Chapter 43: Gago

1.5K 29 3
                                    





Vivienne's PoV


Wala akong masabi. Hindi ako maka imik. Nakalimutan na nya?!! Ang galing naman nya!! Dapat pala hindi nalang ako naka survive sa Comatose na yon!! Dapat pala hindi na ako lumaban para sa kanya!! Dapat pala sumama nalang ako kay Tita sa heaven!!


"Ano ba Joshua?! Napakawalang kwenta mo namang Boyfriend!!" Sabi ni Lyka! Pinigilan ko sya. Nang dahil sakin eh mag aaway pa sila.

"Tss.. wag kang mangielam sa gusto ko..." ibang iba ang joshuang nakikita ko ngayon. Parang bumaik yung awra nya noong iniwan nya ako. Walang emosyon. Straight face. At yun ang dahilan para masaktan ulit ako ngayon.


"Gusto mo lang ba Joshua ang masusunod?! Bahala ka na nga sa buhay mo!! Hindi na ako magtataka kapag nag hanap si Viv ng iba dahil dyan sa kagaguhan mo!! Isang bwan ka nang ganyan!! Ni hindi mo man lang masabi samin ang problema mo!! Bakit?! Kasi hindi mo kami pinagkakatiwalaan?! Wow!! Okay lang na wag mo sabihin sakin eh... pero may girlfriend ka Joshua! May girlfriend ka na handang makinig sa mga problema mo!!" Sabi ni Lyka. Hinila na nya ako papalabas ng office.


"Lyka dapat hindi kayo nag aaway ng dahil sakin..." sabi ko. Ang sakit makita na walang pakielam sakin sk Joshua! Kung ganito lang ang mangyayari eh sasama nalang ako kay Tita sa heaven kesa naman paulit ulit na masaktan dito sa lupa!



"Hindi ko kasi napigilan eh! Dinededma ka nya at nilalandi pa yung babae sa harap mo!! Gawain ba ng matinong lalaki ang landiin ang ibang babae sa harap ng girlfriend nya?! Hindi diba?! Hindi ko alam na may ganung ugali pala sya...!" Sabi nya. Tama naman sya kaso ayoko nang pagmulan to ng gulo. Kapag nalaman to nina Mikko at Lance eh lalo nang gugulo!!


"Lyka..."

"Bakit?..." sabi nya.

"Wag mo muna tong ipagsasabi ha? Kasi alam kong ito ang pagmumulan ng panibagong gulo kapag nagkataon..." sabi ko. Tumango naman sya at napabuntong hininga.


"I reresign na kita dito sa kompanya nya.., dun ka na magtrabaho sa kompanya nyo nina Mikko. Mas makakabuti sayo yun... and one more thing..kapag pinagpatuloy nya ang pangdededma sayo eh makipag break ka na! Hindi tama ang ginagawa nya..." sabi nya. Tumango lang ako.



Kapag talaga alam kong sobrang mali na yung ginagawa nya eh makikipag break na talaga ako. Ayokong mag bulag bulagan sa mga kagaguhan nya.

***

Inihatid ako ni Lyka dito sa bahay. Kinuha nya rin yung mga kailangan para maialis ako dun sa konpanya ni Joshua. Wala na akong magawa dahil kahit saang anggulo eh tama si Lyka. Hinayaan ko sya.


"Hoy Viv! Napaaga ka ata?! Ha?! At tsaka san ka pala galing kagabi?! Alam mo bang alalang alala na ako kagabi?! Tapos nunv dumating ka eh dinaanan mo lang ako?!! Alam mo bang gusto na kitang sapakin! Pasalamat ka kapatid kita!" Sigaw nya. Napailing nalang ako.


"May dinaanan lang ako..." dinaanan ko lahat dahil nag lakad ako kaya ako napatagal. Ang layo ng nilakad ko. Gusto kong sabihin yan ang kaso eh wag nalang. Gulo nanaman.


"Tss! Sa susunod magsasabi ka!!" Sabi nya. Tumango lang ako.


**kinabukasan**


Hindi ko alam kung papasok ba ako oh hindi. Nakatayo lang ako dito sa harap ng salamin.

"Viv! Hanap ka ni Lyka! Andun sa baba!" Sabi ni Mikko. Bumaba naman na ako.

"Lyka..." sabi ko. Lumingon naman sya sakkn at ngumiti.

"Sumama ka sa konpanya ni Joshua. Pirma mo nalang ang kailangan para maka alis ka na sa kompanya ng gagong yun..." sumama nalang ako, wala eh.


TNB: The COMEBACKWhere stories live. Discover now