PART 12

1.4K 13 0
                                    

Kahit papaano ay napasaya ko naman si George kahit proxy lang ako sa ipinagawa sakin ng kaibigan kong si Melissa.

{ikaapat na tagpo}

Kunwaring nagring ang cp ko at sinagot ko ito. Ipinaalam ko kay George na ang nanay ko ang tumawag at itinakbo sa hospital.

{ikalimang tagpo}

Sa hospital, patakbo akong nagpunta sa silid ng aking ina (Vivian - kamag-aral ko na gaganap na nanay ko). Maluha-luha ako ng makita ko ang aking ina na may nakakabit na oxygen at mahinang mahina ito dahil inatake ito sa puso.

Habang hawak-hawak ko ang aking ina ay may umakap sa aking likuran. (hiwayan ang mga taong nanonood)

Nilingon ko kung sino iyon at muntik nang magtama ang aming mga labi, si George pala iyon. (biglang kabog ng aking dib-dib, paano ay mas lalo pang lumakas ang hiyawan at ang iba ay nagsasabi pa ng "KISS", jeje kay sarap pakinggan huh)

"i-ikaw pala George" utal kong sambit. Nginitian nya ako bilang ganti.

{ikaanim na tagpo}

Sa kabilang dako ay nagkakagulo naman dahil may banggaan na naganap, ang mga tao ay binuhat ang isang babaeng duguan at walang malay dinala ito sa hospital.

{ikapitong tagpo}

Bumaba kami ni George upang alamin ang kalagayan ni inay at hanapin ang doktor na tumingin sa kanya nang walang ano-ano ay nakita namin ang babae na itinakbo sa hospital.

"George!!!" ang sigaw ko at patakbo akong lumapit sa dugoang babae.

"George si Melissa iyong babae na dinala sa OR" wika ko kay George.

Parang namalik mata naman ito ng mapagsino ang babae. Patakbong tinungo ang OR pero hindi kami pinayagan na makapasok.

Maluha-luha kami pareho nang ibalita ng doktor na patay na si Melissa. Inakap ako ni George (hiyawan ulit ang mga guro at mga estudyante) pero sa sandaling iyong ay parang wala na akong hiya at kaba kaya ano pa ang ginawa ko bigay todo na ako sa pag-akting, with todo akap pa, jeje.

{ikawalong tagpo}

Nailibing na si Melissa ang kaibigan ko okey na rin ang nanay ko at nailabas ko na siya sa hospital at sa bahay na lang magpapagaling.

Isang araw ay dinalaw ko ang kaibigan ko sa kanyang puntod hapang nagdarasal ako para sa kaibigan ko nagsisindi ng kandila ay biglang may humawak sa aking mga kamay.

Liningon ko ito at nakita kong si George pala iyon at may dala ding bulaklak para kay Melissa.

Nagkatitigan kami at parang tambol naman ang aking puso.

"This is it" ang sabi ng utak ko ang hi lights ng aming stage play ang aming halikan ni George.

Hinawakan ni George ang aking dalawang kamay at nararamdaman ko na may kaba rin siya sa aming gagawin, inakap ko siya at parang wala na kaming pakialam sa mundo.

Sinenyasan ko siya na handa na ako, unti-unting inilapat ni George ang kanyang mga labi sa aking labi, hindi magkamayaw ang hiyawan sa loob ng gym na pinagdausan ng aming stage play sa eskwelahan.

Naghiwalay ang aming mga labi, magkahawak ang aming mga kamay na nilisan ang puntod ng aking kaibigan.

>>WAKAS

Sumunod naman ang mga 3rd year.

Nang matapos na ang lahat ay sinabi na kung sino ang nanalo sa stage play.

Walang mapagsidlan ng tuwa lahang ng guro ng 1st year at ang mga estudyante dahil itinanghal kaming una sa patimpalak at pangalawa lamang ang mga 4th year.

Dahil kami ni George ang bida sa stage play ay maraming papuri at pasasalamat ang aming natanggap, ang mga iba naman ay nagsasabing bagay daw kami, jeje nakz..

>> Kinahapunan at uwian na nang makita ko ang aking kuya Chad, hindi maipinta ang mukha ewan ko ba kong bakit.

Nilapitan ko ito pero hindi nya ako kinikibo.

"ano ba ang problema kuya?" ang tanong ko sa kanya.

"wala!!" ang padabog na sabi niya.

"anong wala eh tignan mo nga parang biyernes santo ang mukha mo" sabi ko naman.

Kinulit ko siya ng kinulit hanggang sa:

"ang landi-landi mo" wika nya sa akin at natulala naman ako sa kanyang sinabi.

Hindi ako umimik at pinagmasdan ko lamang ang aking kuya Chad. Kinuha niya ang aking kamay at:

"s-ory, sory bunso" wika niya at hindi ko maiwasang pumatak ang aking mga luha.

Inakap niya ako at naramdaman ko naman na bukal sa kanyang puso ang kanyang paghingi ng tawad sa akin.

Pinasakay niya ako sa kanyang motor at wala kaming imik pareho habang tinatahak namin ang daan patungo sa aming bahay.

Nang nasa bahay na kami ay tinungo ko agad ang aking silid at doon ay malayang pumatak ang aking mga luha.

"ano ba ang kasalanan ko kay kuya?" ang tanong ko sa aking sarili.

Nakatulugan ko ang pag-iisip sa aking tanong, hanggang sa maramdaman ko na may umakap sa akin. Hindi ako gumalaw at pinakiramdaman ko lamang ito.

Hindi ako maaaring magkamali ang kuya Chad ko ang umaakap sa akin.

"kuya ano ba! Ang bigat-bigat ng mga paa mo" wika ko lalaunan.

"sabi ko na nga ba gising ka eh!" sabi naman niya sa akin at lalo pa niya ako niyakap.

"harap ka nga kay kuya" muli niyang sabi at para akong sanggol na ipiniling niya paharap sa kanya.

"kuya bakit m na sabi kanina na malandi ako?" tanong ko naman sa kanya ng nakaharap na ako dito.

"wala iyon, s-ory na bunso" wika naman niya sa akin.

>>sundan

©casey

MY ZODIAC BOY's series ( Libra )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon