Nang nasa silid aralan na ako agad na sumalubong sa akin si George.
Habang wala pa ang aming guro ay nagkuwentuhan muna kami kung ano-ano lang, nagwalang ano-ano ay nagkatitigan kami at biglang tumibok ng napakabilis ang aking puso.
Matagal kami sa ganoong ayos nang biglang magsalita ang aming guro.
“good morning class” wika ng guro namin at agad naman kaming nagbalik sa aming mga upuan.
“good morning ma’am” sabay-sabay din namin bati sa kanya.
“Sa linggong ito ay magkakaroon tayo ng stage play, at napagpasyahan ng lahat ng first year advisers na tayo ang magprepresent ng isang stage play sa buong first year” ang paliwanag ng aming guro.
Ang mga iba kung ka klase ay naghihiyawan pa.
“so, kaya ngayon ay gumawa na kayo ng script”, ang sabi pa ng aming guro.
“ang tema ng stage play na ito ay tungkol sa pag-ibig at kasawian” ang muling paliwanag ng aming guro.
Hiyawan muli ang aking mga kamag-aral.
“Mr. Ace at Mr. George kayo ang incharge dito” ang sabi pa ulit ng aming guro at nagkatinginan na kami ni George.
“sige po ma’am”, ang sabay din naming sabi.
“ma’am puwede naman na sina George at Libra na lang ang gawin nating mga pangunahing tauhan” ang sigaw pa ng aming mga ka mag-ral. Hiyawan ulit sila..
“kayo ang bahala, basta maganda ang kalalabasan” ang sabi naman ng aming guro.
Parang namutla ako sa mga oras na iyon.
“ma’am, pwede ba iyon?” ang tanong ko naman bagamat exited din naman ako sa maaaring maganap sa aming stage play.
"ma'am, maganda po iyon para kakaiba ang palabas natin" sabi naman ni Ramil ang aming classroom Pres.
Wala na ako nagawa kung hindi ang pumayag sa kanilang gusto.
Ang napagpasyahan namin ay sa hapon ang bawat ensayo namin sa aming stage play.
Si George ang gaganap na kasintahan ni Melissa ang ka klase ko, habang ako ay kaibigan ni Melissa na gay.
Lingid sa aking kaalaman habang tumatagal ay lihim na pala na nagkakagusto sa akin si George dahil palage ay ako ang pinapapunta ni Melissa tuwing may date sila dahil busy siya lage.
Isang linggo kaming nag-ensayo sa aming stage play, pero bakit naging mailap sa akin ang aking kuya Chad?
>>STAGE PLAY
BIYERNES noon nang ganapin ang patimpalak sa aming stage play.
Hindi ako mapakali dahil nga kakaibang character ang aking gagampanan.
Si Ramil ang aming class Pres. ay pinaghanda na kami at pinagbihis naaayon sa aming gagampanang katauhan.
Lalo akong hindi mapakali at tingin ako ng tingin sa salamin dahil sa aking ayos nang biglang may humawak sa aking mga kamay.
"tol relax ka lang" niligon ko ito at si George pala iyon at todo ngiti pa siya sa akin.
Sinimagutan ko ito dahil hindi ako komportable sa ayos ko.
"tol huwag ka maasiwa sa ayos mo tignan mo nga daig mo pa ang beauty queen dito sa campus na si Melanie" wika niya at sinuntok ko naman siya sa dibdib.
"O-ops, masakit iyon ha tol" sabi niya at nakita ko naman na namilipit siya sa sakit.
Iniwanan ko siya sa harap ng salamin at naupo ako sa isang silya sa dressing room sa likod ng stage. Sinundan naman niya ako at umupo sa tabi ko.
"huwag kang mag-alala totoo ang sinasabi ko" wika ulit niya sa akin at hinawakan ulit niya ang aking mga kamay.
Tinignan ko naman siya at nagtitigan kami.
"talaga ha?" ang tanong ko at nagtawanan na lamang kami.
Hindi nagtagal ay tinawag na kami upang kami naman ang magpakita ng aming stage play.
{unang tagpo}
Sina George at Melisa muna ang lumabas na kunwaring nag-uusap sa telepono sa una ay masaya ang mga ito pero at nagpasyang magtatagpo sa paborito nilang kainan malapit sa isang sikat na beach sa Ilocos.
{ikalawang tagpo}
Naghihintay si George kay Melissa sa kanilang tagpuan, pero bagot na bagot na ito. Nang walang ano-ano ay tinawagan kunwari ako ni Melissa at nagsusumamo na ako daw muna ang pupunta sa date nila ng kanyang bf na si George.
Wala akong magawa kong hindi ang pumayag sa gusto ni Melissa. Nagbihis daw ako kunwari nagmake-up at nagsoot ng pambabae. (siyempre kabado ako kung ano ang reaksyon ng mga kapwa ko estudyante at aming mga guro sa soot ko)
{ikatlong tagpo}
Heto na ako lalabas na sa stage nang sumalubong sa akin ang malakas na hiyawan at ang iba ay nagsasabi pa ng "I LOVE YOU LIBRA".
Sa aking kaba na naramdaman ay muntik pa akong matapilok buti na lamang ay nasalo ako ni George na kunwari ay kagagaling lang sa CR dahil sa kabagutan sa paghihintay. (wala iyon sa script ha na matapilok ako dahil lang sa subrang kaba ko at hiya, "jajaja")
"ok ka lang miss" wika ni George na kinindatan pa ako.
"a-ah o-oo okey lang ako" ang sabi ko naman na nauutal.
"ako pala si George" wika nya at iniabot sa akin ang kanyang mga kamay.
Siyempre inabot ko naman ito at nagkakilanlan kami.
Habang nakaupo na daw kami sa mesa na inireserba niya para sa kanila ni Melissa na kaibigan ko ay ipinaliwanag ko sa kanya kung bakit hindi siya makakapunta sa kanilang date.
Bakas daw sa anyo ni George ang pagkadismaya. Pero hiniling niya na samahan ko daw muna siya at kunwari kumain kami at nagdadate.
>>Sundan
©casey