PART 29

914 8 0
                                    

>> HINDI alam Libra kung saan siya patungo, hanggang namalan na lamang nito na nasa tabi na siya ng dagat. Nangangatal man ang pagod na katawan ay pilit parin siyang naglakad at umupo sa lilim ng puno malapit sa dalampasigan.

Sumisikat na rin ang araw at pinanood niya ang mga alon sa humahampas sa dalampasigan.

Pagod na rin siguro ang kanyang mga mata dahil wala nang pumapatak na luha dito. Dahil sa kapaguran ay unti-unti siyang nakatulog.

SA kabilang dako ay hindi na magkamayaw si Bernard at Eric sa paghahanap. Tinawagan na rin nila ang mga kaibigan ni Libra kong tumawag o nagtxt ito sa kanila pero wala daw at hindi pa nagpaparamdan sa kanila.

"tito, wala pong pera at cp ngayon si Libra, sa palagay ko malapit lang siya dito at hindi pa siya nakakalayo" wika nito.

"pero saan natin siya hahanapin Eric?, saan?" tanong naman ni Bernard, lumong-lumo na ito at bagsak ang balikat na umupo sa malambot na sofa sa kanilang bahay.

Nag-isip naman si Eric. "Mula pa pagkabata nila ay mahilig ito sa dagat" sabi ng isip niya. Agad itong tumakbo palabas at kinuha ang motor nito.

"Eric saan ka pupunta?" sigaw ni Bernard pero dirediretso lamang ito.

Agad na pinuntahan ni Eric ang pinakamalapit na dagat mula sa hospital. Bumaba siya sa kanyang sasakyan at binay-bay ang dalampasigan.

"Libra!!" tawag nito.

Hanggang sa may mataan siyang isang tao na nakasandal sa isang puno malapid sa dalampasigan. Patakbo itong lumapit at lumaki ang kanyang mga mata nang mapagsino ang taong iyon.

Agad niya itong niyakap ng mahigpit at humagol-gol.

"bunso! Huhu" wika nito at dumaloy ang masaganang luha nito, sa wakas ay nahanap na din nito ang pinakamamahal.

Nagising si Libra dahil parang may umaakap sa kanya. Pilit na ibinuka ang mahapding mata at nasilayan ang kanyang kuya Eric.

"kuya" bulong nito.

"huwag mo nang gagawin iyon ha, ikamamatay ko kapag nawala ka sa akin" wika naman ni Eric.

Nanatili lamang si Libra sa pagtitig dito. Nang mapagtanto ang sinabi ng kanyang kuya ay kumunot ang noo nito.

"a-ano kamo kuya?" tanong nito.

Ngumiti naman si Eric at ginawaran ito ng halik sa mga labi. Nang maghiwalay na sila sa halikan ay nagsalita ulit si Eric.

"sabi ko po!, mamamatay ako kapag mawawala ka sa akin" wika nito at pinisil ang iling nito.

"pa-paano mo nasasabi iyan sa akin, m-may asawa at anak kana?" tanong naman ni Libra sa kanya.

Humalakhak naman si Eric sa narinig at pinanggigilan nito kagat-kagatin ang leeg nito.

"kaya ka ba agad na umalis sa bahay dahil sa nalaman mo na dahilan ng ikinabunggo mo?, iyon din ba ang dahilan kaya ka tumakas sa hospital?" sunod-sunod na tanong nito kay Libra at tumango naman ito.

Muli ay inangkin nito ang kanyang mga labi sa kasiyahan at inakap ito ng mahigpit at matagal silang naghalikan.

Nang matapos silang maghalikan ay ikinuwento nito ang nangyari at kong bakit bigla itong nawala noon. Lumuluha pa si Eric nang nagkukuwento dahil sa hirap na dinanas nito at ang pagtitiis nito para lamang masunod at matupad ang mga kondisyon ng kanyang tito Bernand.

Dahil din sa mga narinig na paliwanag ng kanyang kuya ay naintindihan na rin niya ang lahat.

"kuya sory" wika nito at niyakap ang kapatid. Nagkatitigan sila at parehong lumuluha, luha ng kaligayahan sa wakas ay malaya na sila sa kanilang pagmamahalan.

"Salamat sa aruga at pagmamahal, I will always love you till the end of time." bulong nito sa kapatid.

PINAGKO ni Eric ang pinakamamahal na kapatid at magkahinang pa ang kanilang labi. Ibinaba rin niya ito at magkahawak kamay silang naglalakad sa dalampasigan. Walang nakakakita dito kundi ang mga ibon na malayang lumilipad sa kalangitan at ang Ama sa langit na naglalang sa sanlibutan.

>>sundan

©casey

MY ZODIAC BOY's series ( Libra )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon