CHAPTER 19

1.2K 34 0
                                    

Sabi ni Uno kahapon nung maka-uwi kami, na babaguhin niya raw ang trabaho ko. Ako na raw ang tagahatid ng lunch niya sa pinagtatrabahuan niya. Kaya heto ako ngayon at naghahanda ng tanghalian para dalhin sa kompanya ni Uno.

Ewan ko doon at parang may saltik na sa utak. Ang weird lang talaga. Hindi naman kasi siya ganito noon. May cafeteria yung company building niya tapos gusto niyang dalhan ko siya ng pagkain? Siguro nagsawa narin siya sa mga putahe dun kay mas gugustuhin niyang kumain ng lutong bahay.

Ngingiti-ngiti kong tinakpan yung tupperware at saka nagpaalam sa mga kasamahan ko. Nginitiang aso lang ako ng bruhang si Ella. Binilatan ko lang siya at tuluyan nang umalis. 'Di maiwasang mag excite kasi makikita ko na naman ang gwapong amo ko. First time ko ring makapunta sa building niya.

Nalula ako sa sobrang laki ng gusali sa harapan ko. Hindi sa nababaguhan, may companya rin naman kami pero mas malaki lang talaga itong pag-aari ni Uno.

Pumasok ako sa loob at dumeretso sa front desk. "Miss nasaan po yung opisina ni Uno Sebastian?" Magalang kong tanong doon sa babaeng makapal ang kilay.

Tinaasan niya ako ng makapal niyang kilay. "Do you have an appointment?" Malditang tanong nito. Palihim akong napa-irap. This is what I hate in big companies. Hindi ka pinapapasok kapag walang appointment. Like wtf? Hindi lahat ng tao ay business ang pakay.

"Wala po akong appointment pero inutusan lang kasi ako ni Uno, heto oh dala ko ang pananghalian niya." Wika ko sa kaniya sabay pakita sa dala kong plastik.

Tinawanan lang ako nung bruha. " Wala kang appointment kaya hindi ka makakapasok. At isa pa, Sir Sebastian has no time entertaining needy people. Kainin mo nalang 'yang dala mo mamaya pag nakauwi ka na." Ratsadahang salita nito.

Kumulo agad ang dugo ko pero pinalagpas ko nalang. Wala akong panahong mag eskandalo dito. "Sige na miss, kahit sandali lang. Ibibigay ko lang 'to sa kaniya." Paki-usap ko.

"I said no! Umalis ka na nga." She exclaimed and pushed me. Dahil sa lakas ng pagkatulak niya ay nabitawan ko ang dala kong pagkain. Nanlaki ang mga mata ko at agad iyong pinulot tsaka chineck kung may natapon ba. Lagot ako nito kay Uno! Buti nalang at kaunti lang yung natapon.

Ayoko sanang mag-eskandalo kaso naiinis na ako talaga ako sa hinayupak na to. Pagkain 'yon at hindi dapat ginaganun. Binalingan ko siya at masamang tiningnan. Nakangisi lang ito at para bang natutuwa pa sa ginawa niya.

Agad ko siyang sinugod at tinulak rin na naging sanhi ng pagka-upo niya. "Ang kapal naman ng kilay mo para manulak! Paano kung natapon yung mga pagkain ha?! Edi paniguradong pagagalitan na naman ako ng amo ko! Aahitin ko talaga 'yang kilay mo pag nasisante ako!" Nanlaki ang mga mata niya at napawak sa kaniyang kilay. Nakakuha na rin kami ng atensyon at marami nang naki-usyoso.

"Y-You bitch! Guards! Guards! Palabasin niyo nga ang intruder na 'to!" Sigaw niya tapos tumayo. Agad namang nagsidatingan ang dalawang guwardiya at hinawakan ang magkabilang braso ko. Nagpupumiglas ako mula sa pagkakahawak nila.

"Bitawan niyo nga ako! Ikaw'ng ingrata ka! Ang kapal na nga ng kilay mo, ang maldita mo pa! Papaano ka napunta sa front desk, hindi ka naman approachable!" Sigaw ko rin sa kaniya. Nakita kong tumango-tango at nagbubulungan ang nasa paligid. Ang tanga rin minsan nitong ai Uno eh, hindi man lang tinitest ko bagay ba ang mga empleyado niya sa lugar nito. Hayst

Sapilitan akong kinaladkad ng mga guards pero nagpupumilit parin akong manatili. "Bitawan niya nga ako!" Reklamo ko ulit. Nakakaramdam na rin kasi akong ng sakit sa sobrang higpit ng pagkakahawak nilang dalawa sa akin.

"What's going on here?"

Narinig kong salita ng pamilyar na boses. Biglang tumahimik ang lahat at nagsibalikan sa kani-kanilang trabaho kaya nilingon ko ang pinaggalingan nito. Natagpuan ko si Uno na nakasimangot.

Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon