EPILOGUE

2.4K 51 0
                                        

Three months later

Napadako ang paningin ko sa kinaroroonan ni Mommy nang marinig ko ang tawa ni Prime na karga-karga niya.

Primo Gabriel Sebastian. My three-month old son.

Katabi ni Mommy si Tricia na bising nilalaro ang anak ko.

Umalis na ang ibang mga kasamahan namin dito matapos ayusan. Sila nalang ang nagpaiwan.

"Harap ka sa akin ganda." Wika ni Queenie na nag-aayos sa akin. Sinunod ko naman ang sinasabi niya.

The day that I've been waiting for has come.

Ngayon ang araw ng kasal namin ni Uno. Ang araw kung kailan kami magiging isa at kung saan namin pagtitibayin ang aming pagsasama sa harap ng altar.

This is a once in a lifetime event kaya hindi ko maiwasang kabahan.

"It's done! Mas lalo kang naging prettyful!" Sabi ng bakla matapos niya akong ayusan. Napakunot ang noo ko.

"Prettyful?"

"Yah prettyful. Pretty ka na, beautiful ka pa! Kaya huwag kang sumimangot dyan and smile!" Masiglang salita ni Queenie at hinarap ako sa salamin.

Napa-iling nalang ako at hindi na nagtanong pa. Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin. Humugot ako ng malalim na hininga at ngumiti. She or He did a good job.

Tinulungan ako ni Trishia sa pagsuot ng wedding gown. Namangha naman ako nang makita ang gown na susuotin ko dahil sa ganda nito. Ngayon ko pa lamang ito nakita dahil ang mga kaibigan ko ang nagprepare sa lahat, including the church and reception decoration, invitations, outfits, wedding cake at iba pa. Surprise daw kasi.

I told them not to pero mapilit sila. According to them, dapat lang daw na sila ang magpeprepare sa ceremony na ito dahil ako daw ang naunang ikasal sa aming magkakaibigan. Doon nalang daw ako magfocus sa mga pagkain.

It's their choice kaya wala na kaming nagawa ni Uno.

"Look Prime, your mom is stunning." Kumento ni Tricia matapos kong isuot ang gown. Bahagya akong umikot upang makita ko ang kabuuan ko sa salamin. Infairness, bagay sa akin yung damit.

Lumapit ako sa baby ko na hawak ni Mommy. Nakatitig lang ito sa akin na animo'y may nakitang kung ano.

Napangiti nalang ako.

Nakuha nito ang kabuuan niyang mukha sa kaniyang ama, maging ang mga asul nitong mga mata. Tanging ang mga maninipis na labi lamang nito ang namana sa akin.

Narinig kong tumawa si Tricia sa gilid. "See? Pati anak mo nastar struck sayo." Saad niya.

Mahina kong iwinagayway ang palad sa tapat ng mukha ng baby ko. Agad naman itong kumurap-kurap na ikinatawa namin sa loob. Ang cute lang!

Matapos noon ay ipinakarga na ni Mommy si Prime sa yaya nito. Napagdesisyunan na naming bumaba at pumunta sa bridal car na nakahintay sa amin. Sakay doon si Dad at ang driver namin.

Hindi ko na pinagkaabalhang hanapin ang bouquet ko dahil doon sa church nalang daw 'yon ibibigay sa akin.

Nang makarating na kami sa simbahan ay naabutan ko doon ang mga abay na nakatayo sa kaniya-kaniyang posisyon. Kasama doon ng mga kaibigan kong si Tricia at Aera na bridesmaids at Lucas na groomsman. Nandoon na rin si Ella na ginawa kong Maid of Honor at ang partner nitong si Louigi na Best Man.

Nang makita na nila ang kotseng sinasakyan ko ay sumenyas ang wedding soordinator na masimula na. Hindi pa ako pinalabas hanggang hindi pa natapos ang mga abay.

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon