Vivienne's PoVNakaupo na kami ngayon sa loob ng Shakeys. Shakeys nila gusto eh. Wala namang problema sakin. Wala naman akong gustong kainin kahit gutom na gutom na ako!! Nawalan na ako ng gana...
"Huy! Ano order mo!" Gulat naman akong napatingin kay Claire,
"Huh?..." takang sabi ko.
"Ano daw order mo! Ano bang nangyayari sayo?!" Sabi naman ni Mikko!
"Wala. Ayoko..." ayoko kumain kahit nakulo na ang tyan ko. Wala akong trip na pagkain ngayon.
"Ano? Eh diba sabi mo gutom ka na..." kunot noong sabi ni Lance.
"Wala...ayoko..di ako gutom... kain nalang kayo ng gusto nyo..." wala ako ngayon sa mood. Naiinis ako sa nangyari sa van kanina. Ayoko ng inaasar nila ako kay Joshua. Ayoko!!
"Tss..." napatingin naman ako kay joshua na suminghal tapos may sinabi na kung ano ano sa waiter tapos umalis na yung waiter.
"Gala nalang ako... kumain nalang kayo..." tumayo ako, wala talaga ako sa mood.
"Ano bang nangyayari sayo?..." sabi ni Francine. Umiling lang ako.
"Tss! Umupo ka nga!!" Sabi ni Mikko. Pero hindi ako umupo.
"Alis na ako..." naiinis ako dahil inaasar nila kami kanina. At ayoko ng pinagtutulungan ako. Kanina pa ako inis na inis. Hindi ko alam kung bakit ako ganito. Feeling ko may mali sa nangyayari eh...
Nung makalabas ako ng shakeys eh tumanaw tanaw lang muna ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nagulat nalang ako nung biglang may humawak sa wrist ko!!
O______O!!
Napatingin ako at...
"Joshua..." wala sa sariling sambit ko. Bakit nya ako sinundan?!
"Tss.. diba gutom ka na? Halika na rito..." hihilahin nya sana ako kaso nagmatigas ako.
"Ayoko..." sabi ko. "Hindi ako nagugutom. Wala ako sa mood kumain!" Sabi ko. Naiinis ako sa kanya!! Nakakainis sya kahit wala syang ginagawa!!
"Kahit na! Kumain ka parin!..." wala na akong nagawa nung hilahin nya ako.
"Aha! Sabi na nga ba eh si Joshua lang ang makakapilit sayo!" Nginisian ako ni Mikko.
"Pwede ba?? Tigilan nyo ko! Hindi ako natutuwa!" Inis na sabi ko at umupo. Hindi naman sila nagsalita. Naiinis talaga ako eh.
"Joshua... palit tayo! Ako dyan sa tabi ni Claire!" Nagulat ako nung tumayo si Mikko sa tabi ko at nakipagpalit ng pwesto kay Joshua!! Ngayon eh katabi ko na sya!! Ano ba yan!!
Joshua's PoV
Napakabait talaga ni Mikko kahit nasaktan ko ang kapatid nya!! Napatingin ako sa katabi ko at napabuntong hininga? Bakit ba inis na inis to sakin?
"Kain na tayo..." kumain na ako. Pansin ko lang na hindi ginagalaw ni Viv ang pagkain nya. Mukang hindi nga sya natutuwa sa pang aasar nila. Hays.
"Kumain ka na..." bulong ko sa kanya dahil kapag hindi ko binulong, aasarin nanaman kami at baka umalis na sya.
"Ayoko nga!" Balik bulong nya sakin! Napakatigas talaga ng ulo nya!!
"Tss...gusto mo bang subuan pa kita? Kapag ginawa ko yun eh aasarin ka nanaman nila kaya kumain ka na dyan..." tss. Patatabain ulit kita para may maaasar na ulit ako.
YOU ARE READING
TNB: The COMEBACK
Novela JuvenilThis is the second book of my story entitled "The Nerdy Boy". Enjoy Reading!!