CHAPTER 17

1.2K 36 2
                                    

Nagising akong may parang mabigat na bagay na nakapatong sa akin. Minulat ko ang aking mga mata upang tingnan kung ano 'yan nang mapunta ang paningin ko sa brasong nakapatong sa baywang ko. Nilingon ko ang may-ari nito at ang gwapong mukha ng katabi ko and bumungad sa akin. Wait...katabi? Nilingon ko ulit ito at sobrang nanlaki ang mga mata ko nang magsink-in ang lahat.

Mahabaging mga lagit! Katabi ko si Uno pogi! Anong himala na naman ba ito?

Paano siya napunta rito? Diba sa lapag ko to pinatulog? Hayst tinopak na naman yata.

Mapayapa itong natutulog. Napangisi ako ng mapagtantong malaya kong mapagmasdan ang gwapo niya mukha. Sobrang inosente ng itsura nito, yung tipong hindi makabasag ng pinggan. Sinuri ko ang kaniyang mala anghel niyang mukha. Ang perpekto lang. Mukha itong inukit ng pinakamahusay na sculptor sa balat ng lupa. Sobrang lapit lang ng mga mukha namin kaya natutukso akong halikan ito.

Tumungo ang mga mata ko sa kaniyang leeg. Ngayon ko lang napansin na may maliit na nunal pala ito sa bandang kanan ng kaniyang leeg na mas ikina-hot niya.

"Done checking me?"

Naibalik ko ang aking paningin sa mga mata niya at sobrang kahihiyan na lamang ang nadama ko nang mahuli niya akong pinagpyestahan siya. Agad nag-init ang mukha ko at itutulak na sana siya nang pigilan ako nito.

"Stay still," sabi nito gamit ang namamaos niyang boses at muling ipinikit ang kaniyang mga mata. Gustong lumayo sa kaniya. Ayokong maramdaman niya ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa hindi maipaliwanang na dahilan. Para itong nagwawala sa loob ng rib cage ko at nais nang lumabas.

"Ba't ka tumabi sa akin? Nanyansing ka lang eh." Biro ko dito nang sa gayo'y maibsan ng kahit konti itong pangangamba ko. Agad ko rin namang tinikom ang aking bibig kasi feeling ko may morning breath pa ako. Nakakahiya naman, turn off na agad sakin si boss.

"Sumasakit yung likod ko-"

"Jessica gumising ka-SUSKO MARYOSEP!"

Hindi sinasadyang naitulak ko si Uno dahil sa pagkabigla.

"Fvck!" Sumigaw pa ito pero hindi ko na napansin.

Nakita ko si Manang Rita na parang nakakita ng multo, may pahawak dibdib pose pa ito habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa amin.

Panira ng moment. Kainis!

"Manang Rita ano kasi uhm, ano kasi," walang kahit na anong katwiran ang lumabas sa bibig ko. Nilingon ko si Uno na nakatayo at parang walang pakialam sa paligid niya. Nyeta tulungan mo ako hoy!

"Anong ginagawa mo rito iho?" Hindi makapaniwalang tanong niya dito.

"Nothing," tanging wika ni Uno. Naka-poker face itong lumabas sa silid ko at hindi kami pinansin. Nagkibit balikat nalang ako dahil sa kasupladohan nito.

Paniguradong ma-i-issue na naman ako nito. Bukod kasi kay Manang Rita, nandoon rin si Frizzy na lumapit sa amin nang marinig ang sigaw ng matanda at nakiki-usyoso. Tiningnan ko ang nakasimangot na si Frizzy. Anger and disgust were written all over her face. Inirapan ko lang siya, buti nga sayo. Umalis ito para sundan si Uno.

"Iha magpaliwanag ka nga," narinig kong sabi ni Manang Rita na nasa tabi ko na pala. Nginitian ko siya para itago ang kabang nararamdaman ko.
Ano bang isasagot ko?! Sabi ni Uno hindi raw ito dapat malaman ng iba pero nahuli kami sa akto. Sasabihin ko ba? Bukod kay demonyita, si Manang Rita lang naman yung nakakita eh. Hindi naman tsismosa itong si manang kaya mukhang mapagkakatiwalaan naman.

At sinabi ko nga kay manang ang kasinungalingan patungkol sa amin ni Uno. Nagpaliwanag ako sa kaniya kung bakit ito nasa kwarto ko at expected ko na ang pagkagulat niya.

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon