SPECIAL CHAPTER OF LYKA AND LANCE

1.3K 36 5
                                    




Lance's PoV

Isang linggo matapos ang kasal ni Mikko eh pupunta kaming lahat sa bahay nina Viv at Joshua. At ngayon yun. Hanggang ngayon, hindi ko parin nakakausap si Lyka. Bakit? Kasi may lalaki na sa tabi nya kaya hindi na ako umeepal. Baka kasi ako yung maka sira sa relasyon nila. 😊😢

Nag shorts lang ako tapos t-shirt tapos nag cap din ako. Bibisita ako sa bestfriend ko, kelangang gwapo ako! Para sa kanya! Wala nang iba! Tss! Syempre para sa inaanak kong si Ziel! Hah! Pupunuin ko yun ng regalo para ako yung paborito nyang ninong! Hahaha.

Nabinyagan na si Ziel nung isang araw lang at syempre ako yung pinakapogi nyang ninong. Ako rin ang magiging pinakapoging ninong ng anak ni Mikko syempre!

Ang sunod na ikakasal eh si Damon at Francine. After this year ata. Sa January ata plano ni Damon. Hahaha. Hindi pa daw kasi sya nakakapag propose! Hahahaha!

Sumakay na ako sa motor ko. Mag monotor nalang ako tutal MAG ISA lang naman ako. Tss. Bakit ba ako nagkakaganito?

Kasi naman! Halos ang atensyon ni Lyka eh nandun na sa palagi nyang kausap na lalaki! Hindi ko na nga sya nakakausap dahil palagi silang magkasama nung lalaki! At muka namang wala din syang balak kausapin ako. Tsk! Kelangan ko talaga ng mapapaglabasan ng problema ko! In short, kelangan ko si Viv!

**

Pagdating ko eh nakita ko yung mga sasakyan sa labas. Nag palate sadya ako para naman maging special ako. Kasi alam kong hihintayin nila ako! Hahahaha!

Pagpasok ko eh natigilan agad ako pero hindi ko pinahalata!! Si Lyka kasi yung nagbukas ng pinto. Pansin ko lang na parang gusto nya akong kausapin? Kasi yung mga mata nya parang— assuming lang ako pota!

Ngumiti lang ako ng tipid bago ako pumasok. Nakita ko si Viv at ang asawa nyang palaging selos sakin! Syempre pati yung inaanak kong mana sakin na sobrang cute at gwapo!!

"Hey Bestfriend!" Nakipag apir nalang ako. Syempre hawak nya si Ziel eh!

"Anyare Lance?..." sabi nya na parang nag aalala ang muka. Napangiti nalang ako ng mapakla, alam nya talaga kung kelan ako may problema o hindi eh.

"Hehehe..." tumawa lang ako. Pero kita kong nag aalala sya sakin kaya nag thumbs up ako bago umupo sa sofa na katabi ni Damon. Alangan namang tabihan ko si Lyka? Wag nalang! Ayaw din naman nya akong katabi!

"Parang kayo lang nagkakaintindihan ha!" Sabi ni Mikko! Binatukan sya ni Viv kaya natawa kaming lahat.

"Tss! Hoy Mikko! Alagaan mo yang si Claire ha!..." sabi ni Viv. Napatingin naman kaming lahat kay Mikko na katabi si Claire. Malaki na rin ang tyan neto. Buti pa sila may pamilya nang lahat.

"Oo nga! Baka mamaya dahon lang pinapakain mo sa kaibigan namin!" Sabi naman ni Francine. Natawa nalanga ko. Stress reliever talaga ang tropa,

Habang nagkakatuwaan sila eh tahimik lang ako. Bumalik nanaman sya sa isip ko. Kainis. Bakit kasi ako nagkakaganito sa kanya? Unang kita ko palang sa kanya parang hiyanh hiya na ako tapos— pota naman. Mahal ko na ba sya?

Tss. Alam ko namang hindi nya mararamdaman ang nararamdaman ko sa kanya. Alam kong hindi nya kayang ibalik ang pagmamahal na ibibigay ko kaya wala kong balak umamin. Kasi nakakatakot masaktan. Ang sakit ma reject.

"Lance! Lika dito!" Nagulat ako nung hilahin ako ni Viv papunta sa terrace ng bahay nila! Ano namang gagawin namin? Iniwan nya si Ziel kay Joshua na ngayon eh pinagmakaguluhan dun sa loob.

"Bakit Viv?.." takang tanong ko kahit alam kong may kutob na ako sa sasabihin nya.

"Bakit hindi kayo nag uusap ni Lyka? Bakit parang ang laki ng problema mo? Bakit ang lungkot mo Lance?..." sabi nya. Napangiti ako. She is still the one na palaging may alam at palaging sandalan ko kapag may problema ako.

TNB: The COMEBACKWhere stories live. Discover now