(A/N: Short update ;>)
"What the fvck are you doing here?!"
Napapikit ako ng mariin dahil sa pambungad niyang sigaw. Shit lagot ako nito. Nabuhay na naman ang lahat ng kaba na nararamdaman ko kanina. I thought they went out already. Yun pala ay yung babae niya lang ang lumabas.
Hinarap ko ang kaniyang mukha na sobrang galit na. I scanned him carefully. Walang kahit anong salita ang may balak na lumabas sa bibig ko. I'm nervous but this man is just wearing his boxer short and he's damn hot!
"What are you looking at?" Napabalik ang paningin ko sa mukha niya at naabutan ko itong nakataas kilay with a smirk carved on his lips.
"W-Wala po." Pag-uutal ko dala ng sobrang kaba sabay tulak sa kaniya at mabilis na tumakbo palabas ng kuwarto nito. Gusto kong lumayo. I sensed danger on that smirk.
*******
Madaling lumipas ang panahon at pangatlong araw na ngayon simula noong nagbakasyon ang lahat ng katulong. At sa tatlong araw na iyon ay nagdadala ng iba't ibang babae si sir Uno. Iba-iba kada araw.
I thought he was a serious and workaholic type of person but I was wrong. Masyado pala itong babaero at halos hindi na pumapasok sa trabaho.
Hindi na rin ako nagtangkang pumasok sa kuwarto niya tuwing gabi. Baka kasi may maabutan na naman ako doon na hindi kaaya-aya sa mata at pandinig.
Those three days went smoothly. Hindi na rin masyadong dumadalaw ang pagiging tanga ko at ginagawa ko na ang aking trabaho ng mabuti. Pero sa mga araw din na iyon ay sobra akong naiilang. I always felt someone watching me from somewhere. Wala naman akong nakikita kung lilingunin ko ito.
Magiliw akong nagwawalis dito sa garden. Ito nalang kasi ang natitira kong trabaho sa araw na ito. It's already thirty five minutes past four at minamabuti ko ang pagwawalis nang sa gayon ay makapaghinga na ako.
Gaya ng nakaraan, may nararamdaman na naman akong nakatitig sa akin. Mabilis ko itong nilingon and unlike last time, nahuli ko na kung sino ito.
It was Uno leaning on the balcony of his room. I decided to call him with his name since he's a bastard.Nagtagpong mga mata at hindi man lang ito natinag upang umiwas. Mariin lang itong nakatitig sa akin na para bang may malalim na iniisip.
I felt awkward kaya ako na mismo ang unang nag-iwas ng tingin. Wala naman akong mapapala kung makikipag contest ako sa kaniya ng titigan.
Niligpit ko na lahat ng gamit panlinis at dali-daling pumasok sa mansyon upang umiwas sa mga titig niyang nakaka- conscious.
But unpleasantly, nang makapasok na ako sa sala ay siya namang pagbaba niya sa hagdanan kaya nagkatagpo na naman kami. Hindi ko nalang pinansin ang presensya niya tuloy-tuloy na naglakad nang tawagin niya ako.
"Jessica." He said with a flat tone. Gosh umiiwas ako! Nilingon ko siya at awkward na nagsalita.
"Y-Yes sir?" Sagot ko dito.
"Let's talk." Walang emosyong utos nito at sumenyas na sundan ko siya. Ginawa ko naman ang inutos nito at sumunod sa kaniya.
Dinala niya ako sa garden at umupo ito sa isang bench kaharap ang isang round table both gawa sa marmol. Sinabihan niya akong umupo sa katapat nitong upuan kaya ginawa ko ito.
"You know too much." Paunang salita nito. Huh? Ano bang nalaman ko? May kasalanan ba ako sa kaniya?
"Po?" Naguguluhan kong tanong.
"From that photo up to those ladies. You are not supposed to discover it all but you're too careless. In short, ang pakialamera mo kasi. Remember your place. You're just a maid here." Dagdag pa nito.
Those words struck me hardly. Napayuko ako at nakaramdam ng kahihiyan. I wasn't ready for those words. Ang sakit lang.
I wasn't informed na tinatago niya pala ang picture na iyon at malaki ang galit niya dito. I thought he wasn't there kaya pumasok ako sa banyo niya dahil naiihi ako. And lastly akala ko normal sa kaniya ang magdala ng babae. He is a playboy remember?
Hindi ako nagsalita at nakayukong nakikinig sa lahat ng insulto niya sa akin.
"Why do beggars touch things na hindi naman sa kanila? Are you searching for jewelries or something that cost much para nakawin? That's bad you know." Patuloy niya pa sa pang-iisulto sa akin na para bang wala lang sa kaniya ang maaari kong marmdaman.
Nagsimula nang manlabo ang paningin ko dahil sa mga luhang nagbabadyang lumabas. Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para pigilan ito. Hindi ako makatingin sa kaniya. Natatakot ako na baka kapag nakita ko ang mukha nito ay tuluyan na ngang tumulo ang mga likido sa aking mata.
"From now on, I won't assign you to clean my room. It's in danger every time you get in there." Dagdag pa nito.
So he really thinks that I'm a thief. Ginaganto niya kaya lahat ng mahihirap? I felt too little. I didn't expect na may mga tao palang ganito ang ugali. He's a monster!
Tumayo ako at walang pasabi na umalis sa harapan niya. Alam ko namang may kasalanan ako but he went too much. Mabilis akong naglakad papasok sa kuwarto ko at doon ibinuhos lahat ng frustrations na nararamdaman ko.
Ang kaninang pinipigilang luha ay nagsimula nang tumulo. Pinahid ko ang aking kamay dito upang pigilan ngunit parang may sarili itong isip at ayaw magpa-awat. Damn.
To be continued...

BINABASA MO ANG
Twisted Fate
RomanceGabriella Arcus was born to be the star in the field of pageants-according to her parents. No one opposes it since she has the beauty and brain. At the age of six, she already started her training to be a professional candidate until she reached her...