CHAPTER 9

1.7K 53 3
                                        

Agad-agad akong naglinis nang sabihin iyon ni Uno. Uuwi dito ngayong gabi ang Dad niya kaya dapat malinis yung bahay kahit malinis na.

Medyo kinakabahan din ako dahil doon. Siguro strikto ang tatay ni Uno. Ganun nalang kasi ang ekpresyon niya nang malaman niyang dito magki-Christmas ang tatay niya. Nai-imagine ko na agad ang mukha ng tatay niya.

Hindi naman ako masiyadong nahihirapan kasi nagpresenta si Uno na siya na raw ang magluluto para sa dinner. Syempre hindi na ako nag-inarte pa. Buti nga at tumulong siya kasi siguradong palpak na naman ako pagdating sa main dishes.

Nakatayo ako ngayon sa may pintuan ng kusina habang pinapanood si Uno na nagluluto.

May silbi rin pala ang mokong na 'to. Wala sa itsura niya na marunong pala siyang magluto. Akala ko kasi puro sungit at pambababae ang kaya nitong gawin. Pangatlong himala na to mula sa kaniya.

Habang pinapanood siyang magluto ay hindi ko maiwasang hangaan ang matipuno niyang katawan. Halatang nagi-gym ito. Hindi naman siya masyadong ma-muscles. Sakto lang ang pagkahulma ng katawan niya.

"Why are you staring?" Hindi ko napansing nakaharap na pala ito sa akin. Napaayos ako ng tayo at nakaramdam ng hiya.

"H-Ha? Hindi ako nakatitig." Nahihiyang sagot ko sa kaniya at naglakad papunta sa silya para umupo.

"Naglalaway ka pa." He said smirking at hindi pinansin ang pag deny ko.

Hinawakan ko naman ang bibig ko para i-check kung may laway nga pero wala naman. Tinawanan niya ako dahil doon. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Marunong ka palang magluto." Pag-iiba ko ng topic. Baka kasi tuksuhin niya lang ako.

"Yep. I lived alone when I was in college kaya natuto akong magluto." Sagot nito habang nilulunod yung pasta sa kumukulong tubig.

Napatango-tango na lang ako. Nagluluto siya ngayon ng spaghetti at hindi ko maiwasang matakam. God knows how I love spaghetti especially kung si Mom ang gumagawa nun.

I wonder kung ano kayang hinanda nila sa bahay ngayong pasko. Masaya kaya sila? Iniling-iing ko ang ulo ko dahil sa naisip. Bakit ko ba sila inaalala? Syempre hinahanap parin ako nila. Sayang kaya yung perang makukuha nila kapag hindi nila ako naipakasal duh.

Nang matapos na si Uno sa pagluluto ng mga putahe ay sumunod agad ako sa paglinis ng kusina. Kahit sa pagluluto ay masinop parin ito kaya hindi ako masiyadong nahirapan sa paglinis. Unlike me na parang dinaanan ng bagyo tuwing napadpad sa kusina.

It's past six in the evening and at last tapos narin ako sa paglilinis. Medyo natagalan ako kasi matagal natapos si Uno sa pagluluto at yung kusina ang huli kong nilinis.

Ngayon ay nakatayo na ako harap ng main door habang hinihintay si Mr. Martin Sebastian. Wala pa si Uno kasi nagbibihis pa ito. Pinaghahandaan niya talaga ang pag-uwi ng daddy niya. Na curious tuloy ako.

Na-alerto ako nang may bumusina mula sa labas. Siguro ito na yung daddy ni Uno. Lalabas na sana ako ng main door nang unahan ako ng natatarantang si Uno.

Dali-dali itong pumunta sa gate at siya mismo ang nagbukas nito. Pumasok ang isang magarang sasakyan kung saan nakasakay ang daddy niya.

Hindi ko na siya sinundan at pinagpatuloy nalang ang pagtayo sa main door. Dito ko nalang sila hihintayin.

Ilang sandali ay naramdaman ko na ang paglapit nila. Agad na naaninag ko ang isang lalaking nasa mid-50s. Hindi maipagkaila na daddy talaga siya ni Uno dahil magkamukha talaga sila. Siguro nung kasing edad niya pa si Uno ay mapagkakamalan ko silang kambal.

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon