>> PAGKAUWI namin sa bahay ay talagang napakasaya ko umupa pala si daddy ng live band at kasalukuyang tumutugtog ang mga ito pagdating namin.
"nagustuhan mo ba anak?" tanong sa akin ni daddy.
"o-opo dad, salamat po" wika ko naman sabay akap sa pinakamamahal kong ama.
Hindi nagtagal ay sinimulan na maming ang kainan at kasiyahan. Ang mga ibang mga kadalagahan ay tumitili pa kapag napapadaan kami ni kuya Chad sa dako nila. Nginingitian naman namin ni kuya ang mga ito.
"kuya, ang guwapo mo talaga tignan mo maraming nagkakagusto sayo" ang sabi ko kay kuya.
"tange! ikaw kaya ang tinitilian ng mga iyan" wika naman niya sabay batok sa akin.
"naman! Masakit iyon ha!" maktol kong sabi kay kuya Eric.
"totoo naman kasi bunso, tignan mo nga kahit saan ka magpunta laging nagbubulungan ang mga iyan at kinikilig kapag kumakaway ka sa kanila" litanya ng kuya ko at umabot na yata ang ngiti sa tainga (jaja,tawa).
Pagabi na nang matapos ang party na regalo sa akin ni daddy. Kahit pagod ako sa araw na iyon ay sulit naman dahil dumalo ang lahat ng mga kaibigan ko at mga malalapit na kaibigan ni kuya at ni daddy Bernard.
Hindi sinasadya ay napatingin ako sa dako na may kadiliman malapit sa malaking puno ng Narra sa likod ng aming bahay.
Maliwanag noon ang sinag ng buwan kaya medyo naaaninag ko ang babae sa aking panaginip. Gaya nang sa aking panaginip mayroon itong mahabang alon-aloning buhok, nakatingin at nakangiti sa akin.
Lalapitan ko na sana ito nang may umakbay sa akin.
"tol nandiyan ka pala, kanina pa kita hinahanap" wika ni kuya Chad sa akin.
Tinignan ko naman si kuya at umakbay din ako sa kanyan. Nang tignan ko muli ang kinaroroonan ng babae ay wala na ito.
"sino ba ang tinitignan mo diyan?" tanong ni kuya sa akin.
"a-a-h, wa-la kuya" tanggi ko sa kanyang katanongan.
"ganon ba bunso, siya sige pasok na tayo sa loob" bulong ni kuya at iginayak na akong pumasok sa aming bahay.
Pumasok na ako sa aking silid pagdaka at naligo. Hot shawer ang ginamit ko upang hindi ako mapasma at marelax ang aking katawan pagkatapos ay nagbihis na ako at humiga sa aking kama.
Muling nagbalik ang aking ala-ala at nagmamadali akong binuksan ang bintana. Mula kasi sa aking silid ay matatanaw doon ang puno ng Narra baka makita ko pa ang babaeng pinangalanang Marivick ng lalake sa aking panaginip.
Agad kong tinignan ang puno na iyon pagkabukas ko sa aking bintana pero wala akong makita roon.
"ano ang kaugnayan ko sa babaeng iyon?" tanong ko sa aking sarili.
Tumingala ako sa langit at may bulalakaw muli na nagpakita sa akin. Muli akong pumikit at humiling.
Nang mapagod na ako muli akong humiga at hindi naglaon nakatulog na ako.
<<NAKARAAN>>
HINDI alam ni Bernard ang gagawin sa oras na iyon. Muli kinuha niya ang kanyang cp at pinindot ang numero ni Marivick.
"the number you have dialed is out of reach or no coverage area" sabi ng operator sa linya.
Gulong-gulo na ang isip nito, kasalukuyan pang nakaburol ang ina nito. Tinawag niya ang kanyang pinagkakatiwala ang tauhan at pinapunta sa Maynila.
>> KINAUMAGAHAN, late na nang magising si Libra pupungas-pa ang mahapding mata nang siya ay nagising.
Bumangon siya ay agad na naghilamos at nagtootbrush. Tinungo niya ang pinto ng kanyang silid at bumaba na siya at tuloy-tuloy sa kusina. Kasalukuyang nagkakape naman ang kanyang daddy Bernard ng oras na iyon.
"iho!, gising ka na pala" wika ng kanyang ama.
"opo dad" wika naman nito at hinalikan sa pisngi ang ama.
"sige umupo ka na dito at sabayan muna akong kumain" ang ama niya.
Pinagbigyan naman niya ang hiling ng ama, kahit hindi pa siya gutom ay pinilit niyang kumain para sa ama.
"ang kuya mo pala ay nauna nang kumain, mag-eenrol daw ngayong summer dahil required sa kani iyon" sabi ni daddy na ikinagulat ko dahil hindi man lang nagpaalan sa akin si kuya Chad.
"oo nga pala anak, hindi na kita pinagising kanina kahit nagpipilit ang kuya mo dahil alam ko pagod ka, sabi ko sa kanya ay tawagan ka na lamang niya pag nasa Manila na siya" paliwanag naman ni daddy sa akin.
"ganoon po dad, salamat po. Sige po hintayin ko na lamang ang tawag ni kuya" wiko ko naman kay daddy.
Wala namang gaanong nangyari sa araw na iyon hanggang sa napagpasiyahan kong pumunta sa library ni daddy upang kumuha ng aklat na maaari kong basahin upang hindi naman ako mabagot.
Sa library ni daddy ay hindi ako makapili ng libro bagamat maraming mga aklat na magaganda na maaari kong basahin. Hanggang sa mapadako ang tingin ko sa isang libro na kulay berde sa ibabaw ng ng mesa ni daddy. Parang naantig ang diwa ko at lumapit ako sa mesa. Hindi namang gaano makapal ito.
Kinuha ko ito at binasa ang pabalat, The Green Book. Nang buksan ko ang libro may nalaglag na mga larawan. Dinampot ko ito at parang natuklaw ako ng ahas nang mapagsino ko ang nasa larawan.
Si daddy iyon sa kanyang pagkabinata at may babaeng sasama ito at hindi ako maaaring magkamali. Ang babae sa aking panaginip si Marivick.
>>sundan
©casey