PART 5

2K 8 0
                                    

Lunes, maaga na nman ako gumising. Gaya ng dati naligo, nagbihis, kumain at inihatid ako ni tatay Alfonso.

Nang nasa gate na ako nakita ko si George na nag-aabang na plasa sa akin sa gate ng skul.

"pare knina pa kta hinihintay" ang pambungad na salita skn. Kinilig nman ako at nginitian bilang tugon.

"halika na," wika ulit niya at inakbayan na ako at naglakad na kami papunta sa aming silid aralan.

>> Wala namang gaano nangyari sa araw na iyon, hanggang sa hapon na at uwian na, nauna naman si George sa pag-uwi dahil may pupunntahan daw sila ng mama nya, kya mag-isa lang akong naglalakad papuntang paradahan ng trysikel nang may umakbay sa akin.

"Pare musta na?" ang sabi ng tinig, tinignan ko at nabigla ako si Chad pala ang umakbay sa akin.

Bumilis ang pintig ng aking puso at namumoo na ang mga pawis ko.

"Uwi kna ba tol?" ang sabi nya.

"oo," ang sagot ko naman.

"halika hatid na kita," wika niya ulit.

"Wag na magtrysikel na lang ako" ang sabi ko.

"Jaja, ngayon lang kita natiyempuhan na walang kasama tatanggihan mo pa ako" sbi naman niya. Kya wla ako nagawa nang yayain na ako na sumakay sa kanyang wave.

Habang nasa daan kmi ay panay ang tanong niya sa akin at kuwento, sinasagot ko naman siya hanggang iliko niya ang sinasakyan namin sa kabilang kanto.

"Saan tayo pupunta?" ang tanong ko.

"meryenda muna tau sa bahay," ang sagot naman niya. Kya wala ako ngawa kundi sumama na lang sa knilang bahay.

Limang minuto at nakarating na din kami sa kanila, napakalaki ng kanilang bahay at talagang mayaman ang kanilang pamilya. Napakalawak ng knilang hardin at may swimming pool pa sila.

"Halika doon tayo sa may pool" anyaya niya sa akin. Tinawag niya ang isa sa kanilang katulong at nagpahanda ng aming meryenda.

"Tol alam mo ba 5years palang kami dito" panimulang kwento nya.

"Ha? Ganoon ba tol" ang sagot ko naman.

"Kasi tol dati sa Manila kami, pero may nangyari kaya lumipat kami dito para makalimot lalo na kay daddy," sabi niya at nakita ko ang subrang lungkot sa kanyang mata.

"Sir, heto na po iyong ipinahanda ninyong meryenda" wika ng kanilang katulong at inilapag sa mesa at umalis din siyaa agad.

"Tol meryenda na tayo" sabi ni Chad at ngayon ay pilit na gumiti, pero ramdam ko na mabigat padin ang kanyang kalooban. Nahihiya naman ako na tanongin kong ano iyon.

Pagkatapos naming magmeryenda ay inihatid na din niya ako sa aming bahay, nagmamadali din siyang umalis kasi medyo pagabi na din, pero sinabi niya na dadalaw siyaa sa akin pag may time siyaa o kaya ay isasabay na niya ako pag uwian na sa iskul.

Nagmano ako kay nanay Maria ng nakapasok ako sa aming bahay at tumuloy na ako sa aming silid ni kuya Eric.

Nang bandang alas diez na ay tumunog ang aking cp, tinignan ko iyon at nkita ko na si George ang tumatawag, wala naman kaming gaano pinagkwentuhan kumustahan lang kaya pagkatapos ay navlog na rin ako...

>>Sundan

©casey

MY ZODIAC BOY's series ( Libra )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon