Vivienne's PoVAng hirap palang maging buntis. Ang hirap kapag malaki yung tyan mo! Pero magiging worth it naman to kapag nailabas ko na yung anak ko. Namin.
"Kabuwanan mo na Viv, ayaw mo ba sa hospital?..." tanong ni Joshua. Tama sya. Kumipas nanaman ang dalawang buwan at ngayon ang ika syam na buwan kong pagbubuntis.
"Tapos paaalis alis ka kapag dun ako sa hospital!" Sabi ko sa kanya.
"Hindi ah! Babantayan lang kita syempre! Tsaka gusto ko kasama ako habang iniaanak mo yung anak natin. Hahawakan ko ang kamay mo para maganda hahahahaha!" Napailing nalang ako. Kahit kelan para syang bata!
"Sige...sa hospital nalang tayo.." sabi ko.
"Mamaya na.. ang ganda ng pwesto natin eh!" Nakayakap kasi sya sakin habang ako naman eh nakasiksik sa kanya. Abg bango bango nya kasi!! Nakaka adik yung amoy nya!!
Hindi ko mapigilan na kurotin sya. Hindi ko alam pero cute na cute ako sa kanya!!
"Aray naman!" Hininas nya yung braso nyang kinurot ko! "Bakit ka nangungurot?..." kunot noong sabi nya!
"Ang taba mo kasi.." sabi ko. Ang cute nya talaga!!
"What?!! Ako mataba?!! Eh halos araw araw mong nakikita yung abs ko tapos tatawagin mo kong mataba?! Ganyan ba talaga kapag buntis...?" Sabi nya. Umiling lang ako.
"Ang cute mo kasi!..." sabi ko. Hahaha. Muka kasi syanh bata!
"Hahaha! Alam kong matagal na akong cute asawa ko. Gwapo na cute pa! Kaya ang swerte mo sakin eh!" Sabi nya. Hinampas ko nga!
"Napakahangin mo naman! Hindi ka na cute! Panget ka na!" Sabi ko at nagkumot.
"Hala?! Hahahahaha! Alam ko namang gwapong gwapo ka sakin kaya imbis na sabihin mong gwapo ako eh sinabi mong panget ako! Hahahaha!!" Napaikot nalang ang mata ko!! Napakayabang nya talaga!! Simula pagkabata dugo na nya ang pagiging mayabang!!!
"Tss! Mayabang ka!" Inis na sabi ko.
"Hahahaha! Wag ka na mainis sakin... sige ka, baka mapaanak ka ng wala sa oras kapag nainis ka sakin ng todo..." niyakap nya pa ako!! Inis na pinaghahampas ko sya!! Tawa naman sya ng tawa!!
"Baliw ka na!! Umalis ka nga dito!! Matutulog pa ako!!" Inis na sabi ko sa kanya!! Eh kung sya kaya ang paanakin ko!!
"Hahahaha! Joke lang asawa ko.. magbihis ka na... dun na muna tayo sa hospital para hindi ka na mahirapan..." ikikiss nya sana ako pero tinulak ko sya at natawa naman sya!! Nakakainis talaga sya!! Palagi nalang nya akong inaasar!!
"Umalis ka na nga!!" Binato ko sya ng unan!
"Hahahaha bihis ka na!" Sabi nya bago nagtatakbo dala dala yung unan na binato ko sa kanya!! Napakautak talaga ng lalaking yon!!
Kung hindi lang ako buntis eh baka nabugbog ko na yon at pinakain sa dinosaur!' Ggrr!!! Nakakagigil talaga sya!! Asarap pinuhin ng balat nya kakakakurot!! Nakakainis sya!! Ang panget nya!! Sana lang wag magmana sa kanya ang anak namin!! Tss!!
Joshua's PoV
Natutuwa talaga ako kapag naaasar ko sya. Hahahaha. Nakaka good mood kasi yung muka nya kapag asar na asar na sya! Hahahaha!
Kabuwanan na nya ngayon. Gusto ko nang makita ang anak ko. Gusto ko na syang mahawakan. Ano kayang itsura nya sa personal? Gwapo yun panigurado, ako ang tatay!
"Tara na!" Napatingin ako kay Viv. Masungit ang pagkakasabi nya. May dala syang bag. Baka mga damit nya yun.
"Akin na na yan..." kinuha ko syempre. Parang nahibigatan sya eh. Mabigat na nga tyan nya mabigat pa hawak nya.
YOU ARE READING
TNB: The COMEBACK
Teen FictionThis is the second book of my story entitled "The Nerdy Boy". Enjoy Reading!!