"oobsebahan daw muna ang anak natin Maria ng bainte kuwatro oras, sa ngayon ay nasa ER na siya" sabi ni Alfonso sa esposa at nilapitan niya ito at niyakap.
"Maria tanging dasal na lamang ang maitutulong atin para sa ating anak" wika pa nito at hinimas ang likod ni Maria dahil nagsisimula na naman itong umiyak.
Oras-oras namang kinakausap ni Chad ang kapatid animo ay nakikinig ito. Hindi nagtagal ay nagising na si Bernard agad nitong hinanag ang anak.
"Bernard magpalakas ka pa" sabi ni Maria.
"nay Maria kailangan ko pong makita ang anak ko" giit nito.
Walang nagawa ang mga ito kundi ang pagbigyan si Bernar. Agad na lumapit ito sa anak at luhaang niyakap nito ang anak.
"anak, sory" bulong nito sa wala paring malay na anak.
"dad! Tama na po baka makasama kay Libra ang ginagawa niyo, sariwa pa ang kanyang operasyon" awat nito sa ama.
PAGKARAAN ng tatlong araw ay hindi parin nagigising si Libra. Ganoon pa man ay panatag na ito dahil sabi ng doktor na ligtas na ito sa bingid ng kamatayan. Pinapasok na ni Bernard si Chad sa eskuwelahan dahil baka makaapekto ito sa kanyang pag-aaral. Umupa din si Bernard ng isang bahay na siya munang titirhan nila at pinauna na nito doon si Maria at Alfonso upang makapagpahinga.
>> SA isang mundo na hindi pa nararating ng mga tao may dalawang nilalang na nagkatagpo.
"Libra, anak" wika ng tinig.
"sino po kayo?" tanong naman ni Libra.
"ako ang iyong ina" sabi naman nito.
Pinagmasdan ni Libra ang babae. Nagbalik tanaw ang kanyang isip, ang babaeng ito ay iyong laging laman ng kanyang mga panaginip at iyon ang babae sa larawan na nakita niya na nalaglag sa isang libro sa library ng kanyang ama.
"mommy" bulong nito.
"ako nga anak" wika naman ni Marivick.
Inakap nito ang anak at hinalikan nito ang noo. Pagdaka ay hinaplos nito ang pisngi ni Libra kasapay ng pagpatak ng kanyang mga luha.
"kay tagal kong hinintay anak na mayakap at mahagkan kita, tignan mo ang laki-laki mo na" wika nito sa pagitang ng kanyang mga hikbi.
"alam mo anak, kay tagal ko nang hiling sa Diyos ang pagkakataong ito. Ang mayakap ka at mahagkan, pero hindi sa ganitong sitwasyon." saad nito at muling inakap ang anak.
"p-patay na po ba ako?" tanong ni Libra.
Ipinaliwanag naman ng kanyang ina ang mga nangyari.
"hindi pa Libra anak, kasalukuyang tulog lamang ang iyong diwa, tandaan mo lage na mahal na mahal kita gaya ng pagmamahal ko sa iyong ama" wika nito.
"alam mo anak kahit sandali lamang na makakasama kita ang mayakap at mahagkan ka ay maligaya na ako at mapapanatag." sabi ulit ni Marivick sa anak.
"mahal na mahal din kita mommy" sabi ni Libra.
"anak gumising ka na, nag-aalala na ang iyong ama at maraming umaasa sayo" wika ulit nito at muling niyakap ang anak ng napakatagal. Hanggang sa kumalas na ang ina sa pagkakayakap at naglaho na ito.
SA kabilang banda ay dumating na si Eric at tumuloy ito sa sinabing address ng kanyang tatay Alfonso.
"nay!, tay!," tawag nito sa mga magulang. Agad namang binuksan ni Alfonso ang pinto.
"anak" bungad ng kanyang inang nag-aabang sa salas at niyakap ito.
"nay, tay.., kunti lang po ang mga dala ko dahil nagmamadali po ako sa pag-uwi" wika ni Eric sa mga magulang.
"okey lang anak ang mahalaga ligtas kang nakauwi" saad naman ni Alfonso.
"sige po maliligo lamang ako at punta na tayo sa hospital" wika nito at nagmamadali nang tinungo ang banyo.
Pagdating nila sa hospital ay agad lumapit si Eric sa wala pang malay na kapatid.
"bunso, nandito na si kuya Eric" bulong nito sa kapatid at hinagkan sa pisngi.
"alam mo madami akong pasalubong sayo gaya ng pangako ko sayo noong graduation mo" sabi nya ulit at pumatak na ang kanyang luha.
Kinuha nito ang isa niyang kamay at panaka-nakang pinipisil ito. Hindi na umalis sa tabi ni Libra si Eric, hanggang sa dalawin na siya ng antok.
Pagdaka ay gumalaw ang kamay ni Libra na siyang nagpagising dito.
>>sundan
©casey