. Malapit na ba syang kunin? Noo!! Sasama ako kapag kinuha sya!!
Gusto ko sanang itanong kay tita kung magigising pa sya. Kaso biglang nawala. Bakit sya naglakita sakin? Anong sign nun? Anong meron?!
Lumapit nalang ako kay Viv at hinawakan ulit ang kamay neto.
O______O!!
O_______O!!
Hindi ko alam kung namamalikmata lang akk o ano pero bumalik sa dati ang temperature ng katawan nya!! Hindi na sya malamig..
Bigla akong napangiti... tiwala lang!! Magigising sya!! Nanibiwala akong magigising sya one of this days... sana nga... magpapasko na pero hindi parin sya gising.
"Huy!"
O______O!!
Nagulat ako ng biglang sumulpot si Claire. Sa tropa, sya ang pinakamadalas dumalaw.
"Tsk...wag kang nanggugulat.." pumasok muna ako ng banyo at nang hilamos. Nag toothbrush din ako. Syempre kahit ganito eh hindi ko naman pababayaan ang sarili ko. Kung pwede nga lang eh palit kami ng pwesto... ako yung nag aagaw buhay.
Paglabas ko nadatnan ko nanaman syang umiiyak kay Viv. Sanay na ako. Maski ako bago ako matulog. Bigla nalang tutulo yung luha ko. Sobra ang pagiging emotional ko kapag sya ang dahilan. Mahal na mahal ko talaga sya.
"Kelan kaya sya magigising?..." wala sa sariling sambit nya. Yan. Yan din ang tanong na araw araw kong tinatanong pero wala naman akong makuhang sagot.
"God knows..." bulong ko. Sana magising na sya. Ayokong araw araw na masaktan dahil sa nakikita ko syang ganyan.
Mikko's PoV
Tangna. Mapapatay kitang Casabal ka kapag nakita kita!! Sobra sobra na ang ginagawa mo samin kahit hindi ka namin pinapatulan...
Pagpasok ko sa hide out eh napangisi ako at gigil na gigil.
"Tangna kang hayop ka!!" Tinutukan ko ng baril si Casabal. Na ngayon eh nakatali.
"Mas hayop ka! Bagay lang yun sa kapatid mo! Hahaha!" Tumawa ito na parang demonyo. Pinutukan ko sya sa paa. Napatigil sya sa pagtawa.
"Ang tagal na naming hindi gumaganti sayong demonyo ka!! Pero sobra ka na! Baka gusto mong galawin ko din ang pamilya mo?" This time ako naman ang ngumisi, at kitang kita ko kung paano nagbago ang kanyang itsura.
"Subukan mo lang!!"
"Talaga!! Timping timpi na kaki sayo!! Iisa isahin ko ang pamilya mo at bubulukin kita ditong demonyo ka!!" Pinutok ko ang baril at dinaplisan ko sya sa binti. Pasalamat sya may konsensya pa ako kaya hindi ko sya pinapatay.
Padabog akong lumabas ng hide out. Hindi naman ako tanga para idamay ang pamilya nya. Sya lang tong tanga na dinamay ang pamilya ko. Hindi ko naman talaga gagalawin ang pamilya nya dahil alam ko kung anong buhay nya, alam ko kung ano sya, kaya nya ako ginaganito dahil alam ko ang lahat sa kanya.
Tinatakot ko lang sya na gagalawin ko ang pamilya nya. Pero kapag nilampasan na nya ang pasensya ko, sa harap nya mismo titirahin ko ang pamilya nya. Maglalabas na talaga ako ng sungay kapag sobrang lampas na sya sa linya.
"Dale..." sabi ko ng nakita ko sya sa labas ng hide out. And one more thing... hindi ba buwag ang mafia...nag pahinga lang kami.
"Ano? Tara kay Viv. Tatawagan ko sina Francine at Damon..." sabi nya.
"Uuna na ako dun..." sabi ko. Tangina! Hindi ko matanggap ang nangyari sa kapatid ko!! Bilang isang kuya eh alam kong responsibilidad ko ang mga nakakabatang kapatid ko.
Bakit kasi hindi ko sya nasamahan pauwi?!! Sinet up yun ni Casabal alam ko!! Alam kong kaya nya ako pinapunta sa kanya para ang galawin eh si Viv! Kaso huli na ang lahat nung nalaman ko. Nangyari na ang lahat nung nalaman kong yun ang balak nya. Nahuli ako.
At ngayon, sinisisi ko sakin ang nangyari sa kapatid ko. Lalo na nung nalaman ni mama at nakita ko syang umiyak sa harap ko.
Kahit hindi sya ang tunay kong mama eh tinuring ko na syang mama simula nung namatay ang mom ko. At napakasakit na makita ang nanay mo na umiiyak sa harap mo. Doble ang sakit nun sakin tapos dumagdag pa ang kalagayan ni Viv... kelan kaya maaayos ang lahat? Yung walang gulo... yung walang problema... yung masaya lang.
Kasi konti nalang, baka mapagod na ako. Ang dami ko nang problema at paniguradong konting konti nalanh eh, mapapagod na ako...
YOU ARE READING
TNB: The COMEBACK
Teen FictionThis is the second book of my story entitled "The Nerdy Boy". Enjoy Reading!!