PART 26

918 7 0
                                    

ISANG araw ay umuwi si Libra sa Panggasinan. Sa tagal na panahon ay ngayon siya ulit umuwi dito dahil doon na siyanag-aral exited si Libra at agat na nagpunta sa bahay ng kanyan nanay at tatay Alfonso sa tagal na ng panahon ay ngayon lamang siya pupunta dito dahil sa unti-unti nang bumabalik ang ala-ala nito.

Patakbo itong pumasok sa gate at isinisigaw ang pangalan ni Maria at Alfonso.

"nanay Maria!, tatay Alfonso!"sigaw nito at masayang pumasok ito sa kanilang bahay.

"anak, ikaw na ba iyan?" tanong naman ni aling Maria, bagamat gulat ito sa tagal ng panahon ay ngayon lamang bumisita ang anak.

Napatigil naman si Libra nangmay makitang bata na buhat-buhat ng kanyang inay Maria.

"oh, a-anak lumapit ka dito" wika naman ni Maria.

"i-inay, may naaalala na po ako kaunti" sabi naman ni Libra na hindi parin inaalis ang pagkakatingin sa bata.

"Libra, anak upo ka" wika ni aling Maria sa anak na siya namang nagpabalik kay Libra sa pagkatulala.

"s-salamat po nay" saad nito at naupo sa salas.

"ang guwapo-guwapo talaga ng anak ko" sabi ni Maria sa anak at niyakap ito ng mahigpit.

Hindi nagtagal ay nagkuwentuhan na ang mag-ina at masaya naman si aling Maria dahil naaalala na niya ang mga ito.

Hanggang sa hindi na matagalan ni Libraat itinanong niya kung sino ang batang buhat-buhat nito.

"n-nay!, sino po ba ang batang iyan" tanong nito sa ina. Hindi naman agad nakapagsalita si Maria, hanggang sa ulitin muli ni Libra ang kanyang tanong.

"nay, sino po ang b-bata?" tanong ulit nito.

"a-anak siya ng kuya E-eric mo anak" wika naman ng kanyang ina.

"ganoon po ba, n-nasaan po si kuya?" tanong ulit nito sa ina.

Pinagmasdan muna ni Maria ang anak bago siya sumagot.Tinitimbang nito kung naaalala na ba niya ang lahat.

Alam kasi niya at sinabini Eric sa kanya ang lahat ngdumating ito galing sa bakasyon nila sa Ilocos mahigit tatlong taon na ang nakakaraan.

<<NAKARAAN>>

MAGHAPON na hindi lumabas si Eric sa kanyang silid, nag-aalala na rin ang kanyang ina dito hanggan sa may marinig siyang kalabog sa loob ng silid nito.

"Eric, anak buksan mo ang pinto!" sigaw ni Maria habangkinakalampag ng malakas angpintuan sa silid ni Eric.

"Maria ano ang nangyayari dito?" tanong naman ni Alfonso sa asawa habang hingal na hingal ito na umakyat sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

"Alfonso!! ang anak natin, dalian mo buksan mo ang pinto!" sigaw ni Maria sa asawa.

Ubod ng lakas na sinipa nito ang pinto at bumulaga sa kanila ang anak na nakahandusay sa sahig at dugoan ang kaliwang pulso nito. Agad na binuhat ito ni Alfonso at isinugod sa hospital.

Dalawang araw bago nagisingsi Eric, mahina ito dahil sa nawalang dugo at kinailanganpang salinan ito.

"anak kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ng kanyang ina. Pero nakatitig lamang si Eric sa ina hanggang sa dumaloy na anghula nito.

"anak, ano ba ang nangyari" tanong ulit ni Maria.

"nay, patawarin nyo po ako" wika naman ni Eric sa ina at isinalaysay sa ina ang nangyari at ang pinag-usapan nila ni Bernard sa Library sa bahay nito.

Naawa naman si Maria sa anak at pinayohan ito. Dahil sa awa sa anak kinausap nito si Bernard. Noong una ay hindi siya pumayag sa pakiusap ni alingMaria, pero sino ba ang magulang na hindi lalambot ang puso lalo na kapag buhay na ang nakataya dito.

NANG nakauwi na si Eric at dito na lamang magpapagaling. Tulala naman ito at nakatanaw sa kawakan.Dumating naman si Bernard dahil sa pakiusap ng ina nito na si aling Maria. Kitang-kita nito si Eric sa ganoong sitwasyon at naantig ang puso nito.

"E-eric, iho" wika nito na siyang nagpagising sa tuliro niyang isip. Nilingon naman siya ni Eric. Nagkatitigan ang mga ito.

"ano po ang ginagawa ninyo dito?" wika niya. Matagal namang hindi nagsalita si Bernard at tinitimbang ang mga salitang sasabihin.

"Eric...." sabi nito at nanatili lamang si Eric na nakatitig dito.

"E-eric, iho!.. mabigat man sa aking kalooban ang desisyong ito pero kailangan kong gawin" wika ni Bernard at halata ang bigat din ng dibdib na nararamdaman.

"tulad din ng isang magulang ay dapat kong itama ang mali,iho hindi ka na rin iba sa akinat para na rin kitang tunay na anak" saad nito.

"pinag-isipan kong mabuti ang desisyon na ito, E-eric anak, payag na ako sa ugnayan mo sa aking anak pero may dalawang kondisyon" mahabang wika nito kay Eric.

"a-ano po ang kondisyon?" tanong naman ni Eric kay Bernard.

"una: hayaan mo muna si Libra, kong totoo nga na mahal ka ng anak ko at sabihin niya sa akin na ikaw ang gusto niya papayag na ako sa inyong relasyon" paliwanag nito.

"ikalawa: dahil sa pareho kayong lalake paano kami magkakaapo nina Maria at Alfonso. Kaya napagdesisyonan namin na ikaw ay mag-aasawa at ang unang anak mong lalake ay isasama mo sa aking apelyidosa gayon ay magkakaroon ako ng tagapagmana." saad nito kay Eric. Kahit mahirap man ang kanyang gagawin ay tinanggap naman niya ito alang-alang sa pinakamamahal na si Libra.

>>sundan

©casey™

MY ZODIAC BOY's series ( Libra )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon