PART 21

1K 9 0
                                    

AGAD namang sumaklolo ang mga Marines bago pa tuluyang lumubog ang barko.

Dinala agad ang mga nasugatan sa pinaka malapit na hospital sa Samar dahil ito ang pinakamalapit na lugar sa pinangyarihan ng aksidente at kasama na dito si Libra.

Hindi naman kontento si Bernard sa hospital na iyon kaya agarang pinalipat ito sa pinakatanyag na hospital dito sa Manila. Grabe ang kalagayan ni Libra dahil nakita ng mga doctor sa ct scan at x-ray nito na medyo basag ang bungo nito at may namuong dugo sa kanyang utak.

Sinabi ng mga doctor na agaran ang operasyon nito kong hindi ay maaaring ikamatay nito. Tinawagan agad ni Bernard si Alfonso at Maria upang ipaalam dito ang kalagayan ni Libra.

Agad namang nagpunta sa hospital si Chad ng Malaman nito ang nangyari. Dito kasi siya sa Maynila dahil sa kanyang summer classes. Hindi naman niya agad nakita si Libra dahil pagdating niya siya namang pagpasok nito sa OR.

"dad! ano ba ang nangyari?" tanong nito sa amang sapo ang ulo at nanghihina na.

Nag-angat naman ng mukha si Bernard at umiling lamang bilang tugon sa anak.

SA kabilang dako alalang-alala na sina Alfonso at Maria. Tinawagan naman nila ang kanilang anak na si Eric upang ibalita ang masamang kalagayan ni Libra. Tulo luha si aling Maria nang nasa daan na sila ni Afonso.

"Maria tumigil ka na sa pag-iyak, magdasal na lamang tayo para sa kaligtasan ng ating anak" wika ni Alfonso sa asawa at hinawakan nito ang isang kamay ng kabiyak.

Ayon sa doctor ay tatlo o apat na oras ang itatagal ng operasyon. Sa ikalawang oras ay parang mananagutan na ng hininga si Bernard sa labas ng OR. Hanggang sa namalayan na lamang niyang tinatahak ang daan patungo sa chapel ng hospital. Doon ay ibinuhus niya lahat ang hinagpis at hinaing sa diyos.

"DIYOS ko!, patawarin po ninyo ako kong naging masama po akong anak" usal niya.

"noon po ay sinuway ko ang kagustuhan ng aking ina at pinili ko si Marivick" bulong ulit ni Bernard.

"marami na po akong napagdaanan na trahedya ng aking buhay dahil sa pagsuway ko sa aking ina. Nawala ko po ang aking ina dahil dito at kasabay nito nawala ko din si Marivick na pinakamamahal ko. Huwag po sana ninyong ipahintulot na mawala ko rin ang aking pinakamamahal na anak na si Libra." tuluyan nang bumagsak ang masaganang luha ni Bernard. Ang hikbi ay naging iyak at wala siyang pakialam kong may mga taong nakatingin na sa kanya basta mailabas niya ang bigat na dinadala sa dibdib.

"DIYOS ko!, kong ito man ang kabayaran sa lahat ng aking kasalanan sana po ay huwag na ninyong idamay ang aking anak, ako na po sana ang kunin ninyo" usal ulit niya at nawalan na siya ng malay dahil hinang hina na ito dahil wala pa siyang tulog at dalawang araw na na hindi kumakain.

<<NAKARAAN>>

"Hello, sir Bernard nandito po sa Mansiyon si seniorita Jasmine at ginugulo po si donya Nerica, buntis daw po siya at kayo ang ama" paliwanag ni Rodel kay Bernard.

"ganoon ba Rodel, huwag mong pabayaan si mama ha, kong ano man ang mangyari itawag mo sa akin" wika nito sa tauhan.

"o-po sir, makakaasa po kayo" sabi naman ni Rodel sa amo at pinutol na nito ang tawag dahil papalapit dito si donya Nerica.

>> Inilagay naman si Bernard sa private room at nilagyan ng IVF. Hindi nagtagal ay dumating na rin ang mag-asawang Maria at Alfonso. Lalong umiyak si aling Maria nang malaman na pati si Bernard ay nahospital na.

"Maria tahan na lalong lumalala ang sitwasyon, gusto mo ba na pati ikaw ay mahospital kapag inatake ka sa puso!" awat ni Alfonso sa asawa upang patatagin ito.

Inay Maria kayo na lamang po ang magbantay kay daddy Bernard at kami na po ni tito Alfonso ang maghintay dito sa labas ng OR, baka magising po si daddy at piliting bumangot at mahina pa ito" sabi ni Chad kay aling Maria.

"mabuti nga iho, sige na Maria ihatid na kita sa kuwarto ni Bernard" wika ni Alfonso at inakay na ang asawa.

HANGGANG sa lumabas na ang dalawang doctor na nag-opera kay Libra. Agad na sinalubong ito ni Chad at Alfonso upang alamin ang kalagayan ni Libra.

"doc! Ako po ang kapatid ng pasyente, kumusta po ang kapatid ko?" tanong ni Chad sa mga ito.

"maayos naman iho ang operasyon, oobserbahan pa natin siya 24 hours kong magiging maayos at nagreresponse siya sa mga gamot, ililipat na namin siya sa ER" sabi ng dalawang doctor kay Chad.

Hindi nagtagal at sumunod na sila ni tatay Alfonso sa mga Nurses na naglipat kay Libra sa ER.

Nakabenda ang buong ulo ni Libra at maraming nakakabit na aparatos sa kanyang katawan. Nakakaawa ang kanyang kalagayan at nanatili itong walang malay. Nilapitan ito ni Chad at bumulong sa kapatid na animo ay naririnig ni Libra.

"t-ol!, ako to ang kuya Chad mo, kayanin mo tol at lumaban ka maraming tao ang sabik sa iyo. Tol mahal na namin" bulong nito sa kapatid at kinuha ang isang kamay nito at hinalikan.

Lumabas naman si Alfonso sa ER at tinungo ang silid kung saan nagpapalakas si Bernard wala pa ring malay ito.

"Alfonso kumusta na ang anak natin?" tanong ni Maria sa asawa.

>>sundan

©casey

MY ZODIAC BOY's series ( Libra )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon