CHAPTER 29

1.5K 38 0
                                    

It's been five months since umalis ako sa mansion ng mga Sebastian. At sa loob ng mahabang panahon na 'yon, ay mapayapa kong dinadala ang naging bunga ng pagmamahalan namin ni Uno.

Tama. Buntis ako. Nalaman ko lang ito nung mag-aapply sana ako ng part time job sa isang restaurant. Bigla nalang kasi akong hinimatay, at nang isugod nila ako sa ospital, doon ko na nalaman na nagdadalang tao ako.

Hindi ko inaasahan na buntis pala ako. Ang buong akala ko kasi noon ay hindi 'yon magbubunga ngunit nagkakamali pala ako.

Mahirap, oo. Pero kakayanin kong buhayin ang anak ko kahit hindi ko kasama ang ama niya. At isa pa, hindi naman ako nag-iisa.

"Mga pampaligo, check. Groceries, check. Oh ayan na. Your one week supply is complete. Can I go home now?" Naiiritang wika ng kasama ko sabay pamaywang.

"Eh where's the banana? I told you to buy me one. Bakit wala?" Nakanguso kong reklamo. Ilang beses ko nang sinabi sa kaniya na huwag kalimutan 'yung saging pero wala pa rin. May amnesia yata 'tong babaeng ito.

Nakasimangot ako nitong tiningnan.

"Sorry I forgot. Bibilhan nalang kita sa susunod kong daan dito." Paliwanag niya at kinuha ang sling bag na nakalagay sa table.

"Waaah Aera naman eh, alam mo namang gustong-gusto kong kumain ng saging tapos hindi mo ako binilhan? Ang sama mo!" Niiyak kong salita habang nagpapadyak padyak.

She rolled her eyes at me tapos ngumiwi.

"Omg Gabi stop acting like a kid. You're 22 and soon to be a mother for heaven's sake!" Saway niya sa akin na hindi ko naman pinansin at pinagpatuloy ang pagpapadyak ko.

Ang unfair lang kasi. Kinalimutan niya yung nag-iisa kong request. Sumasakit ang damdamin ko kasi parang wala na siyang pakialam sa akin.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko at parang gusto ko talagang umiyak. Hindi naman ako ganito noon pero sa tingin ko ay epekto ito ng pagbubuntis ko.

"I want a banana! Bilhan mo ako ng tatlong kilo please." Pagmamaka-awa ko sa kaniya pero inirapan na naman ako ng walanghiyang bruha kaya mas lalo akong umiyak.

"Wait, can I call a friend? Hindi pwedeng ako lang ang maiistress dito.Bakit kasi ayaw mo pang umuwi, edi sana maaliwalas 'yang pagbubuntis mo." Reklamo ni Aera. Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi umimik.

And as a sign of defeat, she heaved a deep sigh.

"Tsk fine."

Agad nagningning ang mga mata ko at matamis ko siyang nginitian.

"Thanks! The best ka talaga." Saad ko at dinambahan siya ng yakap ngunit mahina niya akong itinulak palayo at sinamaan ng tingin.

"Mag-ingat ka nga sa mga kilos mo, maawa ka naman dyan sa dinadala mong anak." Saway na naman niya kaya napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Oo na, sorry po nay." Pagbibiro ko na nginiwian niya lang at tuluyan nang umalis. Buti nalang at nandito ang babaitang 'yon kahit masungit. Kasi kung hindi, baka naging pulubi na rin akong pagala-gala sa kalye.

Nagkibitbalikat lang ako at bumalik sa sala upang manood ng TV.

Nakita ako ni Aera sa pinagtatrabahuan kong restaurant noon. Dalawang buwan pa akong buntis nun kaya makakaya ko pang magtrabaho ng kahit kaunti.

Hindi ko talaga inaasahan na magkikita kami. Nung una ay sinubukan ko na namang tumakas but knowing her, hindi niya ako hinayaang makahakbang man lang.

Grabe naman kasi ang bruhang 'yon. Unang pagkita palang namin eh deretso akong sinabunutan. Hindi pa nga ako nakapagsalita, hinila na niya ang buhok ko. Tapos sa gitna pa ng maraming tao! At ang dahilan? Pinag-alala ko raw siya ng sobrang-sobra kaya karapat-dapat niya lang daw akong bugbugin at sabunutan hanggang sa matanggal ang anit ko.

Oh diba? Hayop talaga!

Buti nalang at agad siyang pinigilan nung kasama kong waiter at sinabing buntis ako kasi kung hindi, aba baka siya pa makapatay sa akin.

Pagkatapos nun ay pinagalitan na naman niya ako ng bonggang bongga. Parang nanay nga kung maka-asta.

Nagkataon rin kasi na panandaliang nags-stay siya sa bahay ng tita niya dito sa lugar na 'to. Ikinuwento ko na sa kaniya ang lahat na nangyari sa akin. Noong una ay nagtangka siyang sabihin sa iba pa naming kaibigan at maging sa parents ko na nakita na niya ako. Agad ko naman siya napigilan.

Hindi pa ako handang harapin sina Mom at Dad. Siguro dadating din ang panahon na uuwi ako sa kanila ngunit hindi pa sa ngayon.

Kaya simula nun ay palihim akong tinulungan ni Aera. Hindi na rin kasi ako makapagtrabaho dahil lumalaki na ang tiyan ko kaya siya na ang sumusuporta sa akin.

Napahawak ako sa malaking umbok na nasa tiyan ko nang maramdaman kong parang may sumipa.

Malungkot akong napangiti.

'Matutuwa and daddy mo kapag nakita ka niya.'

Nakokonsensiya na rin ako minsan kasi parang pinagkait ko kay Uno ang anak niya. Pero alam ko namang malabong mangyari na magkita pa kami ulit. Baka nga hindi na tatanggapin ni Uno na may anak kami. Lalo na ang Dad niya.

Sa tingin ko ay masaya na si Uno ngayon at nakita na niya ang fiancee niya. Teka, sino nga pala ang fiancee ni Uno? Ang tagal ko doon pero ni minsan ay hindi niya nabanggit ang pangalan ng babaeng 'yon maging ang dad niya.

'Pero kung sino ka man, sana alagaan mo ng mabuti ang lalaking hindi ko kayang ipaglaban noon.'

Nakaramdam ako ng gutom kaya napahawak na naman ako sa tiyan ko.

Ang tagal naman ni Aera.

Napangisi na lang ako nang biglang may maalala. Agad akong tumayo at tinahak ang daan papunta sa aking kwarto.

Nang makapasok na ako ay dali-dali kong binuksan ang hindi kalakihang cabinet. Kinuha ko ang isang plastic na nakatago doon na may lamang apat na piraso ng saging.

May tinago nga pala ako dito sa kuwarto as a back up kapag naubusan na ako sa kusina.

Medyo na over riped na ito pero wala akong pake. Basta mapunan ko lang ang kumakalam kong tiyan, okay na.

Agad-agad akong kumuha ng toyo bilang sawsawan at bumalik sa panonood ng telebisyon sa sala. Binalatan ko ang isang piraso at isinawsaw sa toyo tsaka kinain. Napapikit nalang ako sa sarap.

Lumipas ang isang minuto at isusubo ko na sana ang panghuling piraso ng saging nang may marinig akong nagdoor bell.

Si Aera na siguro to.

Pumunta ako sa pintuan dala ang saging. Binuksan ko ito pero agad kong nabitiwan ang dalang saging nang makita ko si Aera na namumutla habang may nakatutok na baril sa kaniyang ulo.

Hindi ako makagalaw sa sobrang kaba na nararamdaman ngunit napako ang paningin ko sa taong may hawak ng baril.

"Uno?"

To be continued...

Let's be mutual friends on social media! Here's my official account.

Fb: @Ayang WP
Twitter: @OriginsNeo
Ig: @aerarah

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon