"HOY BABAITA GISING!"
Agad akong napabalikwas at wala sa sariling hinablot ang orasan sa gilid ko para ihagis sa kung sino mang walang hiyang sumigaw.
"Whoa kalma lang." Sabi ni Ella na nakapwesto ang dalawang kamay sa harapan bilang panangga. Sinamaan ko siya ng tingin at umayos na sa pagka-upo.
"Bakit ka ba nambubulabog?" Tanong ko sa kaniya sabay kuha ng salamin ko at isinuot ito. Lumapit ito at umupo sa higaan katabi ko.
"Ikaw, bakit tulog ka pa eh alas syete na ng umaga." Sarkastikong tanong nito sa akin. Napakunot ang noo ko at binaling ang paningin sa orasang bitbit ko pa.
Napakurap ako nang mapagtantong alas syete na nga ng umaga. Kasalanan ko bang napuyat ako kagabi?
"Pinatawag nga pala tayo ni sir Uno. Kaya kilos na dyan girl." Saad nito.
Dali-dali kong niligpit ang pinaghigaan ko at inayos ang sarili.
"Bakit nga pala tayo pinatawag?" Tanong ko sa kaniya."Ewan. May importante sigurong iuutos kaya bilisan mo dyan." Sagot nito at lumabas na ng kuwarto.
Speaking of Uno, totoo kaya lahat yung nangyari kagabi? Hindi lang kasi ako makapaniwala. What if it was just a dream? An illusion made by me? But it felt so real especially that kiss. Agad kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko.
Sinuot ko ang aking uniporme at humarap sa salamin. Mahina kong tinapik ang aking pisngi.
Put yourself together Jessica. Para kang tange dyan.
I lectured to myself.
Lumabas na ako sa kuwarto at tumungo na sa lobby kung saan kami pinatawag ni Uno. Naabutan ko doon ang mga kasamahan ko sa trabaho. Bumati ako sa kanila ng magandang umaga at sinuklian naman nila ito. Lumapit ako kay Ella at sabay naming hinintay si Uno.
Nang makarating na ito ay agad kaming napatayo at yumuko bilang pag galang.
Nagtagpo ang mga mata namin at bigla ko na namang naalala ang lahat ng pangyayari kagabi kaya kaagad ko itong iniwasan. Napansin naman ito ni Ella kaya agad ako nitong kinurot sa tagiliran. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Good morning to you all. I have an important announcement." Saad ni Uno. Parang nasa good mood ito at mukhang mambibigay ng bonus. Sana nga.
Napakunot ang noo ko at hinarap si Ella na curious rin. Tiningnan ko rin ang iba ko pang mga kasamahan at ganun din sila. Ano bang sasabihin niya sa amin at parang napaka-importante nito.
Nakangiti niyang pinagmasdan ang mga manggagawa hanggang sa napunta ang kaniyang paningin sa akin. Agad akong nakaramdam ng kaba.
Naglakad ito palapit sa akin at kinuha ang kamay ko. Naguguluhan ko siyang tiningnan. Ano na naman ba Uno? Nilingon ko ang aking mga kasama at nakatingin sila lahat sa akin lalo na si Ella na may ngiting aso. Dinala ako ni Uno sa harapan.
Juicecoloured ano na naman bang gimmick 'to?
"I just want to formally introduce to you my girlfriend. Jessica." He proudly announced sabay hapit ng bewang ko. Nanlaki ang mga mata ko siyang nilingon. I gave him the 'what the heck?' look but he answered me with his sweet smile. Hindi ko mapigilang kiligin.
Rupok mo teh!
Ang pogi niya pramis. Nahuhumaling talaga ako dyan sa ngiti niya minsan lang pinapakita. Pero napalitan ng naguguluhan na expression ang kaniyang ngiti nang mapansin niya ang reaksyon ng mga manggagawa.
Binaling ko ang paningin sa mga kasamahan ko na parang wala lang. Except for Ella na parang tangang nagpipigil ng tili.
"What's with that reactions? Aren't you surprised?" Nakakunot-noo niyang tanong.

BINABASA MO ANG
Twisted Fate
RomanceGabriella Arcus was born to be the star in the field of pageants-according to her parents. No one opposes it since she has the beauty and brain. At the age of six, she already started her training to be a professional candidate until she reached her...