>> MASAYA naman kaming kumakain nina nanay kuya Eric at tatay Alfonso. Talagang kakaiba ang picnick namin sa likod bahay.
Naglatag si tatay ng dahon ng saging at doon sa gitna ay kaning umuusok pa at sa paligid noon ay mga inihaw na isda, ampalayang gubat, sili at talon. Gumawa naman si nanay Maria ng sawsawang kamatis na may sibuyas at luya.
Talagang naparami ang kain ko dahil sa kakaibang picnick namin at sabayan pa na nagkakamay lang kami habang kumakain.
Pagkatapus naming kumain ay inabutan naman ako ng buko ni kuya.
"wow! sarap naman nito kuya" wika ko.
"siyempre malakas ka sa akin eh" sabi naman niya.
Kinuha niya ang aking kamay at walang atubiling hinalikan ito (so sweet). Binawi ko naman ito agad kahit kinikilig ako dahil baka makita ni nanay at tatay kong ano pa ang isipin ng mga ito.
"ikaw kuya kong makita tayo" wika ko.
"eh! ano kong makita nila" sabi naman niya sa akin.
"magligpit ka na nga lang!" pagdadabog ko sa kanya at muli ay tinungo ko ang duyan.
<<NAKARAAN>>
KINAKABAHAN man si Bernard sa gagawin sa araw na iyon ay tumuloy parin siya.
Nagmamadaling kinuha ang mga libreta sa bangko at pati ang ATM at nagtungo sa garahe at kinuha ang kanyang sasakyan. Sa daan ay pinag-iisipan niyang mabuti kung tama ba ang kanyang pasya. Ngayong araw na ito ay napagkasunduan nila ni Marivick na magtanan.
Una niyang tinungo ang bangko at sinimot lahat ang laman ng kanyang account pati ang laman ng kanyang ATM. Alam niya kasi na kapag nalaman ng kanyang inang si donya Nerica ang balak niyang ito ay mamumulubi siya at ipapahold ng kanyang ina ang kanyang bangko at ATM.
Pagkakuha niya sa pera ay agad niyang tinungo ang tagpuan nila ni Marivick sa dalampasigan malapit sa mga batuhan.
Pagkarating niya dito ay tinanaw niya si Marivick na kasalukuyang nakaupo sa batuhan at tinatanaw ang malawak na karagatan.
"Marivick!" ang tawag niya dito.
Agad namang tumayo si Marivick at patakbong sinalubong ang kasintahan.
"B-ernard!" wika naman nito.
Nagyakapan sila at naghinang ang kanilang mga labi. Luhaan si Marivick nang tumigil sila sa kanilang halikan ni Bernard.
"bakit ka lumuluha?" wika ni Bernard.
"maligaya lamang ako Nard kasi magsasama na tayo" sabi naman ni Marivick.
Sumakay sila sa sasakyan ni Bernard at tinungo ang piyer kung saan ay sasakay sila ng barko papuntang Maynila kung saan sila magsisimula ng bagong buhay ni Marivick.
Walang pagsidlan ng ligaya ang dalawa nang lumalayag na ang barko. Magkayakap silang pinagmasdan ang napakalawak na dagat animo ay para silang ibon na nakawala sa hawla at ninanam-nam ang kalayaan.
Limang araw silang naglakbay at araw-araw namang nagrereport ang pinagkakatiwalaang tauhan ni Bernard sa mga nangyayari sa mansiyon.
Madaling araw na nang makarating sila sa Maynila kaya napagpasyahan nilang maghotel muna at saka nalang sila maghahanap ng bahay na kanilang uupahan.
>> Humiga ulit ako sa duyan at maling naalala ko ang aking panaginip kani-kanina lang.
"sino ang babaeng laman lage ng aking panaginip?, sino si Marivick?" tanong ko sa aking sarili.
Sa aking pagmuni-muni ay hindi ko napansin si kuya na nakalapit na pala sa akin. Sumaklob agad siya sa duyan na ikinabigla ko.
"putik! naman kuya nagulat naman ako sayo!" maktol ko at sinuntok ko siya sa braso.
Tawa lang ng tawa si kuya sa ginawa ko sa kanya. Walang ano-ano ay inakap ako at hinuli ang ang aking mga labi.
Pumalag ako dahil baka mahuli kami nina nanay Maria at tatay Alfonso.
"kuya naman eh, kulit-kulit mo talaga!" wika ko.
"sa naglalambing lang eh, ikaw naman!" sabi naman niya.
Hindi na lamang ako umimik upang hindi na humaba pa ang usapan. Pinagmasdan ko na lamang siya, maraming nagbago sa itsura ni kuya Eric lalo siyang naging kaakit-akit. Ang kanyang mga mapupulang labi na kay sarap halikan, ang mga biloy niya na lalong nagpapakisig sa kanya sa tuwing ngingiti. Ang mga ngipin na pantay-pantay. Ang buhok na natural na may pagkakulot at sa paglipas ng panahon na hindi ko siya nakita at nakapiling ay nagkaroon ng mala Adonis na pangangatawan.
"Sino ba ang taong hindi mapapatingin at maiinlove sa taong ito?" tanong ko sa aking sarili.
"like it?" tanong naman ni kuya.
"ang alin ba?" tanong ko naman na nagkukunwaring hindi ko alam ang kanyang sinasabi.
"asus, parang hindi ko alam na sinusuri mo ako mula ulo hanggang paa,jajaja" sabi niya na tumatawa pa na siya ko namang ikinainis.
"ang kapal talaga" wika ko naman.
"Halika nga dito bunso at hug mo si kuya" sabi niya at hinila na niya ako at inakap ng mahigpit.
"can this be love?" bulong ko sa aking isip.
"Normal ba na magmahal ako sa kauri ko? Okey lang ba na makadama ako ng kakaibang damdamin sa mga kuya ko? Si George alam ko na may damdamin din siya para sa akin." samot saring katanongan ang ngayon ay tumatakbo sa aking isip.
"Sino sa kanila ang dapat kong mahalin?"
Blangko ang aking isipan sa oras na iyon. Ginantihan ko na lamang ng akap ang kuya ko at napanatag ang aking puso at isipan.
>>sundan
©casey