Chapter 4: Barkada

2.2K 42 0
                                    




Vivienne's POV

Natahimik ang buong opisina sa sinabi ko. Dalawa lang kami dito kaya pwede naming sabihin ang gusto naming sabihin. Napatingin ako sa kanya. Iba ang ekspresyon sa muka nya. Emotionless, just like before bago nya ako iwan, just like before when he was pretending to be a nerd, Emotionless.


"Basahin mo to..." may binigay sya sa akin na envelope. Kinuha ko yun. Hindi ako makapag basa ng ayos dahil sobrang awkward ng atmosphere!

"*ehem!*" i cleared my throat. Tss. Ang awkward eh.


Wala talaga akong maintindihan sa binabasa ko! Promise!!


"Tss. Sumama ka sakin.."

"At bakit naman?!" Bigla nalang yan lumabas sa bibig ko! Pinanlakihan nya ako ng singkitin ngang mata!


"Baka nakakalimutan mo ang patakaran??!" Kunot noo nyang tanong!

"Eh bakit ka naninigaw?!" Sumigaw ako! Tss.

"Nauna ka!!" Ano to? Sigawan kami kahit magkaharap?!


"Tss! Saan ba kasi pupunta?!"

"Wag ka nang mag tanong!!!" Sa sobrang lakas ng sigaw nya eh otomatikong napasunod nalang akk at natahimik. Fierce talaga sya!! Katakot!!



Pumasok kami sa elevator. Pinindot nya ang pinaka baba. Sa parking kami lumabas. Sumunod lang ako sa kanya.

"Sumakay ka..." sumakay naman ako. Bakit ako nagigibg sunud sunuran ng gunggong na to?! Sabagay! Trabaho ko to!


Pinaandar na nya ang kotse.


***

"Anong gagawin natin sa mall??" Takang tanong ko

"Ano bang ginagawa sa mall?!" Naninigaw nanaman sya. Ang init ng ulo nya!


"Tss! Napakasungit" bulong ko.


"Tara!" Hinila nya ako kaso dumausdos ang kamay nya kaya kamay ko yung nahawakan nya. Pero mukang wala lang sa kanya. Hinigpitan pa nya yung hawak pero tinry kong alisin yun. Kaso panalo parin sya.


"Ehem!! Yung kamay ko. Pakibitawan..." sabi ko. Napatingin sya sakin tapos sa kamay namin tapos sakin ulit tapos nag smirk sya at ngingisi ngisi na nagtuloy tuloy. Para namang tang* to! Binge ba oh sadyang tengang kawali lang?!



Sa hindi kalayuan eh may napansin ako na agad kong tinawag!

"Mikko! Claire!" Napatingin sila sakin. Hinila ni Claire si Mikko papalapit. Napatigil si BOSS sa paglalakad at napatingin.


Kitang kita ko ang tensyon sa tinginan nila.

"Claire! Viv!" Napatingin kami sa tumawag! Si Francine! Kasama si Damon at si Dale! Reunion ba to?!

"Aba! Nakabalik na pala si Joshua!" Nakangiti si Dale! Nakipag apir sila kay Joshua. Sila ni Damon.

"Tss, kababalik balik lang nilandi ka agad.." napatingin ako kay Mikko na bubulong bulong. Hahaha.

"Niyaua nya lang ako.." sabi ko.

"Talaga? Kaya pala holding hands kayo kanina?" Nakataas na ang kilay nya habang nag tatanong!


"Tara!! Reuion na to!" Naglakad sila at nagpahuli kami ni Mikko.

"May balak ako. Makisakay ka. Tingnan natin kung saan aabot yang si Joshua..." ngingisi ngising sabi ni Mikko.

TNB: The COMEBACKWhere stories live. Discover now