PART 14

1.4K 9 0
                                    

Hindi naman siya takot kahit sinabi na ni Donya Nerica na tatanggalan siya ng mana kong si Marivic ang kanyang papakasalan.

"Bernard hindi ang hampas lupang babaeng iyang ang gusto ko para sayo" galit na wika ni Donya Nerica sa anak.

"mama siya po ang mahal ko at sa gusto at ayaw ninyo siya ang papakasalan ko" wika naman ni Bernard sa ina.

"hindi maaari!, si Jazz ang gusto ko" giit naman ni Donya Nerica sa anak.

Si Jazz o Jarmin dela Tore ay anak ng isang napakayamang negosyante na kaibigan ni Donya Nerica. Seksi ito kong manamit. Wala itong pa kyeme kung namamit, lahat ng luho ay nakukuha nito palibhasa ay mayaman ang mga magulang.

"mama, diba sinabi ko sa inyo na ayaw ko sa kanya!" inis namang wika ni Bernard.

"sa ayaw at sa gusto mo siya ang papakasalan mo!" bulyaw naman ni Donya Nerica sa anak.

HANGGANG isang araw ay tumakas si Bernard sa mansiyon at nakipagtanan kay Marivick. Magaling naman siya dahil sinimot niya lahat ang laman ng kanyang ATM at bangko bago siya nagpasyang iyan ang ina at Mansiyon.

Alam niya kasi na kapag nalaman ito ng ina ay ipapa putol o ipapahold niya lahat ang ATM at bangko nito.

Nagtago sila ni Marivick dito sa Manila at iniwan nila ang Davao. Pero bago umalis si Bernard sa mansiyon ay tumingin siya ng isang matapat na tauhan upang ipaalam ang mga nangyayari sa mansiyon at sa ina.

Walang pagsidlang ng saya ang dalawa nang nakarating sila sa maynila. Nagtayo naman sila ng malilit na negosyo sa Quiapo at Divisoria.

Paglipas ng dalawang buwan ay napag-alaman nila na buntis na si Marivick dahil lage itong nahihilo at naduduwal. Walang pagsidlan ng saya ang dalawa at nagpasyang magpakasal sila kahit man lang sa civil.

PAGLIPAS ng walong buwan, masaya na sana ang lahat pero isang araw habang naliligo si Bernard at si Marivick naman ay nauna na sa Quiapo sa kanilang munting negosyo ay tumawag ang pinagkakatiwalaang tauhan nito na dinala si Donya Nerica sa hospital dahil inatake ito sa puso.

Dali-daling nagbihis si Bernard at tinawagan ang pinakamamahal na si Marivick na pupunta muna siya sa Davao dahil sa kalagayan ng ina. Wala namang magawa si Marivic kundi ang payagan ang asawa.

Pagkaraan ng dalawang araw ay namatay din si Donya Nerica matindi ang pinsala nito na umabot ang pagputok ng isang ugat nito sa utak.

Sa isang banda ay abala naman si Marivick sa pagpunta sa palengke upang mamalengke, hindi alintana nito ang malaki nang tiyan at matinding sikat ng araw. Habang bumibili siya ng pansahog sa lulutuing niyang nilagang baka ay biglang nagkagulo sa palengke, namalayan na lamang niya na nagtatakbuhan na ang mga tao at may narinig pang putukan ng baril.

Walang ano-ano ay may biglang tumulak sa kanya at napabagsak siya sa sahig ng palengke.

"a-aaray tulungan ninyo ako!" sigaw niya at nakita niyang may dugong umaagos sa kanyang mga hita.

"tulo-ng, tulungan ninyo ako! Manganganak na yata ako!" sigaw muli niya at naramdaman na lamang niyang may matandang lalake na pumangko sa kanyan at kasunod nito ang medyo tabaing babae na sumunod dito.

Isinakay nila ito sa jeep at doon ay nawalan na siya ng malay.

>> GABI na nang magising ako. Agad akong bumangon at tinungo ang banyo at naglinis nang katawan.

Paglabas ko sa banyo ay siya namang paggising ni kuya Chad.

"kuya magbihis ka na nang makakain na tayo gabi na" wika ko.

Tumayo naman si kuya at pinulot sa sahig ang nagkalat na damit namin. Pinulot ko rin ang mga damit ko at inilagay sa labahan.

"kuya hintayin na lang kita sa baba" sabi ko at tinungo ko na ang pintuan at agad-agad na akong bumaba at nagtungo sa kusina.

"sir, gising na pala kayo kakain na po ba kayo ni sir Chad?, nauna na pong kumaing ang daddy ninyo" wika ni Marie ang aming butihing kasambahay.

"oo, Marie ihanda mo na ang mesa at pababa na rin si kuya" wika ko naman at binuksan ko ang ref at kumuha ako ng malamig na tubig.

Umupo na ako sa mesa at hinihintay ko ang kuya ko nang nagring ang cp ko. Tinignan ko ito at si kuya Eric pala ang tumatawag sa akin.

"hello kuya" ang bati ko.

"hello bunso, sabado bukas punta ka naman dito sa bahay" ang sabi nanam ni kuya Eric sa akin.

"a-h, sige kuya" sagot ko naman at nagkuwentohan kami sandali at ibinaba na niya ang cp niya.

HABANG kumakain kami ni kuya Chad ay napapansin ko na malalim ang kanyang iniisip. Pinakiramdaman ko lamang ito at paminsan-minsan ay tinapapunan niya ako ng tingin at nginingitian ko naman ito.

Natapos na kaming kumain ni kuya at nagpaalam na akong matutulog na pero hindi ko sinabi na pupunta ako kina kuya Eric bukas.

Tumango naman si kuya at tuloy-tuloy na akong umakyat sa aking silid.

Habang nakahiga ako at nakapikit ang aking mga mata ay tinanong ko ang aking sarili.

Nagmamahal na ba ako?

Sa mga nakapikit kong mata ay biglang nabuo ang mga mukha nina kuya Chad, George at kuya Eric.

Paulit-ulit na nagpapalit-palit ang mga mukha nila hanggang sa hindi ko na makayanan ang aking nakikita sa kawalan.

Bumangon ako at nagpunta sa bintana ng aking silid.

>>sundan

©casey

MY ZODIAC BOY's series ( Libra )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon