PART 28

933 7 0
                                    

MADALING araw ay nagising na rin si Libra, pagdilat ng mga mata nito ay nanibago siya sa kapaligiran. Hanggang sa maalala niya ang nangyari. Inilibot nito ang paningin at nakita niya ang kanyang kuya Eric na nakaupo sa silya sa gilid ng kama nito sa hospital at tulog na tulog ito.

Pinagmasdan niya ito ng mabuti. Marami na itong ipinagbago pumuti ito at lalong kumisig. Bumagay din dito ang bago nitong hair cut at ang mga bagong tubo nitong bigote.

Muling naalala niya ang nangyari sa kanya bago pa ito mabangga. Kaya pala mabigat ang kalooban nito noong malamang may anak na ito dahil sa kanyang nakaraan ay ito ang itinatangi ng kanyang puso. Ngayon ay malinaw na sa kanya ang lahat ang pagkabangga nito ay kasabay ng pagkaala-ala nito ang lahat.

Dumaloy ang mga luha sa kanyang mga mata, at muling naalala nito ang bakasyon nila ng kanyang kuya Eric sa Ilocos at parang kahapon lamang nangyari ito. Ngumiti siya sa ala-alang iyon kong paano naging sweet ang kuya nito at ang pagsasabi nito na mahal siya nito.

Pero napalitan ang ngiting ito ng lungkot dahil alam niyang hindi na para sa kanya ang kanyang kuya Eric dahil may iba na ito at mayroon na silang anak.

Sa isiping ito ay lalong dumaloy ang kanyang mga luha, at nagtatanong ang kanyang isip.

"Bakit pa bumalik ang aking ala-ala ngayong wala na pala akong babalikan?" tanong niya sa kanyang sarili.

Dahan-dahan itong bumangon upang hindi magising ang kanyang kuya at tinungo ang pinto. Bago pa siya lumabas dito ay sinulyapan nito ang kanyang kuya Eric at impit ang mga hikbi nito at lumabas na siya sa private room nito sa hospitan.

Mabilis ang mga hakbang nito na lumayo doon at dumaan siya sa likod ng hospital upang walang makakita sa kanya sa paglabas doon. Madaling araw pa lamang kaya kunti lamang ang mga tao.

Tuliro ang kanyang isip sa mga sandaling iyon. Hanggang sa makalayo na ito sa hospital na walang nakasita dito. Hindi niya alam kong saan siya pupunta kaya naglakad ng naglakad lang siya at nang mapagod sa paglalakad ay huminto ito at umupo ito sa damuhan. Doon ay umiyak siya at akala mo ay isang bata na inagawan ng laruan.

"bakit?, bakit?... Huhu..." tanong nito sa sarili.

"kuya!! Huhuhu!!" sigaw nito.

"s-sinabi mo na Mahal mo ako, at ipinadama mo sa akin iyon noon. P-pero iniwan mo ako at hindi ka na nagpakita, ngayon nalaman ko may iba kana at may anak na kayo. K-kuya paano naman ako?" panaghoy nito.

"Diyos ko!, bakit mo pa po ibinalik ang ala-ala ko kong sa pagbabalik pala nito ay mawawala na pala ang pinakamamahal ko" sigaw nito habang nakatingala sa langit. At muli nagpakita ang bulalakaw dito at naalala nito ang kanyang mommy Marivick.

"mommy, sana isinama nyo na lamang po ako noon" bulong nito.

Naalala niya ang pag-uusap nila noong nasa bingid siya ng kamatayan. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at inakap ang sarili.

"mommy" wika nito at pilit inalala ang mahigpit na akap ng ina bago naglaho ito at nagpaalam sa kanya, muli siyang humagul-gol at kinawawa ang sarili sa sinapit ng kanyang buhay at pag-ibig.

<<NAKARAAN>>

PAPALABAS na sana si Eric sa bahay nila Libra nang tawagin siya ng tito Bernard nito.

"Eric!, puwede ba tayo mag-usap?" wika ni Bernard sa kanya.

"o-opo tito" sabi naman nito at sumunod siya sa Library ni Bernard.

"Eric itinuring na rin kita na para kong tunay na anak" panimula ni Bernard.

"Eric, puwede mo bang ipaliwanag sa aking ang aking nakita kanina na halikan ninyo ni Libra?" tanong nito sa kanya.

Nagyoko lamang ito at hindi alam ang sasabihin hanggang sa ulitin ulit ito ni Bernard.

"t-tito, patawarin po ninyo ako mahal ko po si Libra higit pa po sa kapatid" paliwanag nito bagamat takot siya sa mga oras na iyon.

Tumayo si Bernard at sinuntok. Natumba naman si Eric sa lakas ng pagkakasuntok ni Bernard dito.

"walang hiya ka, pinagkatiwalaan kita pero ganito pa ang ginawa mo. Magkapatid kayo Eric at ikaw ang nakakatanda, ikaw sana ang nakakaalam ang mabuti at hindi. Higit sa lahat pareho kayong lalake ng kapatid mo!" bulyaw nito kay Eric.

"mula ngayon ay layoan muna si Libra, lumayas ka na sa pamamahal ko!" sabi pa nito at tumayo na si Eric na lumuluha hindi sa sakit ng suntok ni Bernard sa kanya kondi sa sakit ng puso nito dahil hindi na niya makikita pa ang kanyang pinakamamahal na si Libra.

>> SA hospital naman ay nagkakagulo ang lahat dahil hinahanap si Libra. Lahat ng sulok dito ay hinalughog pero hindi nila mahanap ito.

Hindi na alam ni Bernard at Eric ang gagawin sa mga oras na iyon. Sinisi naman ni Eric ang sarili dahil katabi niya ito pero hindi man lamang nito naramdaman ang pagkawala nito.

Lumabas ito sa hospital, takbo lakad ang kanyang ginawa at pinakiramdaman ang kapaligiran. Hanggang sa mapagod siya at tumigil ito.

"Libra!!" sigaw nito at maluha-luha itong sumisigaw ng paulit-ulit.

Muli itong tumayo at naglakad pero wala siyang Libra na nahanap.

Mag-uumaga na pero patuloy parin ang paghahanap niya dito.

>>sundan

©casey

MY ZODIAC BOY's series ( Libra )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon