"araw-araw ay nababagabag ako Alfonso" wika ni aling Maria sa kabiyak.
"ano ang gusto mong gawin natin Maria" sabi naman ni Alfonso.
"ano kaya kung ipagbigay alam natin sa mga pulis ang nanyari" usal naman ni aling Maria sa asawa.
Napagpasyahan nga nina Alfonso at Maria na ipagbigay alam na nila ang nangyari sa mga pulisya labin dalawang taon na ang nakakaraan. Dahil laging laman ng mga panaginip ni Maria ang babaeng ina ni Libra. Sa susunod na deliver nila ng mga isa sa Baclaran ay ay pupunta agad sila sa pulisya doon at iabot sa kanila ang mga pangyayari, dahil alam nilang kahit masaya sa kanila si Libra at magkasundo sila ni Eric na anak nila iba parin ang pagmamahal ng tunay na magulang ni Libra.
Pagkatapos nilang maideliver sa kanilang mga suki ang isdang kanilang order. Kahit nangi-nginig si aling Maria sa takot tumuloy parin sila.
Laking gulat nang mga ito nang isalaysay ni aling Maria ang kabuoan ng mga pangyayari sa mga pulis. Agad na tinawagan nila si Bernard at ipinaalam na nahanap na nila ang anak nito.
Laking tuwa naman ni Bernard nang tumawag ang mga pulis. Hindi na ito nagbihis at tinawagan ang anak na si Chad na nahanap na nito ang Anak.
Agad itong lumuwas ng Maynila dahil kasalukuyang naninirahan na sila ni Chad sa Panggasinan. Apat na oras ang biyahe pero hindi nito ininda para sa anak. Alam na nito na namatay si Marivick sa panganganak sa kanilang anak dahil may lead na ng mga NBI sa pinagdalhang hospital ng tumulong dito. Ang tinutuklas na lamang nila ay kung sino at tagasaan ang mag-asawa.
Nang makarating si Bernard sa pulisya agad na hinanap nito si Alfonso at Maria. Nagkausap ang mga ito at nagpasalamat sa mag-asawa.
Dali-dali namang tinawagan ni Bernard ang mga NBI kasama ng mga pulis sa Baclaran at tinungo ang bahay nina Maria at Alfonso.
>> Nagtaka ako dahil bakit may mga NBI sa aming bahay na aking nadatnan pag-uwi ko.
Agad akong pumasok sa aming bahay at nakita ko si nanay Maria at tatay Alfonso at ang mga NBI agents sa aming sala, ang aking ipinagtataka ay pati si tito Bernard ay nandoon.
"A-aanak halika dito" tinig ng aking nanay Maria ng mapansin niya ako na dumating at walang kagalaw-galaw sa aking pagkakatayo at pagkabigla.
Tumayo si nanay at maluha-luhang lumapit sa akin.....
"Anak, halika" ang sabi nya at inilapit niya ako sa salas.
Para akong matutunaw dahil lahat ng kanilang mga mata ay nakayingin sa akin.
Pinaupo ako ng aking nanay sa tabi ni tatay Alfonso at tumabi din sa akin. Inakap ako ni nanay ng napakahigpithab ang humihikbisiya, dinig ko ang impit na iyak nya.
Umakap na din sa akin si tatay Alfonso at ganun din ang kanyang ginawa.
Talagang naguguluhan na ako sa mga nangyayari...
"Nak!" ang pasimulang tinig ulitni nanay Maria nang mahimasmasan na sa paghikbi.
Bago niya ipinagpatuloy ang kanyang sasabihin ay umayos muna sa pagkaka upo.
"Anak hindi kami naglihim sayo at alam mo kung ano ka talaga" ang sunod na sabi ulit ni nanay.
"Anak pinalaki ka namin ng iyong tatay Alfonso sa abot ng aming makakaya. Sa bawat araw na nagdaan ay itinuring ka naming para naming tunay naanak" mahabang paliwanag ng aking inay Maria.
Inilapit ako ni nay at tatay Alfonso kay tito Bernard.
"Bernard ito ang iyong anak na matagal mo nang hinanahap" ang sabi ni tatay Alfonso.
Maluha-luha na din si tito Bernard.... Tumayo siya at niyakap ako...
"ANAK, h-uhuhu!" ang sabi nya.
Nagyakapan kami at ramdam ko ang lukso ng dugo na gumagapang saaming dalawa, matagal kami sa ganoong posisyon na animo ay wala nang bukas.
"TOL" ang sabi ng tinig at lumingon kami ni Tito Bernard" si Chad pala iyon at abot hanggang tainga ang ngiti.
Nginitian ko din siya, patakbo na siyang lumapit sa amin ni tito Bernard at nag-akapan kaming tatlo.
"Tol salamat at nahanap kana namin" ang sabi ni Chad.
"Alam mo tol kaya pala ang gaan-gaan ng loob ko sayo, noon pa kasi ikaw pala ang aking kapatid na matagal na naming hinahanap" ang sabi ulit ni Chad sa akin.
>> HINDI mapakali si Bernard nang oras na iyon parang may mangyayaring masama. Hindi nagtagal ay nagring kang kanyang cp. Dinampot niya ito at:
"hello Rodel, bakit ka napatawag?" tanong ni Bernard.
"s-ir, sir Bernard tulungan nyo po kami ni Libra, papalubog po ang barko na sinasakyan namin" wika ni Rodel sa amo at agad na naputol ang linya.
"h-ello!, hello! Rodel!" paulit-ulit na saad ni Bernard pero naputol na ang linya.
Hindi alam ni Bernard ang gagawin niya sa oras na iyon. Hindi siya papayag na pati ang anak na si Libra ay mawawala pa sa kanya. Si Libra na lamang ang tanging ala-ala niya sa pinakamamahal na si Marivick.
Muling dinampot niya ang kanyang cp at tinawagan ang kaibigan na nagtratrabaho sa marine. Maraming beses niya itong paulit-ulit na tinawagan hanggang sa may sumagot sa kabilang linya.
"h-ello Waren" wika nito.
"hello pareng Bernard napatawag ka" wika naman ng kanyang kaibigan.
"pare tulungan mo ako ang anak ko nakasakay sa lumulubog na barko papuntang Davao ngayon" si Bernard.
>>sundan
©casey