Claire's POV"Tingin nyo ano nang nangyayari sa dalawang yun sa loob?" Sabi ko.
"Hayaan mo sila dun... kailangan nilang mag usap..." sabi Naman ni Lance.
"Hahahaha. Ang supportive nyo naman sa kanilang dalawa?" Sabi ni Lyka. Mabait naman sya dahil kanina pa namin sya nakakakwentuhan...
"Kasi simula pagkabata eh may gusto na sila sa isa't isa kaya hahayaan pa ba namin silang maghiwalay?" Sabi ni Mikko. Nanonood nga pala kami ng movie. Kaso wala dun ang atensyon ko. Ano na kayang nangyayari sa loob ng kwarto ni Viv? Buhay pa kaya ang dalawang yon?
"Wag mong pakaisipin ang dalawang yon..." napatingin ako kay Mikko dahil bumulong ito sakin!
"Para kasing... ampanget tingnan? Babae si Viv at lalaki si Joshua tapos kinulong nyo sa isang kwarto?" Sabi ko.
"Hahahaha. May respeto naman si Joshua sa kapatid ko at kung may mangyari man eh, bubugbugin ko sya kahit na mas malakas pa sya..." sabi nya. Napangiti naman ako at sumandal sa kanya.
"Ang sweet mong kuya kay Viv..." sana may kuya rin ako pero sapat na si Clyde na maging kapatid ko.
"Sweet din naman akong boyfriend sayo ahh?" Sabi nya. Tumawa lang ako. Kahit kelan talaga hindi sya nagbabago, pero mas magandang hindi sya magbago dahil gusto kong manatili sya sa kung ano sya nung minahal ko sya...
Damon's POV
Ano na kayang nangyari sa loob? Naka score na kaya si Joshua? De joke lang. papatayin ko yun kapag pinaiyak nya pa si Viv! Importante sakin si Viv syempre dahim tropa ko sya!
"Tingin mo Damon nag uusap na sila?" Sabi ni Francine.
"Sa tingin ko mag aasaran muna sila..." hahahaha! Hindi naman kasi sila mag uusap ng matino kung hindi nag sisimula ang bangayan bilang dalawa!
"Hahahaha... sabagay ganyan sila. Namimiss ko na yung asaran nung dalawang yun eh nung pumapasok pa tayo..." sabi nya. Maski naman ako. Hindi ko itatanggi na naging crush ko rin si Viv pero hindi naman nagtagal yon. Mas nangibabaw kasi ang pagiging kaibigan at kuntento na ako dun hanggang sa dumating si Francine kaya yun...
"Ako rin... yung tipong pulang pula na ang muka ni Viv tapos si Joshua eh tawa lang ng tawa..." medyo natatawa ako kapag inaalala ko yung asaran nila.
"Hahahaha. Bagay na bagay talaga sila, parang ginawa sila para sa isa't isa eh..." nakangiti nyang sabi.
"Hahahaha. Mas bagay naman tayo..." sabi ko. Namula namana ng pisngi nya kaya natawa ako. Patay na patay talaga sya sakin eh! Hahahahaha! Pero syempre mas mahal ko sya! Hindi ako papatalo! Hahahaha!
"Baliw ka na talaga Damon.." sabi nya. Natawa lang ako at inamoy amoy ang buhok nya. Bango talaga!! Potek naaadik ako sa amoy nya!!
Lance's POV
Goodluck sa bestfriend ko. Best wishes sa kanila sa loob ng kwarto. Hehehehe. Bahala sya dun. Kailangan nilang mag usap kaya hindi ko muna sya tutulungang maka alis dun. Dapat malinaw ang relasyon nila hindi yung BOSS at SECRETARY ang tawagan nila. Tss.
"Tingin mo magkakaayos si Joshua at Viv?" Bakit parang gusto nya pang magka ayos si Viv at Joshua eh muka namang syang GF ni Joshua.
"Kayo ba ni Joshua?" Ang tagal ko na nyang gustong itanong sa kanya eh. Inuunahan lang talaga ako ng hiya kasi naman!!! P*ta!
YOU ARE READING
TNB: The COMEBACK
Fiksi RemajaThis is the second book of my story entitled "The Nerdy Boy". Enjoy Reading!!