"Bye po sir, ingat," kumakaway kong paalam kay Uno habang papalayo ang sasakyan nito papuntang trabaho. Alas sais pa lang ng umaga. Maaga kasi ang pasok niya kaya maaga rin itong umalis araw-araw.
"Ang sweet naman ng girlfriend," igik ni Ella na nasa likuran ko lang. Ibinaba ko ang kamay ko at nakapameywang na hinarap siya. "Tumigil ka nga dyan, baka marinig ka pa ng iba." Saway ko sa kaniya.
Tinawanan lang ako ng bruha at pumasok na sa loob at may aasikasuhin pa. Sumunod na rin ako sa kaniya. Napahinto lang ako sa paglalakad nang makita ko si Dos na bumababa sa hagdanan. Halatang bagong ligo pa lang ito dahil sa basa at magulong buhok which is not bad. Bagay nga eh.
Nang mapansin niya akong nakatingin sa kaniya ay ngumiti ito sa akin. Hala? Bakit ngumingiti na siya ngayon? Kahapon lang ang suplado niya, tinawag pa nga akong witch tapos ngayon ngingiti-ngiti lang siya na parang walang nangyari? Ano bang nakain nito?
"Good morning," bati niya sa akin na mas ikinagulat ko pa. Siguro natauhan na siya, na kasalanan niya yung nangyari kahapon. Hindi naman ako masungit na tao kaya nginitian ko na lang din siya pabalik.
"Good morning din," sabi ko at dumeretso na sa kusina. Naabutan ko roon si Viana at Black na naghaharutan. Sa lahat ng lugar, dito pa talaga nila naisipang lumadlad. Kaunting respeto naman sa mga single.
Single ka pala? Akala ko may Uno ka? Singit nung nakakairita kong konsensya. Minsan naiinis din ako dito sa utak ko. Laging kumukontra eh, wala man lang unity.
Naghanda ako ng dogfood at nagsquat tapos inilahad ito sa dalawang nagmomoment na aso. Si Viana ay ang poodle ni Dos na dinala niya sa store nung nakaraang dalawang linggo. In good terms naman silang dalawa ni Black, naglalandian na nga eh. Tsk.
Pinapanood ko lang ang dalawang kumain nang may nagsalita."Mukhang nagkakasundo 'yang dalawa ah," sabi ni Dos at nilagok ang dala-dalang baso ng tubig. Hindi ko namalayang nakasunod lang pala ito sa akin. Napatango-tango ako.
"Naglalandian na nga eh," komento ko naman at tumayo na.
"Jessica, right?"
"Oo, bakit?" Sagot ko dito.
"Do you really love my brother?" Seryosong tanong niya. Bigla akong napa-isip sa tanong niya. Do I love Uno? Medyo nagiging weird yung feeling ko pag andyan siya pero love na ba yun? Siguro hindi. Crush oo, pero love? Malabong mangyari. Kung sakali man, hindi parin kami bagay. Knowing our worlds are far too different. He's out of my league. Karapat dapat siyang hangaan because he's at the top. He has tons of expensive cars, expanding businesses, and extravagant lifestyle. Kulang nalang ang attitude niya. But if you sum up everything? That's nearly perfect. Yes I lived in wealth, but that was before. Now, I consider myself as a poor lady who works as a maid to sustain life. But why am I questioning myself? Simple lang naman ang sagot nito.
"Of course, magpapabuntis ba ako pag hindi?" Sabi ko sa kaniya. I'm just confusing myself. This is an act so dapat hindi ko kinokonek ang totoo kong nararamdaman dito. Juicecoloured.
Nagkibit balikat ito. "I don't know, maybe it's pure lust." Sagot niya at nilapag ang pinag-inumang baso sa lamesa.
"Hindi ako gan'yang babae," I said which is a matter of fact. I'm not a slut na kahit sino nalang ang pinapatulan. My mom raised me with respect for myself. Tiningnan ako nito at lumapit.
"Good, then let's be friends?" Nakangiting alok nito at nilahad niya ang kamay sa akin. Nginitian ko siya pabalik at tinggap ang kamay niya at tsaka nag shake hands.
"Friends," usisa ko.
"Sorry about nung sa store, and for calling you a witch." Wika nito. Mabait naman pala eh, nagfefeeling suplado pa. Magkahawig silang dalawa ni Uno tuwing nakangiti.
BINABASA MO ANG
Twisted Fate
Storie d'amoreGabriella Arcus was born to be the star in the field of pageants-according to her parents. No one opposes it since she has the beauty and brain. At the age of six, she already started her training to be a professional candidate until she reached her...