CHAPTER 2

2.2K 82 2
                                    

Ni lock ko kaagad ang pinto at dumeretso sa walk-in closet ko at sinimulang magligpit ng gamit.

May paraan pa Dad at gagawin ko ito ngayon. Kagabi ko pa ito plinano ng mabuti-ang tumakas na dito sa bahay. Alam kong ilang beses na akong nagtangka pero iba na sa pagkakataong ito. I'm fully determined at hindi ko hahayaang magkamali ako sa ngayon.

Nilagay ko ang mga gamit ko sa maleta. Hindi na ako magdadala ng maraming damit para malaya akong makakilos kung sakali man. Kinuha ko ang natitirang dalawang libong piso sa wallet ko at nilagay sa isa pang maliit na wallet. Hindi ko dadalhin ang mga credit cards at iba pang cards ko dahil kapag ginamit ko ito ay baka matrace agad nila ako.

Okay lang ang dalawang libo dahil sa tingin ko ay kakasya naman ito sakin dahil maghahanap agad ako ng trabaho sa malayo yung hindi na talaga nila ako matatagpuan.

Nang matapos na ang paghahanda ko ay hinintay ko nalang na mag gabi dahil sa oras na iyon ko gagawain ang mga binabalak ko. Sandali akong napaidlip dahil wala naman akong ibang ginagawa kundi ang umupo lang.

***

Nagising ako dahil sa pagtunog ng cellphone ko. Chineck ko ito at alas syete na ng gabi. Napangiti naman ako dahil dumating na ang oras na hinintay ko.

Tinali ko ang bawat hangganan ng mga bedsheet at comforter ko para tumaas ito at maging parang isang lubid.

Nang matapos ay hinagis ko ito sa bintana at tinali ang isang hangganan nito sa paanan ng kama ko. I'm sure na hindi ito mapuputol dahil malaki ang queen sized bed ko at magaan lang naman ako.

Dahan-dahan akong kumapit sa tela pababa.

"Sorry Mom, Dad but I have to do this." Mahina kung bulong at tuluyan nang bumaba.

Nang makababa na ako ay patago akong dumaan sa gate namin sa likod. Wala masyadong napapadpad dito sa likod dahil nagsisilbi lang itong emergency exit namin.

Napapikit ako ng mariin dahil sa nilikhang tunog ng gate namin nang buksan ko na ito.

"Sino yan?" Tanong nung guard na nagbabantay di kalayuan. Hindi ko siya napansin a.

Hindi ko alam pero sa tingin ko ay na tawag ko na lahat ng Santo sa langit dahil sa kaba. Sana di niya ako nakita. Nahigit ko nalang ang hininga ko dahil papalapit dito si kuyang guard.

"May tao ba diyan?" Sabi nito at inilawan ang paligid gamit ang flashlight niya.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil isinara lang nung guard ang gate at umalis dahil wala naman siyang nakitang kahit anong kahina-hinala.

Nang masiguro kong safe na talaga ay lumabas na ako sa aking pinagtaguan at tumakbo na palabas ng subdivision. Sinikap kong hindi ako makilala ng mga tao kapag dumadaan ako kaya ligtas akong nakalabas ng subdivision.

Napatili nalang ako sa saya dahil nakatakas na ako sa wakas! Thanks God!

Pumara naman agad ako ng taxi dahil papunta ako ng bus terminal. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero natitiyak akong sa malayo ang magiging distinasyon ko.

Binigay ko na ang pamasahe sa driver nang makarating na ako sa terminal. Bumaba na ako at huminto muna sa pinakamalapit na department store para bumili ng bagong sim. I need to be careful baka ma trace nila ako gamit ang sim card ko.

Naghintay ako ng ilang minuto sa bus terminal at napangiti ako dahil may dumating rin na bus. I checked the time and its already 7:30 pm. Sumakay agad ako dito at humanap ng mauupuan. Napili kong umupo sa pinakalikod ng bus at natulog muna sandali.

Nagising ako dahil sa biglang paghinto ng sinasakyan. Napalingon ako sa paligid at tatlo nalang kaming pasahero ng bus. Tiningnan ko ang oras and its already 11:00 in the evening.

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon