Claire's PoVHindi ko alam kung pano ko sasabihin nay Mikko ang secreto ko. Sobrang hirap. Gusto nyong malaman kung anong secreto ko?
Buntis ako. Syempre si Mikko yung ama! Mahigiy two months na akong buntis. Buntis na ako bago pa man ipanganak si Ziel na anak ni Viv. Kaya ako laging exited na mahawakan si Ziel dahil alam kong ganun din ang magiging itsura ng magiging anak namin.
"Okay ka lang?... tamlay mo ata.." sabi ni Mikko. Ngumiti lang ako. Pano ko ba sasabihin sa kanya? Eh hindi pa nga kami kasal. Kaya lang naman nangyari YUN dahil lasing kami pareho.
Pero hindi naman ako tanga para ipalaglag to. Kahit anong mangyari, blessing parin ang mga bata.
"Tsk... may sakit ka ba?..." tanong ni Mikko. Umiling lang ako. Biglang nag ring ang cellphone nya kaya kinuha ko ito. Ako kasi yung malapit. Nakita ko ang pangalan ni Damon sa Screen. Nag paalam sya na sasagutin nya ang tawag kaya tumango nalang ako.
Hindi ko nga alam kung pano ko sisimulan ang pag uusap namin. Bigla akong tinamaan ng hiya. Hays. Masasabi ko din to. Hindi nga lang ngayon. Malalaman din naman nya to. Alam kong magkakaroon ako ng lakas ng loob sa tamang oras na sasabihin ko na sa kanya. Maghihintay nalang ako ng tamang oras.
"Claire.. magbabasketball kami kena Damon. Nandun si Viv. Sama ka?..." napaisip ako. Sige, kailangan ko din si Viv dahil kelangan ko ng sasampal sakin, kelangan ko din ng kausap.
"Sama ako..." tumayo ako. Pansin ko lang na tumataba na ako. Buti hindi sya nag hihinala na buntis ako. Ako nalang magsasabi sa tamang panahon. At alam kong hindi ko pwedeng patagalin to.
Andito nga pala kami sa bahay. Nakatambay kami dito. Pero aalis din kami dahil pupunta nga kami kena Damon. Sana nandun si Baby Ziel!! Ang gwapo ng anak ni Viv!! Grabe!! Cute pa!! Mas may itsura pa eh kesa sa tatay nya!! Hahahaha!! Shhh lang kayo!! Baka isumbobg nyo ko!!
***
"Viv!!" Tawag ko nay Viv. Napatingin naman sya at napangiti.
"Musta Claire?.." napasimangot namana ko nung tinanong nya ako kung kamusta na ba ako. Problemado nga ako.
"Oh? Bakit muka kang pinagsakluban ng langit at lupa?.." natatawang sabi nya. Sumimangot lang ako. Hays!!
Napatingin ako sa hawak nyang cutie pie!!
"Hi Ziel!! Andito na ang ninang!!" Kelan kaya nila balak pabinyagan si Ziel? Ang alam ko nag paplano na si Joshua. Baka this week yun. Nagpapatulong daw kasi sya sabi ni Mikko kaya madalas silang umalis.
"Waaau!!" Nag inat inat pa si Ziel kaya nangigil ako!! Ang cute cute nya!! Napakagwapong bata nya paglaki panigurado!! Nag babasketball na nga pala sina Mikko kanina pa. may court kasi bahay nina Damon. Mayaman eh.
"May problema ako Viv..." nakasimangot na sabi ko.
"Halata naman..." natatawang sabi nya. Niyaya nya ako sa kwarto. Dala nya si Baby Ziel.ang cute nya talaga!! Nakakagigil!!
"Ano ba yun?..." sabi nya. Nakaupo kami ngayon sa kama ng guest room nina Damon.
"Kasi Viv..." napaiwas ako ng tingin. "Buntis ako..."
YOU ARE READING
TNB: The COMEBACK
Fiksi RemajaThis is the second book of my story entitled "The Nerdy Boy". Enjoy Reading!!