CHAPTER 8

1.7K 49 0
                                        

It's the day before Christmas at busy ako kaka browse sa internet kung anong magandang lutuin para sa pasko.

I can only do basic things in cooking kaya kailangan ko ng tulong nito.

Nang makapili na ako ng mga putahe ay kinopya ko kaagad ang mga ingredients at procedure nito. Simple lang naman kaya siguro ay hindi naman ako mahihirapan dito.

Pagkatapos kong maisulat lahat ay kumuha ako ng dog food. Oo may pagkain na si Black dahil himalang binilhan siya ni Uno. Hindi ko pa nga sana tatanggapin kaso mukhang magagalit na naman kaya wala na akong nagawa. Hindi sa OA pero ayaw ko lang talagang magkaroon ng utang na loob sa kaniya.

Hinanap ko si Black dahil oras na para pakainin ko siya. Nasan na naman kaya pumunta yung asong yun? Pinuntahan ko na ang lahat ng lugar sa loob kaso hindi ko siya mahanap.

"Black nasan ka ba?" Mahina kong sigaw. Nasa kwarto ko lang siya kanina naglalaro. Hay naku kung saan-saan na naman ba nagsusuot ang asong iyon?

Napagpasiyahan kong maghanap na rin sa labas. Una kong pinuntahan ang garden pero kahit anino ni Black ay hindi ko nakita.

Sunod akong dumako sa likod ng mansyon kung nasaan ang pool. Nakita ko doon si Uno na nakaupo sa gilid habang nakalubog ang dalawang paa sa tubig. Mag-isa lang ito at parang may malalim na iniisip.

Wala yata dito si Black kay tumalikod na ako at aalis nang may marinig akong mahinang tahol. Nilingon ko ulit si Uno at naaninag ko si Black na dinila-dilaan ang kamay ni Uno.

"Woah easy. Hindi kita babasain don't worry." Natatawang usisa nito. Nilapitan ko sila at tumikhim. Napabaling naman ang atensyon nila sa akin at nilingon ako.

"Pasensiya na sir kung naistorbo kita pero oras na para kumain ni Black." Sabi ko at plastik na ngumiti sa kaniya.

Binalik niya ang tingin kay Black at binitiwan ito. Ngunit ayaw nitong lumayo sa kaniya. Sinubukan ko siyang lapitan pero ayaw niya talaga at tumahol lang ito ng tumahol. Ano bang meron kay Uno at ayaw niyang lumayo dito?

"Huwag mo nang pilitin. Just bring him his food." Salita ulit ni Uno. Napabuntong hininga nalang ako. Kainis! Wala na akong ibang nagawa kundi sundin ang utos niya.

Bumalik ako sa loob at kumuha ng container tsaka nilagay yung dog food. Bumalik ako sa pool at naabutan ko si Black at Uno na naglalaro. I admit that he's kinda cute. Mas lalo itong pumogi dahil nakangiti ito. Sana ganito nalang siya palagi- wait Jessica ano bang pake mo sa kaniya?

Napa-iling nalang ako dahil sa biglang naisip. Tama. Hindi ako madadala sa mga ganyan kahit na dumadagdag talaga sa pogi points niya ang mga ngiti na sinusuot niya. Ang kaniyang mala-Adonis na mukha na nakakaakit- tama na Jessica!

Ibinaba ko ang dala-dala kong pagkain. Lumapit agad dito si Black tsaka kumain.

Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain si Black. Walang ni isa ang naglakas-loob na magsalita. Wala naman akong ma-itopic kaya hindi ako kikibo. At isa pa, hindi rin kami close.

Nagpatuloy ang aming pananahimik ng ilang minuto hanggang sa bigla itong nagsalita.

"Uhm... I'm sorry." Nagdadalawang- isip na sabi ni Uno.

Inangat ko ang paningin sa kaniya at naguguluhan itong tiningnan. Ano na naman kaya ang trip nito? Hindi ako kumibo at hinawak-hawakan ang ulo ni Black.

"Sorry sa mga nasabi ko the other day." Usisa nito. Napahinto ako sa ginagawa at napatingin ulit sa kaniya. Sorry? Seryoso ba siya? Pangalawang himala ba to? Anong nakain niya at yun ang lumabas sa kaniyang bibig? Nagjojoke ba siya? 'Yan ang mga tanong na gumuhit sa isipan ko.

Hindi parin ako umimik at pinagpatuloy lang siya sa pagsasalita.

"I shouldn't have told you that. Sumusobra na ako. Hindi ko man lang inisip ang nararamdaman mo noon." He explained. Tumayo ako at umupo rin sa gilid ng pool at binabad ang paa sa tubig.

Awkward silence.

"May kasalanan din naman po ako. Hindi ko na sana pinakialaman ang mga gamit mo." Sagot ko sa kaniya habang nilalaro ang tubig gamit ang paa ko.

"No. You were not informed. You just did what normal people would do." Dagdag nito. Oo nga naman. Hindi ko alam na bawal pala yun. Curious lang ako. Hindi pa ako pinapasok sa kwarto niya simula nun. OA niya lang talaga.

Gusto ko sana siyang sukmatan nang
Buti alam mong hinayupak ka. Pero alam ko namang hindi ko yun magagawa. Nagsosorry na nga, gagalitin ko pa.

"Sorry po talaga. Hindi ko na yun uulitin." Sabi ko sa kaniya. Papakabait ako para hindi na niya ako awayin.

"Just don't do it again." Usisa nito. Nilingon ko siya at nakayuko lang ito habang nilalaro rin ang tubig. Gosh is this true? Baka panaginip lang to.

"Uhmm.sir." Salita ko sa kaniya. Tiningnan niya ako at tinaas ang dalawang kilay na sa tingin ko ang ibig sabihin ay 'bakit'.

"Pwede pakisampal ako?" Request ko sa kaniya. Kumunot ang kaniyang noo dahil sa sinabi ko.

"The fvck are you talking about?!" May halong gulat na sabi nito. Bahagya akong napatalon dahil doon. Mukhang narealize naman niya ang nangyayari kaya mahina itong tumikhim.

"I mean bakit kita sasampalin?" Kalmado na salita niya.

"Baka kasi nananaginip lang ako." Nakatanga na sagot ko sa kaniya. Siguro kapag nakaramdam ako ng sakit ay magigising na ako. Tapos babalik na siya sa paggiging sungit na halimaw.

Napatigil ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng mahinang tawa. Agad ko siyang nilingon at naabutan ko itong nagpipigil ng tawa.

"Bakit ka tumatawa?" Nagtataka kong tanong. Hindi naman ako nag joke diba? May saltik yata to.

Nang marinig niya akong nagsalita ay agad nagbago ang emosyon nito at bumalik na sa pagkaseryoso. Ang bipolar naman.

"N-Nothing." Sagot nito.

Nagkibit balikat nalang ako at ibinalik ang atensyon kay Black na tapos nang kumain.

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay nilaro-laro namin ang makulit na si Black. Ngayon ko lang rin nalaman na takot pala ito sa tubig. Tumatakbo ito papunta kay Uno at mahinang umiyak na para bang nagsusumbong tuwing binabasa ko siya sa tubig. Ang kyut lang!

Natigil lang ang aming paglalaro nang biglang tumunog ang cellphone ni Uno. Tumayo ito at sumenyas ng 'excuse me' .

Pinagpatuloy ko lang ang paglalaro sa aso. Ano kayang nangyari kay Uno at bigla itong bumait. Baka last day na niya ngayon sa mundo at ginagawa na niya ang tama para makapunta sa langit? Naku sana naman hindi. Hindi pwedeng mawalan ng gwapo ang mundo-

"What?!"

Napatingin ako kay Uno nang sumigaw ito. Binaba niya kaagad yung cellphone niya at halatang galit na naglalakad pabalik sa direksiyon ko. Ano na naman kayang problema nito?

"B-Bakit ka galit?" Kinakabahan kong tanong sa kanya. Mukha kasing ready na siya manapak eh.

"Dad is coming tonight." Naka-igting panga na sagot nito.

To be continued........

(A/N):
Sorry kung ngayon lang ako nakapag-update. Something came up at kailangan ko lang talagang unahin yun. Lovelots<3






Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon