Agad na tinawagan ang private doctor ng pamilya Sebastian.
Nandito ako ngayon sa bandang pintuan ng silid ni Ma'am Jezel habang pinapanood ang doctor na icheck ang vitals nito. Mapapansin ang sobrang pag-alala ni Sir Martin sa kaniyang asawa dahil para itong hindi mapakali.
"How is she?" Nag-aalalang tanong ni sir sa doctor.
"No worries Mr. Sebastian. Your wife is stable now. Good thing at naagapan agad because if hindi, there is a tendency na mahuhulog ito sa respiratory attack."
Nanlamig ako dahil sa naging sagot ng doctor. Napapikit ng mariin si sir Martin at napatango nalang.
Matapos mabigyan ng gamot at maasikaso si Ma'am Jezel ay agad na nagpaalam ang doctor. Agad akong tiningnan ng masama ni sir. Kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang mukha kasabay ng pagkuyom ng kaniyang kamao. Yung parang handa na siyang pumatay ng tao.
"S-Sir patawarin niyo po ako-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang marahas niyang hinila ang kaliwa kong braso at kinaladkad ako pababa.
"You almost killed my wife, you know that?" Nanggagaliiting singhal nito habang hila-hila parin ako. Ramdam ko ang hapdi ng pagkahawak niya sa braso ko.
"P-Patawarin niyo po ako. Hindi ko po sinasadya ang nangyari." Naluluhang wika ko.
"Where's the fvcking dog?!" Sigaw niya nang makarating na kami sa ibaba. Binitiwan niya ako at galit na hinarap.
Agad akong nakaramdam ng kaba dahil sa tanong niya. Anong balak niyang gawin kay Black? "Wala pong kinalaman si Black dito." Kinakabahan kong sagot.
"Anong wala? He's the reason why my wife is fvcking unconscious!" Sigaw ulit nito at binaling ang tingin kay Manang Rita na nakatingin sa 'di kalayuan.
"Bring me that dog now!"
"P-Pero sir-" pagtutol ni Manang.
"NOW!"
Wala nang ibang nagawa si Manang at kinuha si Black sa kuwarto ko at dinala pabalik sa sala. Marahas itong pinulot ni sir na ikina-iyak nito.
"Huwag niyo po siyang saktan. Ako nalang po ang parusahan niyo." Pagmamakaawa ko sa kaniya pero para lang itong walang narinig at naglakad palabas ng mansion dala ang kawawang aso.
Hindi ako sumuko at umiiyak na sinusundan parin si Sir palabas. Sobrang awa ang nararamdaman ko para kay Black. Hindi ko hahayaang saktan siya ni Sir Martin.
"Parang awa niyo na." Saad ko at hinarangan siya. Masama lang ako nitong tiningnan at tinulak paalis sa dinadaanan niya.
Nang makarating na siya sa malaking gate, ay walang awa niyang hinagis si Black palabas. Rinig na rinig ko ang pagbagsak nito kasabay ng kaniyang pag-iyak.
"Huwag na huwag mong papapasukin o bigyan ng pagkain ang lentik na asong 'yan!" Singhal niya at tiningnan ako.
"And you. Come with me." Saad nito at walang pahabas na hinila ang buhok ko at kinaladkad papuntang basement. Napahiyaw ako dahil sa sobrang sakit ng anit ko.
"Tama na." Makaawa ko at napahawak na rin sa aking buhok dahil parang matatanggal na ito lahat.
Nang makarating na kami, ay binuksan niya ang pintuan nito at marahas akong binalibag papasok doon. Napasalampak ako sa lumang mesa na nakatayo sa loob.
"Don't you dare take a step outside until my wife gets well b*tch." Wika niya sabay duro sa akin.Wala akong naramdaman ni kaunting awa mula sa mga salitang binigkas niya.

BINABASA MO ANG
Twisted Fate
RomanceGabriella Arcus was born to be the star in the field of pageants-according to her parents. No one opposes it since she has the beauty and brain. At the age of six, she already started her training to be a professional candidate until she reached her...