PROLOGUE

4K 116 12
                                    

"The Crown of Summer Expo goes to." Narinig kong sabi ng emcee. Hindi ko mapigilang humugot ng malalim na hininga dahil sa nararamdamang kaba. Napalingon ako sa mga madla na excited na hinihintay ang resulta ng pageant.

I put my gaze on my parents who are seriously watching me here in stage and to my friends who are cheering for me. Alam kong nag-eexpect sila na ako ang mananalo but I have a gut feeling na matatalo ako ngayon. I don't know why pero yun ang pauli-ulit na tumatatak sa isip ko sa gabing ito.

Ibinalik ko na ulit ang atensyon ko sa taong nasa harap ko at mas lalong hinigpitan ang pagkahawak ko sa kamay niya. At katulad ko ay kinabahan din siya.

"goes to..." Napahigit ako ng hininga dahil sa sobrang kaba. Hindi ko ma-ipaliwanag ang nararamdaman ko. Feeling ko gusto kong umiyak, tumawa at magtago. Its unexplainable.

"Cassidy Fuertez!" Anunsiyo ng emcee. Malakas na hiyawan at palakpakan ang ipinakita ng mga tao dahil nanalo ang manok nila. At ako? 1st Runner up lang.

As expected hindi ako ang nanalo. I already knew it from the start. Mahigpit niya akong niyakap at nagpasalamat sakin. I just gave her a smile and said congratulations.

Nilingon ko si Dad na pailing-iling na nakatingin sakin kasama si Mom na matalim at may pagkadismaya na nakatingin sakin at tuluyang tumalikod para umalis.

They're disappointed. Handa na ako sa mga consequences na mangyayari sakin mamaya pagka-uwi ko. Napatungo nalang ako at sinulyapan ko ang mga kaibigan ko na nakangiti parin kahit na hindi ako nanalo. As always they're the most supportive friends ever. Kahit na nadisappoint ko sila ay hindi parin nila ipinapakita sa akin na nanghihinayang sila. They are always in my side.

Pagkatapos ng sash at bouquet distribution ay umalis na agad ako ng stage at pumunta sa backstage. Doon naabutan ko ang mga kaibigan kong nagkukwentuhan. Nang makita nila ako ay agad nila akong nilapitan at mahigpit na niyakap. They're comforting me.

"Its okay you're still the winner for us." Ani Tricia. One of my friends-the lambing one. I hugged her back.

"Hindi e, kasi si Gabi dapat yung nanalo at hindi yung bitch na yun. She don't deserve that crown." Narinig kong reklamo ni Aera na nakatayo malapit sa pintuan. She's also my friend-my childhood bestfriend.

"Just accept the fact na hindi talaga si Gabi ang nanalo. Hindi naman kasi tayo nasa itaas minsan nasa ibaba rin tayo." Mala tatay naman na sagot ni Lucas na nakapamewang pa.

"No its not it. Sadyang mga bobo lang talaga yung mga judges na yun. Sana hindi nalang sila yung kinuhang judges ni Tita. They're all stupid." Malditang saad ulit ni Aera.

These two, lagi nalang talaga silang nagbabangayan. Napangiti nalang ako ng mapakla dahil sa mga kaibigan ko. Hindi sila nagpapatalo sa isa't isa kaya laging may sagutan at bangayan pero si Lucas naman ang nagpapatalo sa huli. Hindi siguro niya kinaya ang kamalditahan ni Aera.

Nang matigil na sila ay nilapitan ako ni Aera at mahinang tinapik sa braso.

"'Wag kang mag-alala Gabi gugulpihin ko ang mga anak ng mga stupid na judges na yun." Maangas na sabi ni Aera. Napatawa naman kami dahil sa sinabi niya.

"You're too harsh." Natatawang sabi ko. Tong babaeng to wala ng ibang ginawa kundi ang mangharass. Walang manners, ewan ko nga kung bakit ko to naging kaibigan.

After akong icomfort ng mga kaibigan ko ay pumunta kami sa isang resto-bar para daw sa Celebration of Defeat sabi pa ni Lucas. Tsk kung anu-ano nalang ang iniisip ng genius na yun.
Tumagal kami sa resto-bar ng dalawang oras at hinatid na agad nila ako sa bahay.

Its already pass 3:00 am at off na lahat ng ilaw sa bahay except sa labas. I think tulog na ang lahat.
Dahan-dahan akong pumasok sa front door at mahina itong isinara. Ayokong magising sila Mom dahil sermon na naman ang aabutin ko sa kanila.

Mahina akong naglakad at kinapa ang switch ng ilaw dahil madilim ang paligid. And luckily nahanap ko naman ito agad. Napangiti ako at akmang aakyat na sana sa hagdan pero nawala agad ang mga ngiting iyon dahil naabutan ko si Mom at Dad na naka-upo sa sala.

"Where have you been?" Walang emosyong tanong ni Dad. Shit its giving me goosebumps. Napatungo ako at mahinang sinagot ang tanong niya.

"I'm with my friends sa isang resto-bar."

"Really? Then why are you late?" Tanong niya ulit. Hindi ako makakilos at nakatayo lang malapit sa pintuan.

"Kasi matagal natapos ang pageant kaya medyo natagalan din po kami." Magalang kong sagot.

"Oh about that. You know what, I'm really disappointed in you." Seryoso parin si Dad. Alam ko na ang patutunguhan ng usapang ito at handa na ako sa mga parusa niya. Handa na akong masaktan sa mga bawat salita na bibitawan niya. Pero kahit anong paghahanda ko, hindi ko parin maiwasang masaktan.

"You never failed to fail me. Why Gabriella? Alam mo bang pinahiya mo kami ng Mom mo? Everyone is expecting na ang isang Gabriella Arcus ang mananalo but you failed us, you failed our reputation!"

Hindi ako sumagot agad sa kanya at tumingin kay Mom na naka-upo lang sa couch-nakikinig lang walang nagawa. Naramdaman kong nagsisimula nang uminit ang bawat sulok ng mga mata ko. Hudyat na tutulo na ang mga luha ko.

"Sorry Dad a. Hindi kasi ako yung perpektong anak na pinangarap niyo. Sorry kong dinumihan ko man ang reputasyon ninyo. Pero sana wag niyo namang ipamukha sakin na isa akong failure na anak!" Hindi ko mapigilang sagutin si Dad. Napupuno na ako, ayoko na sawa na ako. Paulit-ulit nalang nila akong ginaganto ayoko na.

"At sumasagot ka na!" Bulyaw ni Dad. Napahawak ako sa humahapdi kong pisngi at tuluyan ng umagos ang mga nagbabadya kong luha. I didn't expect this thing. Hindi ko akalaing kaya niya pala akong pagbuhatan ng kamay. Its the first time though.

"And because of that I will give you your punishment!" Dagdag pa nito.

"What? Ano na naman ang parusa ko huh? Kukunan mo ako ng credit card for three months?,grounded ako for two weeks? Or palalayasin mo na talaga ako. Go on I won't judge hindi ko kailangan ang gagong credit card mo at lalo gusto ko nang lumayas sa pamamahay na ito!" Taas boses ko. Mas mabuti pang lumayas nalang kesa ang masakal sa mga kagaguhan nila.

"No! You're not grounded nor kukunin ko ang credit card mo at lalong hindi ka lalayas! Simple lang ang punishment -no favor na hihingiin ko mula sayo." Dad. Favor? Ano na namang kalokohan to?

"What is it?" Nakataas kilay kong tanong sa kaniya.

"I want you to meet your groom." Mahinahon nitong sabi. W-what? Groom? Ginagag* niya ba ako?

"Groom? What are you talking about? Wala naman akong boyfriend lalo na ang fiancee kaya paano ako magkakaroon ng groom? Are you serious?" Hindi ko siya gets. Sana naman hindi tama ang iniisip ko.

"Gabi I want you to marry my friend's son." What? Marry? So ipapakasal niya ako. Napaatras ako dahil sa pagkabigla. I can't believe him paano niya ako nagawang ipagkasundo sa isang lalake na hindi ko pa kilala at lalong hindi ko mahal.

"No Dad! Are you kidding me? Mom do something!" Tuloy tuloy lang ang bagsak ng luha ko.

"I'm sorry baby pero napagkasunduan na namin to." Malungkot na sabi ni Mom. Nakakapanghinayang akala ko pa naman may kakampi ako dito pero wala pala.

I'm alone and freaking devastated.

TWISTED FATE

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon