After that confrontation yesterday ay hindi na niya ako muling kinausap pa. Mas lalo na rin akong umilag sa kaniya. Hindi pa rin kasi ako maka get over sa mga pananalita niya kahapon.
Lagi na ring umaalis si Uno at kadalasang umuuwi ng madaling araw kaya hindi kami masiyadong nagkikita. Nagpapasalamat na rin ako dahil dito. Pero minsan hindi ko maiwasang mangamba dahil walang kahit ni isang guard dito sa mansyon.
Nandito ako ngayon sa isang palengke. Unang beses ko ito simula noong nagtrabaho ako sa mga Sebastian. Naubusan na kasi ng stocks yung ref at trabaho sana to ni Ella kaso nakalimutan niya ata kaya ako na ang mag gogrocery.
Gusto ko sana na sa super market nalang ako bibili kaso sobrang liit lang ng perang dala ko. It's my own money you know at ayaw kong humingi kay Uno kasi baka pagsalitaan na naman ako nun.
Pagtatiyagaan ko nalang to kesa sa mapagalitan ng halimaw na yun.
Maraming tao dito pero medyo nasanay na ako. Minsan na kasi akong nakapunta dito sa palengke dahil kay Tita Gale na sobrang kuripot. Takot maubusan ng pera kay laging nagtitipid.
Bumili ako ng isda, karne, gulay, prutas at iba pang mga pagkain na nakasulat dito sa listahan ko.
Nang makompleto ko na lahat ay hirap na nagsimula ako maglakad. Apat na malalaking plastic ang bitbit ko at sobrang puno pa. Oh god ang bigat!
Marami-rami talaga itong binili ko para na rin daw sa paghahanda ngayong pasko sabi ni Ella kanina nung tumawag ito.
Habang naglalakad ay may nakita akong isang itim na tuta sa may iskinita. Halatang palaboy ito at nag-iisa lang. Medyo nakakaawa kaya lumapit ako dito at pinagmasdan ang kakyutan nito. Humarap ito sa akin at parang nagmamakaawa.
"Ang cute mo naman." May halong panggigigil na bulong ko dito.
Binaba ko ang aking mga karga at marahang hinaplos ang mukha nito. I love dogs. To tell you the truth, may alaga akong aso noon na si Chip. Pero namatay ito dahil nasagasaan ng isang ten wheeler truck.
Gusto ko siyang kunin at iuwi nalang kaso baka ayaw ng boss ko. Masungit pa naman yun.
Binitawan ko na ito at muling kinuha ang mga groceries. "Don't go near roads para hahaba pa buhay mo, bye." Salita ko ulit at pinatuloy ang paglalakad ko nang maramdaman kong sumusunod ito sa akin.
"Bakit mo ako sinusundan?" Tanong ko sa tuta na para bang sasagutin ako nito. Tumahol ito gamit ang kaniyang maliit na boses.
Mukhang na attach na yata sakin ito dahil ayaw niya na akong lumabayan. Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko ngunit tumakbo rin ito upang masundan ako.
"Hindi ka puwedeng sumama sakin." Sabi ko at huminto na. Tumatahol-tahol lang ito at dinilaan ang sapatos ko. Nakakaawa na talaga.
I sighed. Wala na akong ibang nagawa kundi ang pumara na lang ng tricycle. I fixed my mind. Dadalhin ko nalang siya. Una kong nilagay ang mga pinamili ko at saka binuhat ang tuta bago sumakay. Hindi naman kalayuan dito ang subdivision kaya walang problema.
Nang maka-uwi na ako ay nilagay ko kaagad ang mga groceries sa mesa at binaling ang atensyon sa kasama ko.
Bahagya akong lumuhod at kinausap ito."Siguro bibigyan kita ng name." Sabi ko sabay karga sa kaniya. Maraming pangalan ang pumasok sa isipan ko. Hmm ano kayang bagay sa kaniya? He's a he so dapat panlalaki.
"Clay? Hmm wag kasi di bagay sa cute mong mukha." I'm good with names kaso bakit ayaw gumana ng utak ko ngayon?
I continued brainstorming hanggang sa sumuko na ako. Wala akong maisip!
"Doggy? Blacky? Jack? Coco? Slurp? Chippy? Choco? Caramel? Vanilla? Sushi-" Naphinto ako ng narealize ang mga sinasabi ko. Nakakagutom! Biglang kumalam ang sikmura ko kaya bahagya akong natawa.
"Ayan tuloy, gutom na ako." Pinisil-pisil ko ang pisngi niya dahil may katabaan ito. Mukhang gusto niya yung ginagawa ko. Ang cute lang.
"Black."
Napatigil ako sa aking ginagawa nang may nagsalita. I searched the owner of that voice and found Uno na nakasandal sa may pintuan. Our eyes met and I felt shivers. Agad kung iniwas ang paningin ko.
"Just call him Black." Dagdag pa nito at umayos ng tayo. Nagsimula itong maglakad palapit sa amin. Nakaramdam ako ng kaba. Paano kung ayaw niya sa aso? Sermon na naman abot ko nito.
"B-Bakit Black?" Hindi ko maiwasang magtanong.
"Because his color is black." He said calmly at lumuhod sa harapan ko. Wow nice. Wala man lang deep meaning or something. Just call him Black because his color is black. Panggagaya ko dito sa isipan ko.
Napalingon naman ako sa tuta ng umalis ito sa pagkakahawak ko at lumapit sa kaniya. Bahagya akong nagulat dahil sa ikinilos ng tuta. The heck? Bakit siya lumapit sa halimaw na yan? How can he like him?
Kinarga niya ang tuta at hinaplos haplos ang ulo nito. It's unfair! Bakit parang ang bait niya sa aso tapos lagi siyang galit sa akin? Hayst mga hayop nga naman.
"Saan mo siya nakita?" Tanong nito sa akin habang nilalaro parin si Black. Oo Black na pangalan niya. Suggest ng amo ko eh. Baka palayasin pa ako pag pumalag ako.
"Sa may iskinita. Teka sir, okay lang ba sayo na nagdala ako ng aso dito?" Naguguluhan kong tanong.
"Why not?" Sagot nito. Tumango nalang ako at tumayo na. He has a thing for dogs. I guess so. I thought he hates everything. Totoo nga palang may himala.
Naghintay ako ng ilang sandali para bitawan niya si Black pero hindi siya bumitaw dito. Patuloy niya lang itong kinarga at nilalaro. Tiningnan niya ako at tinaasan ng kilay.
Napairap nalang ako at sinimulang iligpit ang mga binili ko.
Nang matapos na ako sa pagliligpit ay ibinigay niya sakin si Black.
"Paliguan mo at pakainin. Make sure he is clean when I arrive." Sabi nito at umalis. Hindi na ako nagsalita pa at umoo nalang.Dinala ko si Black sa bathroom ng kuwarto ko at pinaliguan siya ng mahuti. Ang daming dumi niya, mabuti nalang at wala itong mga kuto at mga kati sa katawan.
Hindi parin ako makamove-on sa mga inasal ni Uno kanina. He is weird at ang hirap niyang basahin. Ayaw maniwala ng utak ko sa mga ikinikilos niya at hindi ko inasahan na mahilig pala ito sa aso. He just showed me- I mean Black his soft side.
Sana ganun din siya sa mga tao.
Pero halimaw pa rin siya. At hindi yun magbabago dahil lang sa mga ipinapakita niyang bait kanina.
"Black, don't go near him again. He is a monster." Sabi ko sa walang kamalay-malay na aso.
To be continued...

BINABASA MO ANG
Twisted Fate
RomanceGabriella Arcus was born to be the star in the field of pageants-according to her parents. No one opposes it since she has the beauty and brain. At the age of six, she already started her training to be a professional candidate until she reached her...