>> MASAYA naman si Bernard pagkakita sa anak.
"mission finished sir" wika naman ni Eric kay Bernard at sumaludo pa ito.
Tumawa naman ng malakas si Bernard pero sumaludo naman ito dahil napatunayan niya na tapat si Eric sa pagmamahal sa anak.
HINDI na kailangan pa ang kasal para mapagtibay ang nanilang pagmamahalan dahil tama na ang pagsubok na kanilang naranasan para maging matatag ang kanilang relasyon.
Ang anak ni Eric ay isinalin na rin sa Apelyido nina Libra, para magawa ito ay si Libra na ang umampon sa bata.
Maligaya naman sina Alfonso at Maria dahil sino ang mag-aakala na sa ganito hahantong ang dalawang anak at tinaggap na lang nila na maluwag sa puso ito.
Bagamat masakit kay Chad ang mga nangyari napag-isip-isip nito na hindi kay Libra ang kanyang kapalaran. Bagamat ampon lang siya ay binigyan naman siya ng karapatan ni Bernard sa mga ari-arian nito hanggang sa matagpuan niya rin ang babaeng magpapabago ng tibok ng puso nito.
Hindi man masasabing perpekto ang buhay at minsan ay mayroon silang hindi pagkakaunawaan hindi naman ito naging anay para sa kanilang matibay na relasyon bagkos ito ang lalong nagpatatag sa mga ito.
NAKATINGALA sa kalangitan ang dalawa isang gabi. Pinagmasdan nila ang maliwanag na buwan at mga kumikislap na tala sa kalangitan.
Muling nasilayan ni Libra ang bulalakaw pero hindi na siya nag-iisa kasama na niya ngayon ang pinakamamahal ang kanyang kuya Eric. Napapangiti ito kong binabalik-balikan ang kaganapan sa kanyang buhay pag-ibig.
Nilingon niya ang pinakamamahal at ganoon din ito sa kanya.
Nagyakapan sila at naghinang ang mga labi, hindi nagtagal ay pinagko siya ni Eric at ipinasok ito sa kanilang silid alam na ni Libra ang mga susunod na mangyayari at nagpaubaya naman ito.
Hindi na kailangan na tuklasin pa natin ang kaganapan sa gabing iyon. Tulad ng mga ginagawa ng mga nagmamahalan at atin nang ipaubaya kay Libra at Eric ang walang hanggang ligaya at tamis ng kanilang pagmamahalan.
<< WAKAS>>
<author> ang gulo ng story diba ang tiyaga mo namang binasa epal lang, but thank you ha..... first writing ko kasi. sana subaybayan mo din mga new stories ko....
>>©casey