"Okay ka lang?" Tanong agad sa akin ni Ella nang makapasok na sa kwarto si Sir. Nilingon ko siya at sinagot.
"Oo okay lang bakit?" Sinagot ko siya ng tanong.
"Kasi ako yung kinakabahan para sayo Jessica. Sorry ah kasi hindi kita agad natawag, akala ko kasi 10 am pa yung dating ni Sir Uno. Mukhang napaaga ata kaya hindi kita nahanap agad dahil sa kaba." Mahaba na paliwanag nito sa akin. Nginitian ko siya.
"Okay lang yun, hindi mo naman kasalanan kung bakit napaaga ang dating ni Sir Uno ba yun? At saka hindi pa naman ako tinanggalan ng trabaho e." Uno. Is Uno his nickname or not? Kasi kung nickname niya ito I'm sure mataas yung pangalan niya pero kung hindi at Uno Sebastian lang ang weird ng pangalan niya. Tapos diba Uno siya kaya baka ang pangalan ng kapatid niya ay Dos? Tapos Tres kung meron? Pero okay narin yun hindi mahirap isulat at cool naman. I guess?
"Sorry talaga." Sabi ulit ni Ella. Arg bakit ang kulit niya?
"Teka, ganoon na ba talaga ang ugali ni Sir Uno?" Tanong ko dito. Just curious.
"Ang alin? Ang masungit? Hindi at oo." Sagot nito sa akin. What? Hindi ko gets.
"Anong ibig mong sabihin?" Hindi ko siya maintindihan. Hindi at oo? What kind of answer is that?
"Hindi. Kasi hindi naman siya masungit pag good mood pero tahimik lang talaga siya palagi kaya ang magiging first impression mo sa kanya ay isa siyang masungit at cold na tao." Mahaba na sagot nito sa akin.
"At oo kasi?" Tanong ko dito.
"Oo kasi minsan ko na siyang nakitang galit at nakakatakot siyang magalit. Tapos kapag wala siya sa mood o di kaya ay hindi niya nagugustuhan ang pinaggagawa mo ay bigla ka niyang susungitan at sermonan." Sagot na naman niya sa akin. Ah so it means depende lang sa mood niya.
"Pero paano kung wala siya sa mood buong taon, does it mean na masungit din siya buong taon?"
"Haha oo baka nga tubuan na siya ng sungay pag nangyari yan e." Natatawang sagot ni Ella. Pati rin ako natawa sa mga pinagsasabi namin. I can imagine his face ang pangit na kung mangyayari yun.
Matapos ang kwentuhan namin ni Ella ay nagpaalam muna siya sakin kasi may gagawin pa raw siyang trabaho. Pumunta ako sa aking silid at walang ibang ginawa kundi ang humiga at matulog.
*******
Nagising ako nang may marinig ako mahihinang katok. Nilapitan ko ito at binuksan. Bumungad sa akin si Ella na nakangiti.
"Halika na Jess maghapunan na tayo." Aya nito sa akin na tinanguan ko lang.
Bago ako kumain ay inutusan muna ako ni Manang Rita na ihatid ang isang tray ng hapunan para kay Sir Uno.
"Hindi po ba siya kumakain dito sa ibaba Manang?" Tanong ko. Wala ba siyang paa para hindi makababa dito sa kusina at kumain?
"Hindi ija. Matagal nang hindi kumakain dito si Uno simula noon." Sagot nito. Bakit? Bakit masiyado siyang paimportante? Alam ko nagpapahatid din ako minsan ng meal sa kwarto ko pero ito ay dahil may sakit ako. Strict kasi parents ko kaya hindi nila ako pinalaking spoiled. Oh speaking of them, I don't want to remember them.
Hindi na ako nagsalita pa at hinatid ko na sa kwarto ni Sir Uno ang hapunan niya. Kumatok ako ng tatlong beses at nagsimula na naman ako kabahan. Shoot hindi ko parin makalimutan yung pagtawag niya sa akin ng stray cat. Ako? Stray cat? Ayoko sa pusa kaya bakit ako naging pusa? Kainis.
Hindi ito sumagot kaya wala akong ibang ginawa kundi ang pihitin ang door knob at nagulat ako kasi hindi nakalock. Nagkibitbalikat nalang ako at pumasok na.
BINABASA MO ANG
Twisted Fate
RomanceGabriella Arcus was born to be the star in the field of pageants-according to her parents. No one opposes it since she has the beauty and brain. At the age of six, she already started her training to be a professional candidate until she reached her...