NAPAKALIWANAG ang sinag ng buwan sa oras na iyon at ang simoy ng hangin ay kay sarap langhapin.
Pumikit ako at tumingala sa kalangitan, humiling ako sa langit ng kasagutan sa mga samot saring katanongan na bumabagabag sa akin. Noon ay parang laro-laro lang para sa akin ang mga pangyayari. Pero itong nagdaang mga buwan ay parang kakaiba na ang aking nararamdaman.
Hindi ko namamalayan ay tumulo ang aking mga luha. Pinahid ko ito ng aking mga kamay at doon ay nakita ko ang sing-sing na bigay sa akin ni kuya Eric.
Muling nagbalik sa aking ala-ala ang mga nangyari sa amin mula pa pagkabata hanggang sa magbakasyon siya at ibinigay niya sa akin ang sing-sing. Bagamat mabigat ang aking dib-dib ay nagbigay naman ng kaunting ligaya sa aking puso ang pag-aaruga at pagmamahal niya sa akin. Ang aming mga harutan, banghayan at higit sa lahat ang unang pagtuturo niya sa akin ng kamunduhan.
Muli ay tumingala ako sa kalangitan at nagtatanong ako sa langit kong tama ba ang lahat na nangyayari sa akin.
Matagal ako sa ganoong posisyon hanggang sa may bulalakaw na lumitaw sa maliwanag na kalangitan. Muli akong pumikit at humiling.
"Diyos ko sana po ay gabayan ninyo ako at ituro ang tamang daan para mahanap ko ang sagot sa mga tanong na bumabagabag sa akin" munti kung hiling.
Hanggang sa mapagod na ako at muli kong isinara ang bintana at tinungo ang aking kama at muling nahiga.
Hindi naman ako nahirapan sa pagtulog bagkus ay parang gumaan ang aking pakiramdam at naging mahimbing ang aking pagtulog.
Sa aking panagip ay may isang babaeng umupo sa aking kama. Mahaba ang alon-along buhok at mababakas sa kanyang mukha ang ligaya sa paghaplos sa aking buhok at tinititigan ako na wari'y isinasaulo ang bayat detalye ng aking mukha. Hanggang sa dampian niya ako ng halik sa aking noo.
"sino ka?" ang bigkas ko at naalimpungatan ako. Iminulat ko ang aking mga mata at pinagmasdan ang kapaligiran. Maliwanag na pala at tinignan ko ang maliit na orasan sa mesa malapit sa aking kama, 8:20 na pala ng umaga.
Bumangon ako at tinungo ang banyo upang maligo dahil sa araw na ito ay pupuntahan ko si kuya Eric sa kanilang bahay.
Pagkapaligo ko ay agad akong nagbihis at bumaba na. Hindi naman ako nahirapan na hanapin si daddy dahil nagkakape ito sa tabi ng pool habang nagbabasa ng diyaryo.
"dad" wika ko habang papalapin ako sa kanya.
"o-h, anak bihis na bihis ka, saan ka ba pupunta?" tanong naman ng aking daddy.
Bago ako sumagot at humalik muna ako sa kanyang pisngi.
"d-addy, magpapaalam sana po ako, dadalaw po sana ako kina nanay Maria at tatay Alfonso" ang mahaba kong paliwanag sa kanya.
"ganoon ba, oh siya sige anak basta mag-iingat ka ha, at pakikumusta mo na lamang ako sa kanila" wika naman ni daddy sa akin.
"sige po dad" wika ko naman at tinahak ko na ang gate namin.
>> WALANG pagsidlan ng saya si nanay at tatay Alfonso nang makita nila ako na papasok sa kanilang bahay. Nagmano naman ako sa kanila at iniabot ko kay nanay Maria ang supot ng mga pasalubong ko sa kanila.
"nay nasaan po si kuya Eric?" ang tanong ko kay nanay Maria.
"naku anak nasa likod bahay ang kuya mo at nag-iihaw ng isda at nagluluto dahil darating ka raw" sabi naman ni nanay sa akin.
"ganon po ba nay" wika ko at tinungo ko ang likod ng bahay.
Nakita ko nga si kuya Eric na naghahanda na at naglalagay ng uling sa ihawan.
"kuya" wika ko sa kanya at nakangiti namang tumingin sa akin.
"oh, tol nandiyan ka na pala" sabi naman niya at lumapit ako sa kanya.
"kuya tutulongan na kita" wika ko at dadamputin ko na sana ang lighter nang.
"o-pz, upo ka lamang diyan bunso, bisita kita ngayon" sabi naman niya agad at kinuha ang lighter sa kamay ko.
Wala akong nagawa kundi ang umupo lang at pinagmamasdan ko siya sa pag-iihaw ng isda. Paminsan-minsan ay tumitingin sa akin si kuya Eric at pakindat-kindat pa.
Hindi ko na lamang ito pinansin at inabala ko na lamang ang aking sarili sa pakikinig ng music sa aking ipod. Lumipat ako sa duyan sa lilim ng puno ng mangga at doon ay nahiga ako at inilagay ko ang headphone sa aking mga tainga. Hindi nagtagal ay nakaidlip na pala ako.
Muli ay napanaginipan ko ang babae, naglalakad daw ako sa dalampasigan nang mapadako ang tingin ko sa may batuhan nakaupo daw doon ang babae at parang may hinihintay. Pinagmasdan ko ito at sa isang saglit ay may lalakeng tumatawag sa kanyang pangalan.
"Marivick!!!" ang tawag ng lalake sa kanya.
Tumayo ang babae na pinangalanang Marivick at patakbong tinungo sinalubong ang lalake.
"B-er..."
Nagising ako nang may umugoy sa kinahihigaan kong duyan.
"tol gising, tol!" wika ng tinig.
Unti-unting iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko si kuya Eric.
"bakit kuya?" ang tanong ko naman sa kanya.
"umuungol ka kasi at binabango-ngot kaya ginising kita" wika naman ni kuya sa akin.
"a-ah, ganon ba kuya, salamat" tugon ko naman at nginitian ko siya.
"sige tol mag-ayos kana at malapit na tayong kumain" balik ni kuya at pinisil nya ang aking pisngi.
"sige kuya" sabi ko
>>sundan
©casey